Day Two

5 0 0
                                    

Leticia 

unti unti akong naglalakad paakyat sa kwarto ko ng biglang may mag bukas ng ilaw sabay sigaw ng.... "ikaw bata ka anong oras na, saan ka nanaman galing at ginabi ka?!" 

si mama. si mama na naka pantulog at nakatingin saakin na akala mo isa akong kriminal sa kanto na nakapatay ng inosenteng tao. 

"Ma, hayaan mo na. para namang elementary palang si Icia sa galit mo sakanya, first year college na siya at kaya na niya ang sarili niya." pag tatanggol saakin ng magaling kong ate. 

"at kinokonsinte mo pa? yan ang hirap sainyo eh! puro kayo lakwatsya wala naman kayong naitutulong dito sa bahay!" naglakad na si mama papasok sakanyang kwarto at ako naman ay nakangiti kay ate. 

"saan ka nga ba kasi galing?" tanong naman niya at pinapasok ako sa kwarto niya. 

"Freshies Night namin ate, alangan namang wala ako dun eh Freshmen din ako." pangangatwiran ko. 

"oh siya sige na! matutulog na ako! opening pa ako bukas!" nagpaalam na ako sakanya at pumasok sa kwarto ko. connecting room ang kwarto namin ni ate kaya naman imbis na lumabas ng kwarto niya sa CR na lang ako dumaan at dumiretsyo na sa pag sisipilyo. 

malayo ang agwat ng edad namin ni ate kaya naman habang lumalaki ako noon wala akong kalaro at mas ginustong gayahin nalang sila ate na mag aral ng mag aral. sabi nila masyadong matanda ang pag iisip ko para sa edad ko pero para saakin wala namang masama dun lalo na kung sa ganitong pamilya ka nakatira. 

si mama ay nag tatrabaho sa isang hospital bilang isang doktor at si papa naman ay isang kapitan ng barko. nasa iisang bubong kami nakatira pero daig pa namin ang pamilyang magkakalayo ng bahay kung mag kita. 

gigising ako sa umaga samantalang si ate at si mama ay nasa kani-kanilang trabaho na, uuwi ako at kakain mag isa dahil late na ang uwi nilang dalawa. si papa naman kailangan pa naming mag intay ng isang taon para makababa siya barko. yan ang daily routine ko.

mahirap para sa akin na wala akong mapagkwentuhan ng nararamdaman, kung ano ang nangyare sa school ko, kung gaano kahirap ang activities sa school, all you need to do ay ikimkim na lang sa loob looban mo. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sunday, 1:30 PM. 

nasa labas na ako ng bahay at nagiintay na lang ng uber. sunday is family day, pero hindi yun uso samin. kaya ito ako ngayon, mag isang mag sisimba at mag isang gagala. 

hinatid ako ng uber sa tapat ng church namin sa UN, Manila. pumasok ako at umupo sa one sit apart bago mag edge. itinira ko talaga yun para makagalaw ako ng maayos, para naman hindi sobrang lapit ng mga taong dumadaan sakin. 

kinuha ko ang bible ko at ang ballpe---

"--- can i sit here?" sa gulat ko nalaglag ko ang hawak ko. dali dali niyang sinalo ang bible ko at ako naman ang ballpen ko. "sorry nagulat ba kita?" nag aalala niyang tanong.

"seriously? sa nakita mo hindi ba?" natatawa kong tanong sakanya. inabot niya saakin ang bible ko at natawa din. 

"what a lame question, haha. by the way, may nakaupo ba dito?" tanong niya.

"yes." nalungkot ang expression ng mukha niya ng sabihin ko yun kaya naman mas natawa ako. "si Angelo Teng" 

"yeah, nag pareserve nga pala ako sa isang magandang babae na nag ngangalang Leticia Ann Gonzales ng upuan sa tabi niya." umupo siya tabi ko at nag simula na agad ang service. 

nag simula ito sa this week at COP kaya naman ako ay nag ayos na papunta sa stage. isa ako sa mga kakanta para sa praise and worship kaya naman iniwan ko muna si Angelo sa upuan namin. sa kasamaang palad....

"Leticia, wala kasi si Gabriel it means wala kang partner kumanta." nagulat ako sa sinabi saakin ni Paul kaya naman nag isip agad ako ng paraan. bumalik ako sa upuan ko at hinanap ang phone ko, na realize ko naman na naiwan ko nga pala ito sa rooftop kagabi. 

"anong hinahanap mo?" tanong ni Angelo. tama! si Angelo na lang kaya?" "huy, sabi ko ano---"

"--- marunong ka ba kumanta?" pagpuputol ko sa tanong niya ng isa pang tanong. 

"hindi masyado" hinila ko na agad siya papunta sa stage kahit nag tataka pa siya. hindi naman siya nag sasalita habang nag lalakad kami, bawal kasi mag ingay. 

"sino siya?" tanong ni Jamille. 

"si Angelo, siya ang magiging partner ko ngayon." 

"whaaaaaat?" gulat na tanong ni Angelo saakin ng bigla namang tumugtog si Paul na nasa Stage na. hinila ko siya paakyat at binigyan ng isang mic. 

"tapusin mo lang toh gagawin ko lahat ng gusto mo." bulong ko sakanya. wrong move. lumingon ako sakanya at ngumiti siya saakin habang tinaas ang mic na para bang handa na siya kumanta.

"Your name, Your name

is victory

all praise will rise 

to Christ our King" 

natapos kami kumanta at bumalik sa upuan ng hindi nag papansinan, pero alam kong nakangiti si Angelo sa gilid ko the whole service ng dahil siguro sa sinabi ko kanina. jusme. ano naman kaya ang ipapagawa niya? siguro hindi naman masama yun diba? kasi as you can see Christian din siya katulad ko. 

natapos ang service ng ganon parin kami. ako na seryoso at si Angelo na nakangiti. spell awkward? M E W I T H A N G E L O ata. 

"can we have coffee?" pag aaya niya. 

"yeah, sure." pag oo ko naman ng biglang may umakbay saakin. si Paul kasama sila Jamille, at Lester.

Paul Ramirez, Jamille Ohana, at Lester Santos. ang tatlong lalake na laging nag papasaya saakin. bestfriends ko simula pag kabata dito sa church. sabay sabay kaming lumaki at nag training kaya kami din ang magkakasama sa banda. sila rin ang kasama ko noong kumanta ako sa Freshies Night. 

"saan kayo pupunta?" tanong ni Lester. 

"Ikaw icia ah! lumalovelife ka na pala!" pang aalaska ni Paul sabay gulo ng buhok ko. 

"kape tayo!" pag aaya naman ni Jamille. 

binatukan ko naman si Paul ng dahil sa ginawa niya sa buhok ko. "sakto mag kakape kami ni Angelo." mas mabuting kasama na namin sila diba? kesa yung mag tuloy tuloy ang pagka awkward namin sa isa't isa. lalo na't sasakay ako sa kotse niya. 

"let's go?" tanong ni Angelo. 

"let's gooooo!" sigaw naming apat. 

Angelooooo, ano ba kasi ang ipapagawa mo?

SunshineWhere stories live. Discover now