"Mga par JS na natin mamaya ah." Sambit ni Joyce
"Oo nga e. Malapit na tayo magkahiwa-hiwalay." Malumanay na sabi ni Hannah
"Mga sira. Mag sesenior high palang tayo next school year. Panong magkakahiwa-hiwalay kung dito naman din tayo mag aaral." Sabi ko habang tumatawa.
"Naalala ko pa yung mga ginagawa neto ni Jaycee. Elementary palang basagulero na. Sa mga lalaki pa nakikitropa at nakikipaglaro." Sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa langit.
"Jaycee wala ka bang balak magka-boyfriend? Sayang ang ganda tol." Pang-aasar ni Dolly sakin.
"Kung kayo nga walang boyfriend e ako pa kaya?" Sabi ko sa kanila.
"Par, Bi lang kame and Bi ka ren. Atleast kame nasubukan namin. E ikaw ba?" Paliwanag sakin ni Crystal.
"Manloloko lahat ng lalaki. Sakit lang yan sa ulo." Sabi ko.
"O hayaan niyo na yan. Pumunta nalang tayo sa canteen. Gutom na ko." Sabi ni Dolly habang hinihimas ang tiyan niya at umaarteng gutom.
Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay di ko maiwasang isipin ang sinabi kanina ni Crystal.
"Jaycee tabi."
"Jayceetabi!"
"Jayce --"
Bumagsak ako sa sahig at hinahawakan ang ulo ko at napatingin ako sa harap ko.
Nabalik nalang ako sa realidad ng natumba ako at nakapatong na ang isang lalaki sa akin at ang kanyang labi ay nasa aking labi.
Tinitigan ko siya mula sa kanyang buhok papunta sa kanyang mata pababa sa kanyang labi. Nabuhay bigla ang pagkababae ko. His eyes are so beautiful. Damn It. Yung kilay niya ay napaka perpekto na bumagay sa maputi niyang balat. His lips is too pinkish. I want to taste it.
"Sorry miss. Sorry." Sabi ng lalaki.
Natauhan ako ng tumayo siya at inalukan ako ng kamay niya para tulungang tumayo. Ang lambot ng kamay niya.
"Andrei, sabi sayo wag kang tatakbo ng ganon e. Yan tuloy nabangga mo si Miss Beautiful." Sabi ng kasama niya.
"Sorry talaga miss. Btw Im Andrei Felizcora . Nice to meet you."
"I-im Jaycee Segovia. Nice to meet you too."
Bakit nauutal ako? Anong nangyayari?
"Sorry ulit Miss. See you mamaya." Sabi ni Jacob sabay bitaw sa kamay ko na hindi ko namalayang magkahawak pala kanina pa.
"Ayos kalang par?" tanong ni Joyce
"O-oo. Ayos lang ako." Sabi ko habang tulalang nakatingin sa kamay ko.
"Bat nauutal ka jan? Siguro gusto mo siya dati pa noh?" Pangungutya ni Crystal.
"Di ko nga siya kilala e. Ngayon ko lang siya nakilala." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Aysus. Wag kami par." Pang-aasar ni Dolly.
Pagtapos namin kumain ay pinauwi na kami ng aming mga Principal para mag ready sa JS mamaya.
"Pano mga par? Mauuna na kami ni Joyce." Sabi ni Crystal.
"Sige. Sabay na kami ni Dolly."
"Ha? Malayo way niya sa bahay niyo." Pagtataka ni Joyce.
"May bibilin lang kami. Hahatid ko din siya." Sabi ko.
