Chapter 2

15 2 0
                                    

(Briana POV)

Today is sunday and im preparing to go to church. Napagusapan kasi namin ni Candice na magspend ng oras sa simbahan dahil once a week lang naman yun. At bukod don may isa pang reason kung bakit kami magsisimba.

Four months na rin halos ang nakalipas at ngayon masasabi ko na ngang naka-move on na ako kay Steven. Pero hindi dun sa lalaking aksidente kong hinalikan. Di ko naman kasi akalaing ibang tao yun. At ngayon nga hindi ko pa rin sya nakikita at nakikilala. Pero swerte nya huh nahalikan ko sya. eme lang. Pero siguro pag nagkita kami di ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Pero impossible rin na makilala ko sya e di ko naman alam kung anong hitsura nya. Basta ang alam ko lang ay yung boses nyang lalaking-lalaki ang dating. Yung aakalain mong pati mukha nya gwapong-gwapo at hot. Ahh basta. baka sa kung ano pa mapunta yung topic!

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin at naglalagay ng lipstick ng biglang kinalampag ni Candice yung pinto ng kwarto ko.

         "Briana. Baka naman pwede mong bilisan, kanina ka pa namin inaantay e, ikaw nalang talaga yung inaantay namin, tsk pa-vip kasi!" sabi nya habang patuloy na kinakalamapag yung pinto.

Hays. Ewan ko ba sa babaeng 'to na kung bakit laging nagmamadali sa tuwing may lakad o aalis kami. Hindi naman sya tatakasan ng simbahan diba? Basta tuwing aalis gusto nya laging maaga.

Lumingon ako sa orasan na nakasabit sa ding-ding at nakita kong 8:25 pa lang. "Candice. Wag ka naman masyadong atat. Ang aga pa oh. di pa naman magsisimula yun!" wika ko "At pwede bang itigil mo yang pagkatok?"

A minute of silence...

         "Briana. Anu na? Ang tagal mo naman!" ayan na naman sya. from time to time binubulabog nya ako dito sa kwarto ko. E saktong tapos na rin naman akong magaayos sa sarili ko

Tumayo agad ako mula sa kinauupuan ko at lumabas ng kwarto. Sumalubong naman sa akin ang masungit na mukha ni Candice. At talagang naka-crossed arms pa sya at nakataas ang isang kilay!

         "Tigilan mo ako Candice ngayon huh. Linggo ngayon ayokong magkasala!" biro ko pero hindi ito tumalab sa kanya. Ni-hindi manlang sya gumalaw sa pwesto nya tapos tiningnan nya ako from head to toe to head ulit.

         "Sa tingin mo anong petsa na?" tanong nya na nagtataray. Pssh as if naman na matatakot ako ng isang 'to!

         "Bes naman ang aga pa oh. dont you tell me sesermunan mo na naman ako!" napa-padyak ako ng paa sa sobrang inis sa kanya. Tama ba naman na awayin nya ako kahit hindi pa naman kami totalling late. "Bes. 8:29 palang, wag ka masyadong atat!"

         "E kanina pa kaya kami nagaantay ni Khalil para sayo!" she mumbled

Si Khalil kasi yung nag-invite sa amin na magsimba. Laking simbahan yan si Khalil at kasalukuyan syang Youth Leader ng church. At yung isa pang rason kung bakit kami magsisimba ay dahil 1st monthsary nila ni Candice. Oo, Candice and Khalil are official. Dalawang buwan lang naman nanligaw si Khalil kay Candice at dahil nga gustong-gusto ni Candice si Khalil sinagot na nya agad.

         "Eto na nga oh, ready to go na ako, dami mo pang pakontrabida lines dyan!" lalakad na sana ako papunta sa sala para kitain si Khalil kaso bigla akong hinawakan ni Candice sa braso para dagdagan pa yung mga sermon nya kanina pero mali ako...

         "Bes, am i look comfortable. di ba pangit hitsura ko? Yung damit ko bagay ba, yung make up di ba bara-bara, yung buhok ko di ba sya magulo? Ano bes?" Yan tayo e!

         "Bes kalma. Maganda ka ok? Kahit ano pa yang maging ayos mo ngayon, Maganda ka. At syempre magugustuhan yan ng labidabs mong si Khalil, ikaw pa ba, pumangit? E di ka naman nalabas ng kwarto ng hindi ka naka-ayos!" sabi ko at in-express ko pa yung salitang maganda para mas kapani-paniwala.

Perfect Trilogy (1-3)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon