Chapter 17

4.2K 110 1
                                    

Callie Beatrix POV


Matapos ng aming kantahan session ay nakalimutan kong sabihin sa inyo na bukas palang magaganap ang Mr. and Ms. Intrams namin, hindi ko nga alam kay Dean kung bakit monday pa ang Mr. and Ms. Intrams.

Ehh diba ngayon na ang last day ng intrams, sabagay bahala na sila sa buhay nila, rarampa lang naman at sasagot lang sa question and answer. Pagkatapos announcing of winners na.

So back to the topic, pagkatapos naming kumanta ay mabilis na kaing bumaba at sinabayan naman nila akong apat sa paglalakad.

"Princess, san na destinasyon mo?" Tanong sa akin ni Tan tan habang naglalakad pa din.

"Ahh gusto ko lang magpahangin." Sabi ko na lamang dahil wala naman akong destinasyon ngayon.

"Ehh? Ayaw mong uminom?" Napaka BI naman ni ethan ohh.

"Hindi, napaka BI mo bwiset." Narinig ko naman ang pagtawa nila sa akin maliban kay kiel na napaka tahimik at suot ang kanyang nagbabagang poker face, gwapo sana ito ehh kaso hindi marunong ngumiti.

"Done checking my face?" Mabilis akong napaayos ng tayo at iniwas ang tingin, ang 3 kasama naming dalawa ay nasa harapan namin na nagtatawanan kaya hindi nila narinig ang sinabi ni kiel.

"Hindi naman ahh? Assuming ka lang." Mahinang bulong ko lang sa kanya, nagulat na lang ako ng mahina siyang tumawa at hinawakan ang aking kamay.

Naramdaman ko rin ang pagpisil niya rito. kaya hindi ko maiwasan na mamula dahil sa ginagawa niya.

Sinubukan kong alisin ang kanyang kamay ngunit mas lalo niya itong hinigpitan at intertwined ang mga ito, hinayaan ko na lamang dahil nadidistract ako ng aking mabilis na pagtibok ng puso.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko na lamang sa kanya dahil kinakabahan na ako na baka mahulog na lamang ako sa mga patibong niya, hindi ako easy to get pero ngayon lang tumibok ng ganto si puso.

"Holding your hand at hindi ko magsasawa na hawakan ang mga kamay na ito." Nakangiting sabi niya sa akin kaya nginitian ko na lamang rin siya.

Wala akong masabi sa mga ginagawa niya kaya tumahimik na lamang ako at pinakaramdaman ang paligid dahil parang may nagmamasid sa amin kanina pa. Mabilis kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni kiel dahil alam kong mawawala ako sa sarili ko.

"Alam kong may tao dito maliban sa amin! Lumabas ka!" Sigaw ko at nakita ko naman ang paglabas ng isang lalaki na all black na suot.

"Ang galing mo naman Callie Montereal! Akala ko hindi mo kami mapapansin ehh, well hindi ka naman siguro pagiinteresan ng ibang gangs kung hindi ka magaling right?" Sabi ng lalaking ito.

"Well let's say na lahat ng naaapakan mo ay kakampi ko, you know me Fred." sagot ko sa kanya at ngumisi ng nakakaloko sa kanya, nakita ko naman ang paglunok kaya naman binitawan ko ang kamay ni kiel at sumenyas na wag susunod sa akin.

Lumapit ako kay fred habang nakangisi sa kanya at kita ko naman ang pag atras niya, hindi ko agad napansin ang pagpalibot sa kanya ng mga kasamahan niya pero wala akong pakialam sa mga kasama niya dahil kaya ko naman silang pabagsakin lahat.

Narinig ko ang pagsigaw ni tan tan sa pangalan kaya mabilis akong napalingon sa kanya na parang nag aapoy ang aking mata, sinenyasan ko siya na mag stay sa kanyang kinatatayuan at wag akong tulungan kaya nag stop naman siya.

Mabilis akong tumingin kay fred at kita ko ang kanyang ngisi sa mukha niya.

"Siya pala, wag kang mag alala dahil binabalaan kita na malapit na ang muli kong pagtayo ng clan ko at sisiguraduhin ko na mamatay ka, at siyempre ang mahahalaga sa iyo." Sabi niya sa akin kaya kinabahan ako, pero hindi ko ito pinakita sa kanya.

"Subukan mo na galawin ang mga mahal ko at alam mo na kung saan ka pupulutin." Sagot ko naman sa kanya.

"Hindi pa ngayon." mabilis niya akong pinaulanan ng daggers pero iniiwasan ko lamang yun hanggang sa saluhin ko ang isa at alam ko na magdudugo ang kamay dahil malakas ang pwersa nun.

Ibinato ko ang dagger na iyon sa kanya at siyempre sinapul ko iyon sa kanyang puso, alam ko na hindi iyon malalim kaya mabubuhay pa siya roon, hindi ko naman nakita na may paparating sa akin shuriken kaya nadaplisan ako sa aking braso na nagcause ng pagdugo, medyo malalim ito pero hindi ko ito dinaing. Hanggang sa may tumama na naman sa akin ng shuriken kaya napadaing ako dahil masakit, hindi ko kayang labanan ang sakit na ito dahil sa binti ko ito tumama at may sugat ako roon na hindi dapat tamaan.

Sinamaan ko ng tingin si Fred habang siya ay nag eenjoy sa napapanood niya, kinuha ko ang aking baril sa aking likuran at pinaputukan si fred at mga kasamahan niya.

"Binibigyan pa kita ng chance para mabuhay, umalis ka na rito at wag ka ng bumalik pa." Kita ko naman ang pagdaing niya ng sakit pero pilit niya ito tinatago.

"Isa" pilit niyang tumatayo pero hindi niya makayanan.

"dalawa." Tinulungan siya ng kanyang isang kasamahan at umalis na roon.

Napahiga na lamang ako sa sakit na nararamdaman ko at napapikit na lamang and everything went black.


Ezekiel Xavier POV

Kitang kita ko na nasasaktan na siya at gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa dahil sinabi niya sa akin na magstay lang ako sa pwesto ko.

Kita ko na napahiga siya sa pwesto niya kaya mabilis na akong tumakbo sa pwesto niya at binuhat papunta sa hideout namin.

Putriks awang awa na ako sa kanya.!

The Heartless Gangster Princess COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon