Kung tatanungin niyo ako ngayon kung alam ko kung paano ang magmahal, isang mabilis lang ang isasagot ko; hindi. Pero gusto kong matutunan.
Dito sa lugar na kinalakihan ko ay hindi pwedeng pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig. Sabi kasi nila nakakamatay lang daw ang umibig. Ang sabi pa nga nung iba, kung hindi ka mamamatay ay mababaliw ka daw.
MInsan nga ay may librong nabasa ang kaibigan ko na galing sa kabilang baryo na tungkol sa pag-ibig at noong nagtanung tanung siya ay para bang hindi siya naririnig ng mga tao, yung iba pa nga ay iniiwasan siya na para bang may nakakahawa siyang sakit.
MInsan ay may napadpad na babae dito sa aming lugar. Isang matandang babae na mahinang mahina na. Bago siya malagutan ng hininga ay nagsambit pa siya ng ilang huling salita.
"Brando. Paki sabi kay Brando na mahal na mahal na mahal ko siya. Hihintayin ko siya sa langit at doon kami magmamahalan. I love you, Brado." At pagkatapos ng mga salitang iyon ay pumikit ang matanda at saka siya tuluyang nagpahinga.
"I love you." Nang marinig ko ang salitang iyon ay may kung anong kumurot sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit at kung ano pero tila may hinahanap ako.
Binuhat ng mga usisero sa tabi ang matandang babae. Nakita kong may nalaglag na galing sa bulsa ng palda niya. Pinulot ko ito kaagad at itinago ko sa gilid ng beywang ko, sa garter ng suot kong shorts.
Pagdating ko sa bahay ay tiningnan ko ang bagay na nakuha ko mula doon sa matanda. Isang cd na nakabalot sa puting panyo.
Agad kong in-on ang TV at ang luma naming cd player na kailangan mo munang pukpokin ng tatlong beses bago iumikot ang cd sa loob.
Pinasok ko ang cd sa loob at pinindot ko na ang play. Pero syempre pinukpok ko muna ng tatlong beses ang cd player bago ito gumana.
"Para Kay Brando, Aking Mahal" ang unang lumabasa sa screen ng TV at pagkatapos ay ang batang version ng matandang babae na nakita ko kanina. Nasa edad 20 hanggang 25 ang itsura ng babaeng nasa screen. Maganda, mahaba ang buhok at maputi.
Ang sumunod na eksena ay puro na tungkol kay Brando. Hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam habang pinapanuod ko ang video ng matandang babae. Parang ang saya saya niya kapag nagkukwento siya tungkol kay Brando at kapag sinasabi niya kung gaano niya ito kamahal.
Pero sa huli ng video ay nakita kong lumuha ang babae. Namamaga ang mga mata nito na para bang magdamag itong umiiyak. Bago matapos ang video ay ang huling linya na nagmula sa bibig ng babae.
"Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa sa utak. Lahat naman ng bagay, gaano man kasakit, pinoproseso lang. Kaya kapag nagkita tayo muli mahal kong Brando, tandaan mong palagi kang maaalala ng puso ko" At doon natapos ang video.
Pagkatapos kong mapanuod ang video ay para bang may gustong kumawala sa pagkatao ko. Ilang araw at ilang linggo akong nag-isip kung paano at kung saan nagmumula ang walang kapantay na saya, lungkot, sakit at luha na naramdaman ng matandang babae habang nagkukwento siya sa video.
Sino si Brando? Mula kaya siya dito sa aming lugar? O doon sa mundo kung saan maaari kang magmahal. Walang magbabawal at pipigil sayo na magsabi ng nararamdaman ng iyong puso.
Hindi ko alam kung paano nagawa ng matandang babae ang magmahal. Gusto kong malaman kung saan at kung paano siya nakaalis mula dito sa lugar namin para lang maramdaman ang umibig.
May nakapagsabi sa akin na may isang lugar sa itaas ng bundok na isang lagusan patungo sa kabilang mundo, ang mundo na kung saan ay malaya mong magagawa ang mga bagay na gusto mong gawin-kagaya ng umibig.
Pumunta ako sa bundok na sinasabi nila. Bumungad sa akin ang isang napakagandang batis. Lumapit ako sa may batis at saka ako tumalon. May kung anong pwersa ang humila sa akin pailalim at mga sumunod na pangyayari ay nawala na sa aking ala-ala.

BINABASA MO ANG
The Undiscovered Love
Teen FictionSi Samantha ay nagmula sa lugar ng Cabalia, ang lugar na kung saan ay hindi uso ang LOVE. Sa paghahanap niya ng isang bagay na kulang sa kanya ay makikilala niya si Zander ang lalaking nagmula sa kabilang mundo na tutulong sa kanya na hanapin ang ma...