Chapter 15

4.2K 98 1
                                    

Callie Beatrix POV


Pumunta na muna kami ni Tan tan sa mga booths pagkatapos naming magsaya sa hideout nila dahil sayang naman, naalala ko na may practice pala kami ni tyler pero hindi naman kasi niya ako pinapansin eh.

"Lalim ng iniisip mo ah?" Nakangiting wika sa akin ni tan tan, inirapan ko na lamang siya dahil hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya.

"So?" Wika ko na lamang.

"Nothing, tara pahabol tayo sa jail booth para mapagod sila, kita mo yung bilog na yun?" Turo niya sa bilog na parang patago. "Punta ka dun at ako naman sa kabila." Sabi naman niya, napangisi na lamang ako sa mga binabalak namin kaya nagsimula na kami.

Pasimple akong pumunta sa bilog roon habang hawak ang aking cellphone, nakita ko naman na may papuntang lalaki sa akin na may hawak ng posas pero hindi ko sila pinansin, hanggang sa makalapit na siya.

"Hey, hinuhuli ka po namin dahil sa pagpasok niyo sa place ng jail booth." Sabi ng isang lalaki sa akin.

"Ahh ganun ba?" Sabi ko lang.

"Opo." mabilis naman akong tumakbo at kita ko naman ang pagtitinginan ng mga estudyante sa akin, kita ko rin naman na tumatakbo na si tan tan kaya napatawa ako ng mahina.

Habang tumatakbo ako, hindi ko inaasahan na may isang babae na biglang dadaan kaya liliko sana ako pero hindi ko namalayan na bigla akong babangga sa isa sa mga benches roon, hindi ko inaasahan iyon at nakita ko na lamang na may dugo sa ulo ko.

Hindi ko namalayan na nawala na pala ako sa ulirat.


Tristan Aiden POV


Nakita ko si Callie na tumatakbo kaya naman tumakbo na rin ako para habulin nila ako, pero hindi ko inaasahan na bigla na lamang siya babangga sa isa sa mga benches at ang masaklap pa ay umuna pa ang ulo niya.

Nakita ko na lamang na hinawakan niya ang ulo niya at nakita kong may dugo ito, mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya at binuhat siya, sumigaw pa ako dahil sa madami ang nakaharang sa dinadaanan ko.

Nang makapunta ako sa clinic ay mabilis nilang inasikaso si Callie habang ako ay tinitingnan lamang siya.

Kasalanan ko ito ehh! Kung hindi ko sinabi na magpapahabol kami sa mga tauhan ng jail booth ay hindi siya magkakaganto!

Makalipas ang ilang oras ay lumabas ang doktor roon at mabilis siyang tinanong.

"Doc ayos na po ba ang kalagayan niya?" Tanong ko sa kanya at mabuti naman ay ayos lang siya.

"Pwede ko na po ba siyang puntahan?" Tanong kong muli.

"Pwede na, pero kailangan niya ng rest okay?" Sabi naman ng doktor sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya at mabilis siyang pinuntahan.

Hinahaplos haplos ko lamang ang kamay niya at awang awa ako sa itsura niya, habang hinahaplos ko ang mga ito ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Tyler Lawrence POV

Habang naglalakad ako sa hallway at iniisip kung paano aamuhin si Callie ay nakita ko ang isang Janitor na parang may nililinis na dugo kaya mabilis kong tinanong kung anong nangyari.

"Kuya anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Eh may naaksidente po kase kanina, dumugo yung ulo, Callie po yung pangalan kase diba po ay siya ang campus queen? ehh dinala na po siya sa clinic." Nagulat ako sa sinabi ng Janitor kaya mabilis akong tumakbo at pinuntahan si callie.

Pagkarating ko sa bed niya ay nakita ko naman na hawak ni tristan ang kamay ni Callie.

Umupo ako sa kabilang side ng kama niya at hinintay siya na gumising.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay nakita ko naman na nagmumulat na siya ng mga mata kaya mabilis ko siyang tinulungan ng akma niyang uupo. Nakita ko naman si tristan na nagising at hindi yata napansin na nandito ako.

"Asan ako?" Tanong ni callie sa amin kaya mabilis siyang sinagot ni tristan.

"Nasa clinic ka princess, wala bang masakit sayo? ikukuha kita ng pagkain." Woah! ngayon ko lang ata nakita na ganyan mag alala si tristan.

"No need, water is okay." Sagot na lamang ni callie.

"Callie i'm sorry na, hindi ko naman alam na favorite mo ang chocolates and strawberries ehh." Paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Well, wala na sa akin iyon, kailan na ba ang next practice?" Tanong niya sa akin, nakita ko naman na pinainom ni tristan si callie.

"Wala na, okay na din naman eh." sagot ko na lamang sa kanya.

"Ikaw ang maghanda princess ehh diba 5 ang kanta na kakantahin sa mini concert sa sabado?" Singit naman ni tristan.

"Ahh yeah, okay lang iyon." Sagot naman ni callie.

"Well maganda naman boses mo, cheer na lang kita, i mean namin ahahha."Mas lalo akong nagulat ng tumawa siya! Aba himala ito!!!!!



The Heartless Gangster Princess COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon