Sumampa ako sa couch pagkapasok sa sala. Tinapon ko lsng yung car keys sa may flower vase sa harap ko.
Shit. Ang sakit ng ulo ko.
Hinilot ko yung sintido ko gamit ang dalawang daliri.
"Sir, okay ka lang po? Gusto mo tawagin ko yung masahista mo?'
Tiningnan ko si Manang Susan na isa sa mga kasambahay ko. Bakas sa kanyang mga mukha ang pagaalala.
Nginitian ko lang siya.
"Okay lang ako manang. Medyo napagod lang sa trabaho. Ano bang ulam natin jan?" sabi ko at itinuloy ang paghilot saking sintido.
"Sigurado po kayo? Ay nagluto po ako ng tinolang manok sir. Meron ding bagoong na may mangga, pinadala ng ate mo po."
"Pakidalhan na lang po ako sa itaas. Dun na ako kakain."
"Sige po sir."
Tumalikod na si manang Susan para ihanda na yung kakainin ko. Umakyat na din ako sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag ng bahay.
I didn't expect this to happen. After all these years, di ko naisip na magtatagpo pa ang mga landas namin. Sa mahabong panahon na lumipas, akala ko iyon na yung wakas.
Umakyat ako sa mahabang hagdaanan, trying not to think what happened earlier. I snapped my fingers.
Hays! Bakit ko ba kasi ginawa yun?
Ang tanga ko lang kasi.
Kung merong pangyayari na gusto kong makalimtuan, ito ay yung nangyari kanina.
Sumampa agad ako sa malambot kong kama at inilock ang pintuan pagkapasok sa kwarto ko. Kinapa ko ang phone ko sa may bedside table at tiningnan ang oras.
9:26 PM
Shit! Di pa ako nakapagdinner! Bakit ko ba kasi di tinanggap ang pagkaing binigay niya?
I switched on my wifi connection. E-mails, messages and notifications popped out. Nagsiunahan lahat sila.
Pero alam mo yung feeling na kahit andami mo ng nakita, meron pa ring isa na makakaagaw ng atensyon mo?
Siya.
Maria Samantha Cuerquiz added you on facebook
YOU ARE READING
PWEDE PA BA?
JugendliteraturUna, mahal kita Pangalawa, minahal mo ako Pangatlo, sinaktan kita Pangapat, sumuko ka Panglima, minahal mo siya Panghuli, pwede pa ba?