2

30 1 0
                                    


No one cares,

Messed.

Yeah, that's me.

Sunday:

Family day.

Agad akong napangiti ng mapait dahil nakita ko ang mga sticky notes sa aking kwarto. Ibang-iba na ito sa dati. Hindi na ito makulay kumbaga kinain na ng kadiliman.

You're stupid.

Worthless.

No one loves you.

Halos manginig ako dahil parang may bumubulong nanaman sa akin. Kinakain nanaman nila ako. Overflowing thoughts not again. Please.

"Please." Tumayo ako sa aking kama. Dumiretso sa banyo at naghilamos.

Stupid.

Freak.

Napailing nalang ako. Lahat ganyan ang tingin sa akin walang nagmamahal. Wala akong kwenta.

"Honey, don't cry na. Mama and Papa loves you so much." Then my papa kissed my forehead. Naalala ko nanaman ang sinasabi ni papa tuwing umiiyak ako, pero ngayon wala ng magsasabi nyan, dahil wala na sya.

"I missed you. Papa." Napaupo nalang ako dahil hindi ko na kinaya ang panginginig ng aking tuhod.

Walang nagmamahal sa akin. Even my mother her love for me is already fade. I can feel it.

Halos mapatayo ako dahil isang tunog ng baril ang nakapagpabingi sa aking mga tenga.

"Mama." Agad akong napalabas ng c.r at nagtatakbo papunta sa kung saan nanggaling ang putok ng baril.

Blood.

"M-mama?" Hindi ko alam ang gagawin ko.

Halos hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakakibo. Luha kong naguuna-unahan.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Mga ugong ng ambulansya. Mga taong nagkakagulo ang aking nakikita.

Halos buong mga kapitbahay namin ang umuusisa sa nangyari. Halos hindi nagsisink-in ang lahat ng nangyayari sa akin.

"Rivan, Anong nangyari?" Walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Nawalan na ako ng lakas para magsalita.

"Rivan, hija--- nanlabo na ang aking panigin at hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Wala akong maintindihan and everything went black.

__

"Suicide case, that's all." Isang boses ng lalaki ang nagsalita kaya agad akong napamulat. Nakita ko naman na may kausap sya sa telepono.

Everything is white. All I know, I was crying and then everything went black. That's all.

"You're awake." Agad akong napatingin kung sino ang nagsalita. Isa syang pulis base sa kanyang itsura.

"Where's my mom? Is she okay?" Halos hindi makakibo ang pulis na nasa aking harapan.

"W-where's my m-mom?" I cry once again.

"She's gone. Sorry." Agad namang lumabas ang pulis at naiwan akong mag-isa dito sa puting kwarto. Mga aparatong naka-kabit sa akin agad kong tinanggal at tumayo. Medyo hilo pa ako pero kailangan kong makita ang nanay ko.

"Where is she?" Tanong ko agad sa pulis ng makita ko syang nakaupo sa gilid ng hallway.

"At your house." Maikli niyang tugon.

"Thanks."

Patakbo akong lumabas ng ospital. Papara na sana ako ng taxi ng may biglang humigit sa akin.

"Too fast, young lady." Agad naman nya akong hinila sa kotse nyang dala.

Halos hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ng makita ang aking ina. Agad kong pinahid ang luhang tumakas sa aking mga mata.

Mabilis lang ang naging biyahe. Pababa na ako ng kotse pero parang dapat hindi nalang pala ako bumaba.

A funeral.

Halos patakbo akong pumasok sa loob ng aming bahay. Una unahang mga luha ang tumulo sa aking walang kapagurang mga mata.

"M-mama." I cry a lot and no one cares. Everyone's watching and no one wants to comfort. I know.

"It's okay. Rivan." There he goes. The policeman.

"I, thought is she okay now, but I was wrong." I said in the midst of my sobbing.

"Shh,"

Sa kabila ng ganitong mga sitwasyon may mga tao parin talagang ganito. Yung tipong kahit hindi mo kilala, at tutulungan ka nalang bigla.

Inalalayan nya akong maupo sa gilid ng kabaong ni Mama. I staring at the picture frame of my mom. Her smile. Her eyes. Everything about her. That's my mom. The one who truly loves my father. The one who'd sacrificed a lot. She drowned alone and no one can saved her, even me I'm her daughter I can't save her,

Ngayon naniniwala na ako sa sinasabi nila. I'm worthless. Isang patak nanaman ng luha ang tumakas sa aking mata. Agad ko itong pinahid.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. I don't know how to swim alone in this drowning ship. I don't even know.

"Hey, get up and change your clothes, I'll stand by here." Agad akong napatingin ulit sa aking paligid.

May iilang kapitbahay ang naka upo at nagdadalamhati katulad ko. Pero hindi ko napansin na nakasuot pa pala ako ng pangospital na damit. Tumayo ako at dumiretso sa aking kwarto.

Malamig, madilim ang tumambad sa akin pagpasok ko ng aking kwarto. Halos tuluyan ng nawalan ng buhay ang dating puno ng kulay. Halos kainin na ng kadiliman kwartong aking iniingatan noon.

Agad akong naligo at tumingin sa salamin. Halos hindi na ako yung dating palangiti. Halos nawalan na ng sigla mga mata kong walang gana. Nagbago na ang lahat at wala akong nagawa.

Bullying.

Depression.

"I'm loss," Sabi ko sa aking sarili.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng aking silid. Hindi ko inakala mangyayari pala ang ganito sa akin. Hindi ko inakala na ako pala ang mapipili para parusahan ng hindi ko alam kung bakit. I'm not strong like others. I was a girl who have a dream and I need to chase it, but now? I'm loss in the middle of nowhere. I'm alone.


Farewell.

Tila nawala na ata mga luha sa aking mga mata. Tila naubos na ata tubig na umaagos galing dito. Tila nawalan na ako ng pakiramdam.

Halos itim at puti, aking nakikita. Kalungkutan ang namamayani sa aking buong sistema.

"You okay?" The policeman said.

"Soon, I'll be."

Tapos na ang libing, wala na si mama at ng dahil nanaman sa akin. Gusto ko silang sundan kung nasaan man sila ngayon pero alam kong mali iyon at hindi ko kayang gawin ang ganong bagay.

"By the way. I'm Hope Delben." He offer a shake hands. Agad ko naman inabot ito at ngimiti ng mapait sa kanya.

"Thank you for everything, Hope." Agad akong pumasok sa loob ng bahay namin.

Madilim walang buhay. Binabalot ng katahimikan. "Alone, huh?" I said to myself.

"Paano na?"

___

Fade AwayWhere stories live. Discover now