Part 3

53 2 0
                                    

"I want him to marry my daughter, Bella."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Marry? Sumilip ako sa kusina at naabutan si Vince, Mommy at Daddy doon. W-What? Napaatras ako dahilan para madali ko ang flower vase. Kinabahan ako at mabilis tong hinawakan. Nakahinga ako ng malalim ng hindi 'to mahulog.

Bumalik na ko sa kwarto ko habang iniisip ang sinabi ni Daddy. Gusto niyang pakasalan ko si Vince? But i'm just second year college! Napasapo na lang ako sa aking noo. Malamang Bella pagkatapos mo gumraduate! But how about my dreams? My plans? Oh gahd! Wala na ba talaga akong karapatan sa buhay ko?

"What are you thinking?" Nilingon ko si Vince na ngayon ay napitas ng sunflower. Ito ang unang taon ko sa taniman nila. Talaga pa lang maganda lalo na pag kakasimula pa lang ng summer.

"Wala." Sagot ko at hinaplos ang nasa harapan kong sunflower.

Napatingin ako sakanya ng kunin niya ang kamay ko at napaatras ng halikan niya 'to. Napatitig ako sakanyang mata. It's really beautiful.

"Can i court you Bella Dela Mente?" Naramdaman ko agad ang unti-unting pagbilis ng pagpintig ng aking puso. Bakit pa? 'Yun ang gusto kong itananong sakanya. Bakit niya pa ako liligawan kung sa huli naman alam niyang sakanya pa rin ang bagsak ko?

Ano 'to palabas nila? Napaiwas na lang ako ng tingin sakanya. Do i have a choice?

"Yes." Sagot ko at naramdaman ko agad ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.

"R-Really?" Niyakap niya ako at hinalikan sa aking noo.

"He's not here baka nasa office niya na." Sabi ni Ethan habang naglalakad na kami palabas ng taniman. Napatango naman ako. Baka hindi siya pumunta dito.

"Thank you and nice meeting you." Saad ko ng makarating na kami sa aking kotse at sumakay na. Binaba ko naman ang bintana nito.

"Ingat. Papakasalan pa kita." Huh? Nilabas ko ang aking ulo sa bintana para makita siya.

"What did you say?" Tanong ko ng hindi maintindihan ang huli niyang sinabi. Umiling naman siya at ngumiti lang habang kumaway.

"I said take care." Parang hindi naman iyon ang sinabi niya kanina. Tumango na lang ako at sinara na muli ang bintana bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

I don't think na nasa office siya. Bumalik na lang ako sa mansyon at naabutan si Danica sa kitchen na katulad ng dati ay tamad na kumakain.

"Where's Vince? Hindi yata nagpunta." Sabi niya habang lumapit ako sa ref para kumuha ng tubig.

"Ewan." Tanging sagot ko at naupo sa harap niya. Tumaas naman ang kanyang kilay sakin.

"Saan ka galing?" Napairap na lang ako. Bakit ang dami niyang tanong?

"Isa pa. Nawala ka agad sa bar kagabi." Dagdag niya pa. Uminom muli ako sa aking baso bago tuluyang tumayo.

"Matutulog lang ako." Sagot ko at iniwan na siya doon.

"Ewan ko sayo. Lutang ka yata eh."

Gahd! Nababaliw na nga yata ako.

Isang linggo pa ang lumipas at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakulong sa apat na sulok nitong kwarto ko. Napabangon ako mula sa aking kama at nag simulang umiyak. Damn! I miss him so much!

On A Lovely Summer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon