1

38 2 0
                                    


Everyone shouting at me.

No one cares even my parents.

No one understand me.

Friendless.

Hey, that's me Rivan Sheim Port, 18 yrs old. No one cares and everyone's enemy. Yeah, ayan ang nasa isip ko palagi, ikaw ba naman ang bulihin araw-araw parang pinagkaitan ako ng lahat, kagandahan, kaibigan at ang malala pamilya.

"Hey stupid!" Matinis na boses, alam kong ako ang tinatawag nya. Ako lang naman kasi ang tinatawag na ganyan sa buong campus at wala ng iba. Daig ko pa ang nerd eh.

"Famous, hindi na sya namamansin." Binilisan ko ang aking paglalakad dahil nandyan nanaman ang grupo nila. Wala naman akong masamang ginawa sa kanila pero ang sakit alam nyo yun?

"Hey?" Napahinto ako sa paglalakad dahil ang isa sa kanila ay hinarangan ang aking daraanan.

Agad nitong hinawi yung dala-dala kong libro dahilan para ito ay malaglag at magkalat sa lupa.

"Bwahahahahahaha." Tawa nilang lahat.

Kukunin ko na sana yung mga nagkalat kong libro pero agad nila itong pinagsisipa sa ibat-ibang direksyon.

Wala nanaman akong nagawa kung hindi pabayaan sila. Pabayaan kung anong gusto nilang gawin sa akin. Agad naman silang umalis habang ang malalakas na tawa nila ang namamayani sa buong field.

Inisa-isa kong pinulot yung mga libro kong nagkalat sa buong field. Halos hindi na makilala ang cover nito dahil sa dumi dala ng alikabok.

"Here." Agad akong nagtaas ng tingin ng isang babae ang may dala-dala ng natitirang libro ko at inaabot ito sa akin. Agad naman siyang umalis.

"S-salamat!" Agad akong tumayo at pumunta sa isa sa mga bench sa gilid ng field upang pagpagan ang mga libro ko.

Pesteng luha to. Nagunahan nanaman sa pagbagsak. Agad kong pinahid ang mga luha ko kahit na alam kong marumi ang aking mga kamay.

"Here!" Siya ulit, binigyan naman nya ako ngayon ng panyo.

"S-salamat," Umupo sya sa tabi ko.

"You're freaking a stupid huh!"

Agad ko syang tinignan. Nakita kong nakitingin lamang sya sa malayo. Maganda sya, maganda ang hubog ng muka nya.

"I'm Ayessa Thirlwall. Nakita ko kung ano ang ginagawa nila sayo bakit hindi ka lumaban?" Tanong niya sa akin. Wala naman kasing mangyayari kung lalaban pa ako. Lalo lang nila akong aawayin kung papatulan ko pa sila.

"H-hindi, ko kasi kaya." Agad akong yumuko.

"Pero kung hindi ka lalaban, araw-araw nilang gagawin sayo yung katulad nung kanina."

"Ikaw? Bakit mo ako tinulungan. Bakit hindi mo nalang din ako pinagtawanan katulad ng iba. Baka ng dahil sa akin maka-away mo sila." Agad naman kumorte ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Simple lang, hindi nila ako katulad." Agad siyang tumayo at naglakad papalayo.

Napangiti ako. Kahit konting saya nakaramdam ako. Kahit konting pag-asa na baka magkaroon pa ako ng kaibigan ay nagkaroon ako. Pero sana yung pag-asang yun ay magtuloy-tuloy.

---

Pag-iyak. Hikbi. Yan ang bumungad sa akin pag dating ko sa bahay. Nakita ko si Mama na may dala-dalang bote ng alak at mga gamot ang nagkalat sa sahig. Agad akong tumakbo kung nasaan sya.

"Mama!" Agad ko syang niyakap pero, agad naman nya akong hinawi.

"Huwag kang lalapit sa akin!" Tinignan ko lamang sya. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung hindi dahil sayo, hindi mawawala ang tatay mo." Pasigaw niyang sabi sa akin. Agad akong tumakbo papasok sa aking kwarto.

Naupo sa gilid, niyakap ang mga tuhod. Umiyak na parang wala nanamang bukas. Ganon nalang ba palagi, pag-iyak ang gagawin ko tuwing uuwi ako sa bahay na ito.

Sabagay tama lang naman na sa akin isisi ang lahat. Tanggap ko naman na ng dahil sa akin namatay si Papa.

"Rivan always remember, I will always loved you." Lalo akong humagulgol dahil yan ang huling katagang sinabi ni papa bago sya namaalam.

__

Flashback.

Halos hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil bigla nalang akong sinundo ni mama sa school na umiiyak.

Takang-taka talaga ako. Halos wala akong maiintindihan, bakit nasa ospital kami? Bakit iyak ng iyak si mama?

"Bakit po tayo nandito?" Halos hindi ko makilala ang aking ina sa kanyang itsura. Ngayon lang nagsink-in sa akin na puno na ng luha ang kanyang muka, pulang-pula na ang kanyang ilong at mga mata.

"Wala ka talagang alam?" Nagulat ako dahil bigla akong hinila ni mama papalapit sa kanya. Ibang-iba ang itsura ng kanyang mga mata hindi lungkot kung hindi galit ang namumuo dito.

"A-ano p-pong walang alam?"

"Sino po ang pamilya?" Isang lalaking doktor ang lumabas sa isang silid at pawang kami ni mama ang tinatanong. Agad tumayo si mama at lumapit sa doktor.

"Kamusta po ang asawa ko?"

"Pasensya na misis, he's dead." Halos mapitlag ang dalawa kong tenga, halos hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.

"Si papa patay na?" Halos kasama ko lang siya kaninang.umaga, masayang kumakain ng umagahan, tapos ngayon wala na?

"You're Rivan Port?" Tanong sa akin ng doktor. Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Your papa said to me before he passed that, he's always love you no matter what." Sabi ng doktor sabay alis nito sa aking harapan at tsaka palang naguna-unahan ang aking mga luha sa pagpatak.

"Dahil sayo to bata ka! Kung hindi ka sana nagpapa-api edi sana buhay pa sya. Dahil sayo kaya sya nawala! Dahil sayo kaya sya namatay! Ikaw bata ka," hindi ko maintindihan bakit ako? Hagulgol at pag-iyak ang namayani sa buong silid na ito.

Si papa nakatalukbong ng puting kumot, wala ng hininga. Patay na, sinabayan ko ang pag iyak ng aking ina.

"Rivan alam mo bang papunta sya sa school nyo para ipagtanggol ka sa mga nambubully sayo? Alam mo na kaya sya nasagasaan dahil sa pagmamadali nya. Alam mong may sakit ang papa mo, at mahina na ang kanyang mga buto pero nagawa ka pa rin nyang puntahan, dahil may nakapagsabi sa kanya na inaalipusta ka lang sa iyong eskwelahan, bakit hindi ka lumaban? Bakit huh, kung lumalaban ka sana sa kanila hindi ka nila ginaganyan kung lumaban ka sana hindi sana nangyari ang ganito naiintindihan mo ba? Napa-upo nalang ako sa sahig dahil hindi ko kinaya. Ngayon lang ako sinigawan ng aking ina. Halatang galit sya sa akin. Hindi ko naman alam na ganon pala ang mangyayari, hindi ko alam, wala akong alam.

Si papa ang nagturo sa akin na kapag may umaaway sa akin wag ko ng pansinin dahil lalaki lamang ito, pero bakit ganon dahil sa mahina ako at walang lakas ng loob, hindi ko naipagtatanggol ang sarili ko.

"Papa."

Fade AwayWhere stories live. Discover now