Part 2

80 2 0
                                    

Vince is one year older than me. 4th year college pa lang ako. Samantalang hinahandle na niya ang kanilang business. I meet him when i was 2nd year college. Naalala ko summer noon ng bisitahin namin ang taniman nila ng sunflower.

"It' really big huh." Sabi ni Dad doon sa lalaking mukhang na sa mid-40's na.

"Maganda ang lupa dito kaya magaganda ang mga tubo." Sagot nito habang sumulyap sakin.

"Is that your daughter?" Dagdag pa nito.

"Oh! Yes, i forgot to introduce to you. This is my first daughter Bella." Sabi ni Daddy kaya naman ngumiti ako doon sa lalaki.

"So may second pa?"

"Yes, pero hindi na sumama."

"Nakadalawa ka pala huh." Saad nito at pareho silang natawa ni Dad na parang may alam sila na hindi ko alam. Bigla namang may dumating na isang lalaki na halos pawisan na pero nananatili pa rin ang ka-gwapuhan nito. Bumagsak ang tingin ko sakanyang biceps. Unang tingin ko pa lang sakanya kahit good looking. Hindi pa rin pasok sa type ko.

"Anyway, this is my son Vince."

Nagtama ang tingin naming dalawa at sa kabuuang parte yata ng katawan niya ay ito lang ang nagustuhan ko. His eyes is so damn expressive.

"Ate Bella! Can you really hear me?" Tumingin ako kay Danica na halos itapat na ang bibig saking tainga. Kumunot ang noo ko sakanya.

"What?" Napailing naman siya.

"I knew it. Kung saan saan na naman napunta yang isip mo. I said tara na!" Sagot niya at nauna ng bumaba. Tumingin ako sa bar na tinigilan namin. Dito pa lang rinig na rinig na ang ingay.

Sumunod na rin ako sa aking kapatid at agad na sumalubong sakin ang malakas na music. Marami ng nagsasayaw sa dance floor at mukhang marami na rin ang may tama. Naupo ako sa bar counter at um-order ng martini. Sumimsim ako dito at nilibot muli ang paningin sa kabuuang bar. Halos mabitawan ko naman ang basong hawak ng matagpuan ang titig ni Vince sakin hindi kalayuan dito. What the... Anong ginagawa niya dito? Seryoso siyang nakatitig sakin at parang pinapanuod ang bawat galaw ko. Napaiwas na lang ako.

"Can you please give me some hard liqours." Saad ko doon sa bartender na agad niya namang sinunod.

Pano niya nalaman na nandito ako? Danica?

Napapikit ako ng madiin ng maramdaman ang init ng alak sa lalamunan. May umupo sa katabi kong bangko kaya agad akong napalingon dito.

"Hi." He said and smile to me. I don't know who's this guy but he's handsome huh. I didn't answer him at bumagsak ang tingin sa baso ng alak.

"Are you alone?" I look at him again.

"What do you think?" Mataray kong sagot. Napaatras naman ako ng ilapit niya ang kanyang mukha sakin.

"Wala bang magagalit?" Ngumiti siya  na parang nang aasar at luminga linga sa paligid. Napairap na lang ako.

Muli siyang lumapit pero may humila na sakin dahilan para mapatayo ako. Vince. Nilayo niya ako doon hanggang sa makalabas na kami ng bar.

"Why are you here?" Tanong ko ng tuluyan ko na siyang makaharap.

"You didn't tell me na pupunta ka dito." Sabi niya at di sinagot ang aking tanong.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" I don't understand him. Kailangan ko pa bang mag paalam?

"Tss." Kitang kita ko sa mata niya ang galit at lungkot pero napayuko na lang siya pagkatapos.

"Fine. Hindi na kita guguluhin. Doon ka na sa lalaki mo." Saad niya at tinalikuran na ko samantalang parang na estatwa na ko dito. So, 'yun na yon? Suko na siya?

Pinanuod ko ang paglalakad niya palayo hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Naramdaman ko ang butil ng luha na tumulo galing saking mata. Mabilis ko tong pinunasan ngunit sunod-sunod na tong bumagsak. Bwiset. Bakit ako nasasaktan? Napatakip na lang ako sa aking mukha habang humagulgol. Pakiramdam ko ilang beses na dinudurog sa maliliit na piraso ang puso ko.

Vince...

Tumakbo ako para habulin siya at sinubukan siyang hanapin ngunit bigo ako. Napaupo na lang ako sa isa sa mga bench doon.

Nang gabing iyon hindi ko na alam kung saan ako tutungo hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko sa kama ng aking kwarto habang walang tigil na umiiyak. Napapikit na lang ako at nahulog sa malalim na pagkakatulog.

Every summer he's going to take me to their farm. Doon lang ako pumapayag na makasama siya dahil sa paglipas ng taon na gustuhan ko na rin ang sunflower.

"Here." Inabot niya sakin ang isa sa mga malalaking sunflower doon. Napangiti ako at inamoy ito.

"I love you." Umangat ang tingin ko sakanya. He smile like everything is fine, he smile like he's very contented.

For me, that's the best summer.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng aking pinto. Umaga na naman at kinakabahan ako. Sana... Sana... Dumating pa rin siya. Dahan-dahan ko na tong binuksan at bumungad lang sakin ay katahimikan. It's already 10 am. Paniguradong nasa trabaho na sila Mommy at si Danica ay marahil tulog pa. I'm sure na may hang-over iyon.

Bumaba na ko ngunit wala akong Vince na naabutan. Sumulyap ako sa pinto. Hindi na ba talaga siya pupunta? Halos ilang minuto rin akong nakatayo doon at naghihintay ngunit wala talaga. Huminga ako ng malalim at bigong bumalik sa aking kwarto.

What should i do? Gahd! Napaupo na lang ako sa aking kama habang pinagmasdan ang mga sunflower. Yung iba dito ay natutuyo na.

Bigla namang may ideyang pumasok sakin dahilan para mapatayo ako. Nagmamadali akong pumunta sa aking walk in closet para maghanap ng damit.

I do my morning routine in a fast way. Sheez. Sana nandon pa siya. Sinuot ko ang puting dress na napili ko at niladlad lang ang mahaba kong buhok. Medyo may pagkabrown 'to at kulot ang bandang baba.

"Ma'am Bella, nakahanda na po doon---"

"Mamaya na lang po ako kakain!" Sagot ko habang sumakay na ako sa aking kotse. Nataranta naman siya at pinagbuksan ako ng gate. Binaba ko ang bintana ng tuluyan na kong makalabas.

"Salamat manang!" Saad ko bago paandarin ang aking kotse.

Sobrang bilis ng pag-pintig ng puso ko habang palapit ako ng palapit sa lugar na iyon. Sigurado talaga akong nandoon siya ngayon.

Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na mula dito ang mga naglalakihang sunflower. Napalunok ako at tinigil ang aking kotse sa gilid. Ilang minuto pa akong naghintay sa loob bago naisipang bumaba.

Sinalubong agad ako ng malamig na hangin kaya hindi masyadong mainit kahit tapat na tapat ang araw dito.

"Good morning Ma'am Bella." Bati sakin ng mga nakakasalubong kong mga tao na nag-aalaga ng mga sunflower dito. Tanging ngiti lang ang sinukli ko sakanila.

Pumasok ako sa loob ng taniman at luminga linga. Nasaan siya? Nahihiya naman akong magtanong sa mga taong nandoon kaya mas pinili kong ako na lang maghanap.

"Sino hinahanap mo Miss?" Napatigil ako at nilingon ang boses na yon. Isang lalaking hindi pamilyar sakin ang nakita ko dito. Ngunit ba'se sa itsura niya parang hindi naman siya isa sa mga trabahador dito kahit kapareho niya ang mga suot nito.

"Uhm... Si Vince." Sagot ko. Tumango naman siya at ngumiti sakin habang nilahad ang kamay.

"I'm Ethan, pinsan niya."

On A Lovely Summer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon