Day Three

0 0 0
                                    

Leticia

'here comes the sun, doo doo doo doo' kanta ng the Beatles bilang alarm clock ko.

pinatay ko ang alarm ko at masayang nag inat, binuksan ko ang kurtina ng aking kwarto para makita ang araw sabay sigaw ng "Good Morning!"

"Leticia Ann! napaka ingay mo!" sigaw ni ate mula sa kabilang kwarto.

"sorry!" sigaw ko pabalik.

pumunta na ako sa banyo at nag ayos na ng sarili para maka pasok ng maaga sa eskuwela.

nag babaon palang ako ng pagkain ko ay may bumusina na agad sa harap ng aming bahay. nako po! ang mga lalakeng ito nga naman hindi makapag hintay. dinalian ko na ang pag babaon ng tinapay at gumawa na din ng kakainin ko habang nasa sasakyan.

bumungad sa akin ang isang jeep na sasakyan, yung pang mayaman. na hulog ko ang hawak kong kape at namangha sa nakita pero bago ako tuluyang mamangha napaso muna ako sa kape na nalaglag ko kaya naman bumaba ang aking magagaling na kabanda.

"aray! aray! ang init whooo!" pag rereklamo ko sa init na nararamdaman ko.

"ano ba yan, icia. first year college na tatanga tanga pa." pag saside comment ni Lester habang kumukuha ng basahan.

"ay wow sorry ah!" sabay batok ko sakanya ng punasan niya ang aking sapatos

"ang ganda pa naman sana ng entrance namin at naka jeep pa kami na sasakyan oh" pag mamaktol ni Jamille

"ay wow lang talaga ah" sinamaan ko siya ng tingin kaya naman natawa na lang siya. "speaking of the jeep kanino nga pala yan?" tanong ko sakanila.

"kay Angelo" sabay sabay nilang sagot.

"whaaaat?" gulat kong tanong sakanila.

"gulat na gulat lang?" balik na tanong saakin ni Paul.

"seryoso?" tanong ko na hindi makapaniwala.

"tatanong tanong hindi maniniwala." tumungo siya at sabay sabay nila akong binuhat na dahilan ng aking pag sigaw.

"uy! ibaba niyo ako mga hayop kayo! wooooy!" ibinaba nila ako sa loob na ng sasakyan sa tabi ng driver's seat kung saan bumungad saakin ang tumatawa na si Angelo. "may nakakatawa?" galit na tanong ko sakanya. isinara nila Paul ang pinto ng aking side at sabay salita ni Angelo.

"wala naman hindi ko lang akalain na ang tanda mo na hindi ka padin marunong mag short kapag naka palda" nagulat ako sa sinabi niya at ibinaba ang suot kong palda. tipong nakababa na nga mas ibinaba ko pa. hindi na ako umapila pa dahil sumakay na sila Paul sa likod at ayokong malaman pa nila kung ano ang sinabi ni Angelo.

"mag uusap tayo mamaya." sabi ko kay Angelo at nag 'woah' naman sila Paul.

Mag uusap talaga kami noh! aba! ipaglalaban ko na may short ako! duuuh? hindi ako ulirang tatanga tanga noh! at bakit dun siya nakatingin kanina? aba! aba! hindi yun magandang gawain ng isang manliligaw!

yes, nanliligaw ko na siya ngayon. ang bilis ano? parang nung Saturday lang kami nag kakilala pero nanliligaw na agad siya ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SunshineWhere stories live. Discover now