"Daloy ng panahon"
Sa bawat araw na dumadaan
Sa bawat daloy ng ulan
Sa bawat luhang pumatak
Ikaw pa rin ang pinipili ng puso't utak
Sa bawat takbo ng panahon
Ang puso ko'y di parin nakaka ahon
Sa bawat ihip ng hangin
Di parin nagbabago ang ihip ng pagtingin
Sa bawat bitwin sa langit
Na kay hirap sungkitin
Na kahit gaano ko gustuhin
Sa iba ka parin numiningning
Kaya sa bawat araw na dumaan
Kaya sa bawat daloy ng ulan
Ako'y mag hihintay
Na ikaw naman ang tumingin sa akin.
