Kabanata I

5 1 0
                                    

Mavi's POV

"By the way what is your name and what is my name?" tanong nito saken

"I'm mavi and you are ki-kristoffer" sagot ko dito

Tumango lang sya bilang sagot , madami pa syang tanong pero yung iba hindi ko na kayang sagutin . Isa lang ata yung nasagot ko ng totoo yun ay ang pangalan nya . Napasubo ako dito ah akala ko madali lang magsinungaling .

"Ah nga pala uuwi na tayo mamaya" pag-iibang topic ko

Tumango naman sya bilang sagot at pagkatapos noon nilamon na kami ng katahimikan .

Ano ba itong pinasok ko , hindi naman talaga to yung plano ko pag gising nya . Ang plano ko sana pag gising nya tatawagan ko na yung pamilya nya para sunduin na sya dito at para mabayaran na din ako sa mga nagastos ko dito sa ospital . Kaso napunta ako dito ng hindi ko man lang inaalam ang pwedeng mangyare . Licheng buhay naman to oh! .

Kasalukuyan na kaming nasa parking lot ng maaninag ko na naman yung lalaking dahilan kung bakit ako nagsisinungaling ngayon aish! bahala na papanindigan ko nalang to .

"Mavi!" tawag saken ni kiko kaya napalingon ako

Kumaway ito saken habang patakbong lumalapit sa amin ni kristoffer . Tinignan ko yung katabi ko at nakakunot na ang noo nito .

"Who is he?" tanong ng katabi ko

"A-ahm ..."

Paktay na anong sasabihin ko , sasabihin ko bang 'kristoffer sya talaga dapat yung mapapangasawa ko sya yung nagbigay ng sing sing sya yung dahilan kung bakit kita nakita sa tulay at sya din ang dahilan kung bakit ako magsisinungaling at nagsisinungaling ngayon' tiyak na pag sinabi ko yan eh magugulo ang lahat

"I'm kiko her e—"

"His my friend" pagputol ko ng sasabihin ni kiko , hindi dapat malaman ni kristoffer na ex fiancè ko sya baka biglang bumalik ang ala-ala nito jeskelerd .

"I'm kristoffer her fiancè and soon to be husband" pagpapakilala naman nitong katabi ko

Napayuko ako bigla sa narinig ko dapat sa mga oras na to kinikilig na ko kaso hindi , kase hindi naman ito totoo . Hanu ba ito , Lord help me , lupa kainin mo na ko .

Inangat ko ang mata ko para makita ko ang reaction ni kiko at namalikmata yata ako dahil nakita kong nalungkot ang mata niya pero nawala din ito kalaunan , ngumiti ito at nakipag kamay pa dito sa katabi ko .

"Uuwi na kayo?" tanong ni kiko at tumango lang ako

"Ah okay take care sige balikan ko na si misis sa loob bumili lang ako ng pagkain nya baka hinihintay na ko nun" sabi nito bago ito naglakad palayo sa amin

Nalungkot ako bigla , nasaktan na naman kase ako . Umaasa ako na masasaktan sya nung nalaman nyang may ipinalit na ko sa kanya pero parang normal lang ito at masaya pa sya dahil nakahanap na ko ng ipapalit ko sa kanya .

Nanlambot akong naglakad papunta sa kotse ko , nauna ng sumakay sa loob si kristoffer habang ako bitbit ang mga gamit para ilagay sana sa likod ng sasakyan pero nauna atang bumagsak ang luha ko bago ko nailagay ang mga gamit .

Hindi pa din talaga tapos yung luha sa mga mata ko . Akala ko kanina wala na , akala ko lang pala yon . Yung tipong asang asa ako pero lahat ng yon unti-unti ng naglalaho .

Bumalik na ko sa driver seat ng parang walang nangyare , tinanong pa ako ni kristoffer kung anong nangyare saken pero ang tanging naisagot ko lang 'napuwing lang ako' .

From now on kailangan ko na ding maging katulad ni kiko , I need to brave and I need to step forward . Kung kaya nyang maka move-on pwes kaya ko din noh! . Hindi ako padadaig .

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon