Part 1

273 4 0
                                    


Bored. Bored. Bored. Gahd! Wala na ba talaga akong matinong ganap ngayong summer? Si Laurel iniwan ako tapos yung iba ko pang mga pinsan may kanya-kanyang mga lakad. Urgh!

Tamad akong bumaba ng aming hagdanan at natigilan kung sino ang maabutan sa living room parang mas gugustuhin ko pa yatang bumalik sa kwarto.

"Good morning Bella." Ngiting ngiti na bati sakin ni Vince. Bumagsak ang tingin ko sa bulaklak na hawak niya. Sunflower. Again.

Halos lahat yata ng flower vase dito eh napuno niya na.

"What are you doing here? Again." Wait. Parang ilang ulit ko na tong tinatanong sakanya tuwing umaga ah. Oh yeah. Whatever. Hindi ako tuluyang bumaba at sumandal lang sa hawakan ng hagdan.

"I brought you---"

"Yes, sunflower again. Tignan mo nga tong mansyon. Ginawa mo ng tambakan ng sunflower." Mataray kong saad. Nilibot niya naman ang paningin sa kabuuang mansyon bago ibalik ang atensyon sakin.

"The mansion look better." Seriously? Napairap na lang ako at balak na lang sana na bumalik ulit sa kwarto.

"Bella, wait." Pigil niya. Bored ko siyang tinignan.

"Do i have a chance?" Dagdag niya pa. Napataas naman ang aking kilay.

"Hindi pa ba sapat na pinayagan kitang manligaw?" He should be thankful. Sa dami ng lalaking gustong manligaw sakin siya lang ang pinayagan ko. He's courting me for almost 2 years. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya napapagod.

"Bella?" Biglang sumulpot si Mommy na mukhang galing sa kusina.

"Oh? Nandito pala si Vince. Hindi ka ba nahihiya sa ayos mo?" Huh? Bumaba ang tingin ko sa aking suot. Hello kitty na pajama at pang taas. Wala naman akong nakikitang mali dito.

"Don't worry Tita. Sana'y na po ako." Sagot ni Vince habang napailing na lang si Mommy. What?

"Come on mag-breakfast ka na. Ikaw din Vince." Saad niya at nauna ng pumunta sa kusina. Nagkatinginan naman kami ni Vince. Ngumiti siya. Napairap na lang ako.

Tuluyan na kong bumaba at sumunod na kay Mommy sa kitchen. Naabutan ko doon si Daddy na nagbabasa ng dyaryo at si Danica na tamad na kumakain pero nanlaki ang mata ng makita si Vince. Naupo ako sakanyang harap habang tumabi sakin si Vince.

"You're here again." Saad ni Daddy ng mapansin siguro si Vince. Sumimsim ako sa aking gatas at kumagat sa toasted bread.

"Lagi naman siyang nandito Dad." Sabi ni Danica kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumiti lang siya sakin. Tss.

"Anyway, how's your Dad's business?" Dagdag pa ni Daddy. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na sila binigyan ng paki. Business. I hate it.

BS Psychology dapat kukunin ko but Tito Van disagree. Instead, he want me to take BSBA. Wala na kong nagawa dahil sumang-ayon din naman si Dad.

"I told you to eat some rice every morning." Bulong sakin ni Vince matapos makipag-usap kay Dad. Nilagyan niya ng kanin ang aking pinggan. Nakita ko naman sa aking gilid ng mata kung paano manuod yung tatlo.

On A Lovely Summer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon