Kabanta 1

7 1 0
                                    







"Ayos na ba ang mga gamit niyo?" tanong ni Mama.


Ngayon kami luluwas papuntang Manila kasi doon nakahanap ng trabaho si Mama kaya doon na din daw kami titira so it means doon na din kami papasok, bagong school, mag aadjust na naman.


"opo" halos pabulong ko ng sabi. Ayaw ko naman talagang umalis dito pero kailangan.


"Ano na namang inaarte arte mo diyan?" tanong naman ng napaka epal kong kuya Xander kahit kailan.


"Ano ba? Napaka epal mo talaga kuya kahit kailan! Syempre mamimiss ko 'to dito kaya ako lumaki duh?!" sigaw ko sa kanya.


"Anong lumaki? Dito ka lang tumanda pero hindi ka pa din lumalaki." pangaasar naman niya, pati si Mama tumawa kakainis talaga.


"Oo nga! Dalian mo na." dagdag pa nitong si kuya Lex. Nakakainis! Bakit ba kasi ako lang ang laging iniis nila kuya dito?! Wala tuloy akong kakampi.


"Agh! Ewan ko sa inyo!" nakakaasar talaga sila kuya.


Mahaba haba din ang naging byahe namin kaya pag dating namin ay pagod din ako kahit nakaupo lang sa byahe.


Malaki din ang nakuhang bahay ni Mama dito, pero hindi ganoong kalaki katulad ng bahay namin sa   Batangas pero maganda din ito. Malinis na din ang buong bahay siguro ay pinalinis na ni mama bago kami lumipat.


"pagkatpos niyong ilagay ang gamit niyo sa mga kwarto niyo ay tulungan niyo akong mag ayos ng bahay." sabi ni mama at iniayos ang iba pa namin mga gamit.


"opo" sabay sabay kaming apat samantalang si Amara ay umakyat na agad sa kwarto niya at ang kanyang gamit lang ang inalala.


Lima kaming magkakapatid at dalawa lang kaming babae at ang kamalas malasan, ako lang ang ginugulo nila kuya. Si kuya Art lang talaga ang kakampi ko sa kanila.


"Ma! Ang pangit naman ng kulay ng kwarto ko!" inis na sigaw naman ni Amara mula sa itaas.


Si Amara ang pinaka bunso at spoiled brat kay mama lahat ng gusto niya laging bigay ni mama.


"papalitan na lang natin ng kulay yan bukas anak." mahinahong sabi ni mama.

"Ang dami na nga nating gastos naisipan mo pang mag reklamo Amara! Ikaw kaya ang bumili ng sariling pintura diyan." medyo inis kong sabi sa kanya paano ba naman 'tong si mama pag dating kay Amara lagi na lang parang wala sa bokabularyo niya ang salitang hindi.


"Ano ba Aliyah?! Hayaan mo na 'yang kapatid mo at ako naman ang bibili hindi ikaw." inis na sabi sa akin ni mama kaya tumahimik na lang ako at pinagpatuloy na lang ang pagaayos ng mga gamit namin.

Mag 11:00 na ng gabi kami natapos mag ayos ng mga gamit namin kaya nakatulog agad ako sa sobrang pagod.


"Aliyah! Pumunta na kayo ng mga kuya mo sa School para mag enroll, 'wag niyo na gisingin 'yang si Amara baka magalit pa 'yan" sabi ni mama.


Naka bihis na sila kuya Art at kuya Lex at ako na lang ang hinihintay. Grade 11 ako pag pasok at silang dalawa naman ay grade 12, pareho silang grade 12 kasi kambal sila.


Pagdating namin ng school ay makikita mo na talagang hindi ito basta bastang school, kumuha kaming tatlo ng scholarship at natanggap naman kami, muntik pa na hindi matanggap si kuya Lex sa scholarship kaai bagsak siya sa dalawa niyang subjects pero buti na lang at tanggap siya sa varsity pero kailangan niyang maka 90 sa limang subjects this quarter para magpatuloy ang scholarship niya.


After namin mag enroll ay uuwi na sana kami pero biglang may tumawag kay kuya Lex at after that call nag-aya si kuya Lex na magpunta sa restau ng kaibigan niya.


"O pare buti nakapunta ka!" bungad sa amin ng isang matangkad na lalaki pero sa tingin ko medyo matanda 'to kela kuya ng isa o dalwang taon.


Maganda at classy ang restaurant na 'to at mukhang may pera lang ang kayang kumain dito. Isa siyang old fashion style na restaurant at sobrang ganda.


Niyaya kaming kumain ng kaibigan ni kuya at agad namang pumayag si kuya Lex, patay gutom talaga 'to minsan.


Habang kumakain kami naka focus lang ang atensyon ko sa pagkain kasi silang tatlo lang naman yung nagkakaintindihan sa mga pinagkkwentuhan nila. Naagaw ang atensyon ko ng isang grupong papasok ng restaurant ang lakas ng dating lima kaya halos lahat ng tao sa restau ay napatingin sa kanila at isa na ako. Napatingin naman ako doon sa isang lalaking nakatingin din sa akin , sobrang familiar ng mga tingun niya hindi ko alam kung bakit.

"saglit lang ah." paalam noong kaibigan nila kuya at lumapit sa limang magkakatropang dumating.


"Oy ikaw francheska Aliyah ha! 'yang mga mata mo! 'wag na 'wag kang susubok na mag boyfriend kung ayaw mo-" pinutol ko ang sasabihin ni kuya Lex. "kung ayaw kong makakita ng isang lalaking nakabitin patiwarik na baldado." pagtuloy ko sa kanyang sasabihin. Simula ng nag highschool ako linya na yan ni kuya Lex sa akin.


"oo na po, as if naman merong nagtangka na manligaw sa akin eh lagi niyo na lang hinaharang ni kuya Xander" sabi ko sa kanya At nagpatuloy na lang sa pagkain.

Tapos na kaming kumain nila kuya ng dumating 'yung kaibigan ni kuya. Nagkwemtuhan lang ulit sila tungkol sa kung saan saan.


Makalipas ng mahigit isang oras ay nag aya na din umuwi sila kuya, daig pa ang mga babae kung mag usap!ang tagal.


Nang paalis na kami ay sumilip ako doon sa magkakaibigan na kaninang pumasok, paalis na din sila noong tiningnan ko sila.


"Umuna na kayo ni Lex umuwi, may dadaanan lang ako saglit." biglang sabi sa amin ni kuya Art.


"sige kuya ingat!" sabi ko sa kanya at sumakay na kami ni kuya Lex ng jeep pauwi.


As always, pinagtitinginan na naman si kuya sa jeep kaya itong isang 'to ngiting ngiti kasi sobrang pogi niya daw kaya daw ganon.


Pagbaba namin ng jeep ay nag trike na kami papuntang subdivision namin.


"ikaw muna mag bayad!" sigaw ni kuya Lex sa akin at agad namang tumakbo pa pasok ng bahay, buti na lang talaga at may naiwan sa bag kong 50 pesos! Humanda talaga 'yang si kuya sakin!


"Hoy kuya! Alam ko namang hindi mo na babayadan 'yung pamasahe natin kanina kaya ikaw naman ang maghugas ng pinagkainan mamaya!" sinabi ko sa kanya at tumakbo na papuntang kwarto ko.




Habang nakahiga ako'y naalala ko 'yung mukha noong lalaki kanina, sobrang familiar ng mukha niya as if we met before i don't know why kung bakit naffeel ko 'yun sobrang imposible naman. Pero sobrang familiar talaga.

That Saint is my Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon