"Oy! Ano? Tara na dali!" sigaw ni Nicolas sabay talon sa ilog at nagsisunuran din ang iba ko pang mga kaibigan.
"Taliyah! Halika na, dalawang oras lang tayo dito kaya maligo ka na!" sigaw naman sa akin ni Freen na ngayon ay nakayakap kay Kit.
"Nakakadiri kayo Freen! Tanggalin mo muna yang pagkakayakap mo kay Kit!" sigaw ko pabalik. Napatawa naman ako ng napanguso si Freen.
Agad akong nagbihis ng panligo ko at agad naman akong naglangoy. Bumitin ako sa balikat ni Gio at binasa ko ang mukha niya.
"Taliyah! Isa pa! Tingnan mo dadalhin kita sa malalim!" inis niya akong iniharap sa kanya at tinawanan ko lamang ang inis niyang mukha.
"edi dalhin mo. Para namang kaya mo." paghahamon ko sa kanya ngunit nagulat ako ng nagsimula siyang maglakad papunta sa malalim na parte ng ilog, hindi ako marunong maglangoy.
"Isa, Gio! Ano ba?! Biro lang naman eh!" inis na sabi ko sa kanya at agad naman niya akong tinawan at dinala na ulit ako sa mababaw na parte.
Nang napagod na akong maglangoy ay nag punta na ako sa kubo namin. Madaming tao ngayon dito palibhasa ay Sabado, dinadayo talaga kasi itong ilog na ito.
Kanina pang iba 'yung pakiramdam ko dito 'yung bang feeling mo may nakatingin sayo, ang weird sa pakiramdam kaya naman nilibot ko ang aking tingin ngunit may napansin akong isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Matangkad siya kahit na hindi ako malapit sa kanya ngunit hindi ko masyado kita ang kanyang mukha dahil medyo malayo siya at malabo din ang aking mata.
"Ali! Hindi ka na ba maglalangoy? May 30 minutes pa tayo." pag aaya sa akin ni Freen kasama sila Haina kaya nawala ang tingin ko sa lalaking iyon. mukhang enjoy na enjoy sa paglalangoy naman ang dalawa. Hindi ko talaga masyado hilig ang paglangoy dahil nga hindi ako marunong.
"Hindi na. Dito na lang ako, mag aayos na din ako ng gamit." sagot ko sa kanila at pumayag naman sila at agad naman akong tumingin sa kung nasaan iyong lalaki kanina ngunit wala na siya doon kaya nag ayos na din ako ng gamit.
Pagkatapos nilang magswimming ay agad naman silang nagbihis, 5:00 na din kasi at gagabihin na kami kung magtatagal pa kami dito.
"Taliyah, ikaw ha! May isang lalaki doon na kanina pang nakatingin sayo, sino iyon?" pabulong namang tanong sa akin ni Haina sabay turo doon sa malayo layong kubo na puno din isang grupo ng magkakaibigan.
"Huh? Hindi ko alam. Baka naman iba ang tinitingnan at hindi ako at ikaw lang ang nagsasabi niyan." iniwas ko kay Haina ang aking tingin at palihim kong sinilip iyong sinasabi niyang kubo at nakita kong nakatingin nga sa akin iyong lalaki kaya nagkatitigan kami. Masyadong malamig ang kanyang mga tingin at hindi ko alam kung bakit.
"Hay nako Taliyah! Pag 'yan ay isa sa manliligaw mo at hindi mo sa akin sinasabi magtatampo talaga ako sayo!" pagtatampo naman nitong isang 'to habang naka nguso pa.
"Hindi nga po! Edi sana pinakilala ko sayo at tsaka ang creepy niya kaya sayang gwapo pa naman siya." agad ko naman siyang niyakap.
"Tara na para hindi tayo masyadong gabihin, it's getting late na." pagkasabi ni Nico ay agad naman kaming sumakay na sa sasakyan at umuwi na.
I don't know who he is pero ang weird sa pakiramdam. I don't even know why kung bakit niya ako tinitingnan. Who are you??