Kabanata II

4 1 0
                                    

Mavi's POV

Matapos ang dinner kagabi hindi na ulit ako nakatulog , parehas kaming dalawa na dilat ang mga mata buong magdamag .

Sa sobrang bored namin kain lang kami ng kain umorder kami ng mga pagkain sa isang kilalang fastfood na may kulay pulang bubuyog na model .

Nanood kami ng iba't ibang movie habang kumakain . Minsan nagkwekwentuhan pero hindi mo maaalis kay kristoffer na magtanong .

Magtanong kung saan sya nakatira , kung anong pangalan ng mama at papa nya , kung may kapatid ba daw sya , kung ilang years o buwan na kami , kung pano kami nagkakilala at kung saan , kung saan sya nagpropose at kung kailan .

Jusko wala akong maisagot sa kanya kaya pinipilit kong ilihis yung usapan namin . Minsan magtatanong palang sya uunahan ko na ng tawa o di kaya kwento tungkol dun sa palabas na pinapanuod namin .

Minsan mas gusto ko ng matulog para mahinto na sya kakatanong pero hindi naman ako inaantok kaya iniiba ko nalang yung usapan . Kainis ang hirap magsinungaling , hindi naman ako magaling sa larangan na to eh . Napasubo lang talaga ako .

"Ahm mavi" tawag atensyon saken ni kristoffer

"Hmm Bakit?"

"Thank you" sabi nito na ikinakunot ng noo ko

"Thank you saan?"

"For taking care of me habang nasa ospital ako" sabi nito

"Ah wala yon"

"I'm so blessed that i have you as my fiancè and my soon to be wife" sabi nito na ikinabigla ko naman

"H-ha? Hehe"

Jeskelerd wala na naman akong maisagot tyaka naniniwala na sya na fiancè nya nga ko . Hala ano ng gagawin ko nito . Pano kapag nagtuloy tuloy syang maniwala , ayokong makasakit ng damdamin ng tao . Ayokong ding manloko pero anong magagawa ko eh andito na ko .

Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay gumawa ng plano , alamin yung mga tungkol sa kanya pero sa ngayon gagawa muna ako ng kwento . Ang hirap nito pero kakayanin . Yari na ko kila mamsie at papsie nito sabihin nila hindi naman nila ko pinalaking sinungaling tapos ganito gumawa pa ko ng gulo at nandamay pa ko ng tao .

"Matulog ka na kristoffer" utos ko sa kanya

"Hindi pa ko inaantok nag eenjoy pa kong kausap ka" sagot nito

"Ah okay" tipid kong sabe habang tumatango-tango

"Wala ba tayong tawagan masyado kasing formal yung kristoffer and mavi while we're calling each other parang hindi tayo magka-relasyon" napalingon ako agad sa sinabi nya

Heto na naman po sya at heto na naman po ang kaba sa dib dib ko . Bakit ganito tong lalaking to ang daming tanong bagay syang maging judge dapat ito ang nilalagay sa korte suprema eh tiyak na mapapaamin nya agad ang may sala . Gaya ko parang gusto ko ng bumigay everytime na papaulanan nya ko ng tanong . Ang hirap kaya nitong ginagawa ko umaarte ako eh hindi naman ako na-train sa star magic workshop tyaka wala din kaming lahing artista noh .

"A-ah eh ano may tawag ako sayo pero ikaw mavi lang yung tawag mo saken kase ayaw mo ng maraming kaartehan sa relationship naten" palusot ko

"Ah okay" sagot nito ng may kasama pang tango

Whoooooh! napabuga ako ng malalim dun ah para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at bigla akong nasamid . Mga kailan kaya ang itatagal ng memory lost nya bago bumalik?

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang braso nyang biglang pumulupot sa balikat ko saka ako nito niyakap atsaka napasandal sa dibdib nito .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon