WARNING: THIS STORY IS WRITTEN BY AN AMATEUR. PLEASE EXCUSE THE FOUL WORDS AND TYPOGRAPHICAL SHITS I MEAN ERRORS MY BAD HAHAHA. ANY NAMES OF PERSON OR ESTABLISHMENTS ARE ONLY MADE BY YOUR NOBODY NA AUTHOR AND DOES NOT REFLECT REALITY. COMMENTS, VOTES, AND SHARE ARE MUCH APPRECIATED.
Mikaella Hope
Sa tagal ng relasyon namin hindi kami nag kaganito. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko maintindihan kung may nagawa ba akong mali sa kanya.
It's been 4 years since I met him, Jake Cayden what's happening to you? Nagbago siya, ang laki ng pinag bago niya.
"Hey ano bang problema?" tanong ko sa kanya nagagalit siya sa akin ng walang dahilan e. Alam ko sa sarili ko na wala akong maling nagawa sa kanya.
"Ikaw, ikaw ang problema!" sigaw niya sa mukha ko. Masyadong agaw atensiyon sa lugar na to. Nag iinit din ang ulo ko sa kanya pero hindi ko siya pwedeng sabayan kaya uunawain ko nalang.
"Wag dito." sabi ko sa kanya at hinigit siya palabas ng coffee shop ko. Oo coffee shop KO. Nag tungo kami sa malapit na park dito at naupo ako sa swing. Tumayo lang siya sa harapan ko.
"Ano bang problema?" malumanay na tanong ko sa kanya. Medyo kumalma naman siya.
"Ikaw nga." sabi niya na may diin. Wala talaga akong matandaan na nagawa kong mali kaya napaisip ako.
"Anong ako? Ano bang nagawa ko sayo?" sabi ko sa kanya. Nababakas ko na ang inis sa tono ng pag sasalita ko.
"Lagi ka nalang busy at walang time sa akin." sabi niya. Naiinis ako sa sinasabi niya dahil alam niya at alam ko na ilang beses na namin to napag usapan. Alam niya na ako na ang nag ma-manage nang coffee shop na iniwan sa akin nila Daddy. Ulila na ako at ito nalang ang natitira sa akin.
"Alam mo naman na busy ako diba? Ilang beses ba natin pag tatalunan ang bagay na'to?" inis kong tanong sa kanya.
"Mag hire ka na kase ng iba na mag ma manage ng coffee shop mo." sabi niya sa akin.
"Alam mo naman na dito ako masaya sa ginagawa ko." sagot ko sa kanya.
"So, hindi ka masaya sa akin?" sagot niya. Nakaka inis. Hindi yun ang punto ko.
"That's not my point! Alam mo ang tinutukoy ko." inis na sagot ko sa kanya.
"I don't understand, bakit ka ba gumagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon natin? Akala ko ba nauunawaan mo na?" tanong ko ulit sa kanya. Hindi siya sumagot. Ayaw ko man aminin sa sarili ko pero pakiramdam ko ayaw niya na. Ramdam ko, nanlalamig na siya.
Iba na ang simoy ng hangin hindi gaya ng dati. Ganto ba talaga? Sa una lang masaya? Sa una lang may kilig? Sa una lang may spark? Bakit? Bakit ang komplikado ng mga bagay pag dating sa isang relasyon?
"Babe, i'm sorry." biglang sabi niya, hindi ko siya maintindihan, ang hirap niya ng intindihin ngayon.
"Bakit? Bakit ka nag so-sorry?" tanong ko sa kanya. Nakikita ko ang lungkot sa ekspresyon niya.
"Hindi ko na kayang saktan ka pa." sabi niya sa akin.
Jake Cayden
"Hindi ko na kayang saktan ka pa." sabi ko sa kanya. Hindi ko na matiis pa. Kailangan niya na malaman para hindi na siya masaktan pa ng tuluyan. Alam ko sa pag amin ko masasaktan siya pero di ko na kayang ipag patuloy ang pang gagago ko sa kanya.
Nakilala ko si Angela 2 months ago and i fall. Nahulog ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng dating niya. Iba kay Hope. 1 week na kaming may relationship ni Angela alam niya na may girlfriend ako at wala siyang paki doon. Ipag lalaban niya daw ako at mahal niya daw ako.
"Hope i'm sorry. I'm really sorry. Hanggang dito nalang." sabi ko sa kanya. Nakita ko ang unti unting pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Bakit? Alam ko na may pag kukulang ako pero pwede namang bumawi diba?" sabi niya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
"I'm sorry. Pero may iba na e." sabi ko. Nakita ko ang pag kabigla sa kanya.
"Kaya pala ganto. Alam ko may pag kukulang ako pero hindi yun sapat na dahilan para mag hiwalay tayo kase pwedeng bumawi. Kaya pala nag iba kana. Kaya pala lagi kang gumagawa ng dahilan na ikakasira natin." sabi niya sa akin. Hindi ako nakapag salita dahil totoo ang mga iyon. "Yung pag kukulang kase pwede pang punan e. Kaya pang dagdagan kaya pwedeng makabawi." dagdag pa niya. Naupo naman ako sa katabing swing niya. Hapon na kaya wala ng tao dito.
"I'm sorry." sabi ko. Pinahid ko ang luha sa kanyang mga mata.
"Who's the girl?" tanong niya sa akin.
"The name is Angela." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon sa akin.
"Okay, i'm letting you go. For your own happiness, for your sake. Alam ko naman na di ka na masaya sa relasyon natin." sabi niya sa akin. "Pero....." sabi niya bigla akong kinabahan.
"Tandaan mo lang na wala ka ng babalikan kapag nasaktan ka niya. Kapag niloko ka niya at kapag nakahanap siya ng Iba." hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Bakit pakiramdam ko mangyayari ang mga sinabi niya.
"Gaya nga ng sabi mo, hanggang dito nalang." sabi pa niya. Tumayo siya mula sa swing at saka nag lakad palayo. Palayo sa akin. Naiwan ako dito mag isa, hindi ko alam ang nararamdaman ko, dapat masaya ako kase nakalaya na ako sa kanya at pwede na kami ni Angela. Pero iba ang lungkot ko, sobrang lungkot ko.
End....
Hey sup guys! Sana nagustohan niyo hahahaha. Comment kayo tsaka vote na din.
YOU ARE READING
Hanggang Dito Nalang :One Shot
Short StoryIt's a one shot story first time to mga brad. 😂 Pag bigyan na ang cute. sana magustohan niyo. love y'all!