Simula

4 1 0
                                    

Simula

Tunog lang ng mga aparato ang ingay na naririnig ko sa kwartong ito , 7 months na din tayong nandito pero hindi ka pa din nagigising hanggang ngayon . Pitong buwan na din akong iniwan ng mapapangasawa ko 'sana' pero until now hindi pa din ako nakaka-move on pero heto ako at binabantayan yung taong hindi ko naman kilala at hindi ko naman kaano-ano . Pitong buwan na din nung makita kitang duguan at walang malay sa kotse mo sa tabi ng tulay na sana ay tatalunan ko pero panira ka ng dahil sayo hindi ako namatay .

"Hoy gumising ka na nga dyan! Ang tagal tagal ko na dito , kailangan mo kong bayaran paggising mo lahat ng inipon ko napunta sayo kaya gumising ka na"

Pagalit kong sabi habang nakatayo sa gilid mo , naiinis ako bakit ba kita tinulungan sabagay gwapo ka naman kaya valid reason na yon .

"Oh sya aalis muna ako babalik din ako agad pero dapat pagbalik ko gising ka na kung hindi tatanggalin ko lahat ng aparatong nagdudugtong dyan sa buhay mo"

Hayy nakakagutom palang kumausap ng tulog na tao . Nakakabaliw din minsan magsalita ng wala namang sumasagot . Paglabas ko ng pintuan ay may nakabunggo akong hindi dapat kabunggo bunggo .

"Mavi?" gulat na sabi nung ex groom ko

"K-kiko?" gulat ko ding sabi

"What are you doing here?" he ask in normal tone

Sheteng malagkit! lalo syang naging gwapo , kaso diba galit ako sa kanya eh bakit ako nauutal kanina habang sinasabi ko yung palayaw nya at bakit ako nanginginig at nanlalambot sa presensya nya .

"A-ahm ..."

Ano nga bang ginagawa ko dito alangan namang sabihin ko sa kanya na 'nung iniwan mo ko magpapakamatay na sana ako kaso may nakita akong kotse malapit sa tulay na tatalunan ko basag ang salamin at may tao sa loob duguan sya at walang malay kaya nag ala good samaritan ako at dinala ko sya sa ospital pitong buwan na ko dito dahil inaalagaan ko yung taong hindi ko naman kilala at ang mas worst hindi ko kaano-ano'

"I'm here because of my fiancè"

Ayan tama! dapat hindi nya mahalatang hindi pa din ako nakaka-move on sa kanya which is totoo naman . Pagdating sayo ang hina-hina ko , pagdating sayo nanlalambot yung puso ko kase hanggang ngayon ikaw pa din ang laman nito . Mahal pa din kita kiko .

"And how about you what are you doing here?" normal kong tanong

"My wife is here she is 7 months pregnant nagpapa check up lang kami"

Tumango nalang ako saka ngumiti pero deep inside 'ang sakit' kaya ba iniwan mo ko noon sa simbahan dahil nakabuntis ka? kaya ba mas pinili mong iwan ako dahil may mahal ka ng iba?

"I need to go , nice seeing you again"

Kasabay ng pagtalikod ko ay sumabay din ang mga luha na bumagsak sa mata ko , normal akong naglakad papalayo sayo kase mas lalo lang akong masasaktan kapag nag-stay pa ko . Ang sakit sakit sa dib-dib  nadudurog ulit yung puso ko gaya ng pagdurog mo dito 7 months ago . Parang andun ulit ako sa scenario na nagmamakaawang nakaluhod sayo habang binibigkas ko ang mga salitang 'wag mo kong iiwan hindi ko kaya' pero iniwan mo pa rin ako .

Ngayon magkaka anak ka na , kayo , ng asawa mo . Ang swerte naman nya kase yung taong minahal ko for 9 years and 8 months at dapat sana magiging asawa ko ay sya na ngayon ang mahal . Dapat ako yung nasa position ng babaeng yun eh ako sana ang bumibitbit ng anak nating dalawa . Ako sana yung inaalagaan mo habang dinadala ko sa sinapupunan ko ang magiging anak naten kaso hindi na mangyayare yon . Ako sana yung mahal mo at hindi sya . Tayo sana at hindi kayo .

Akala ko pa naman pag nagkita tayo ulit , tatanungin mo ulit ako kung ikaw pa ba ang mahal ko . Kung pwede pa ba nating ituloy yung naudlot nating kasal . Kaso madami ng nangyare sayo pero saken wala pa hindi pa ko nakakamove on hindi pa nga ko nakakabangon sa pagkakalugmok at hindi pa ko nakakahanap ng kapalit mo kase hindi na ko makakita ng katulad mo .

Napasubsob ako ng muka sa mga palad ko , i look like a mess now pero wala akong pake kailangan kong ilabas lahat ng sakit dito sa puso ko baka magkasakit ako sa puso kapag kinimkim ko to . Ano bang ginawa ko for the past years of my life para maramdaman ko yung sakit na ganito . Nagmahal lang naman ako pero bakit ako pa yung nasaktan bakit ako pa yung iniwan binigay ko naman lahat halos wala na ngang matira saken pero nakuha nya pa kong ipagpalit sa iba , Bakit ? yan lang yung tanging salita na hanggang ngayon hindi pa din nasasagot.

"Bakit kiko! Saan ba ko nagkulang! Bakit parang sayo wala lang ang lahat bakit hanggang ngayon apektadong apektado pa din ako! Ano bang ginawa ko sayo para saktan mo ko ng ganito! Binigay ko naman lahat pero bakit iniwan mo pa din ako!!! bakit!!!!"

Sigaw ko dito sa abandonadong park malapit sa ospital . Iyak , Hagulgol at hikbi ko lang ang nagpapa ingay sa lugar na ito . Sa sobrang tahimik dito dapat natatakot na ko pero hindi mas gusto ko nga yung ganito eh yung mag-isa lang ako . Gusto kong masanay na mag-isa nalang ako . At wala na si kiko para damayan ako sa bawat lungkot , iyak at luha na nararanasan ko ngayon na sya din ang may gawa .

Bumalik ako ng ospital para tignan kung gising na ba sya . Habang nasa hallway palang ako nakita kong may doktor na lumabas dito kaya agad akong lumapit sa kanya .

"Doc ano pong nangyare?" tanong ko dito

Tinignan muna ako ng doctor ng kakaibang tingin at ng mapalingon ako sa gilid nakita ko ang sarili ko sa salamin kaya agad kong inayos ang buhok ko at ang muka ko bago ulit ako humarap kay doc

"Ano po doc okay na po ba?" tanong ko dito na ikinatango naman nya habang natatawa

"Gising na sya you can see him now but he lost his memory at hindi ko masasabi kung permanente na ba ito o hindi"

Sabi nito at agad ding nagpaalam kaya pumunta na agad ako sa kwarto nya . Pagpasok ko nakita ko syang nakatingin sa kisame .

"Sa wakas nagising ka na"

Bungad ko kaya napalingon ito saken ang gwapo nya huh! infareness hindi na masama artistahin ang muka . Kaso wala pa ding tatalo kay kiko .

"Sino ka?" nagtataka nitong tanong

Patay anong sasabihin ko sa kanya alangan namang sabihin kong 'ako yung nakakita sayo nung duguan ka at walang malay habang wasak ang kotse mo sa tabi ng tulay na tatalunan ko sana' mamaya mawalan ulit sya ng malay at kapag nangyari yon madadagdagan na naman ang bayarin dito sa ospital.

"I'm your fiancè remember?" saka ko itinaas ang palasing singan ko at doon ko naalala na nandoon pa pala yung sing sing na sinuot saken ni kiko hindi ko pa pala to natatanggal

Binalik ko yung tingin ko sa kanya at nakita kong pinagmamasdan nya ang daliri ko habang nakakunot ang noo nito .

'Maniwala ka please" sabi ko sa utak ko

"Okay" pagsasang-ayon nito

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon