Chapter 1- LATE

69 1 0
                                    

"Carlos, anak! Tanghali na! Bilisan mo ang kilos dali, male-late ka na sa klase mo. First day mo pa naman ngayon sa bago mong school!" hiyaw ni Ana sa kaniyang anak na si Carlos.

Pasado alas otso na ngunit ngayon lamang nagising ang mag-ina. Kaya't nagkukumahog na sila ngayon dahil late na si Ana sa pinapasukan niyang hotel na may ngalang 

"Huh Luh Yen Moo See Aqoh"  - Isang 5 Star Hotel na sikat sa Maynila, pinipilahan ito ng marami dahil sa mura nilang rates.

 bilang housekeeper slash maid slash tubero slash technician. Ah, pota lahat na! At ang kaniyang anak naman na si Carlos, sa kaniyang pagpasok sa eskuwela.

"Opo, nagmamadali na po. Mommy naman kasi yung kabilang unit nitong apartment magdamag nagzu-zumba at nagvi-videoke." Iritableng saad ng bata na hindi na magkandaugaga sa pag-gayak

"Late na nga rin ako sa hotel, anak. Buti nalang at nai-text ako nitong si Diana, male-late daw ng dating yung manager namin. Buti nalang talaga, kung hindi iaawas na naman sa sweldo ko 'tong late ko na 'to!" mabilis na pagku-kwento ni Ana habang sila'y palabas ng apartment building.

"Oh sandali lang, anak. Wait mo si Mommy. Dahan dahan sa pag-akyat baka magdulas ka." malambing na sabi ni Ana habang inaalalayan ang anak sa pagpanhik sa bus.

Nang sila'y makarating sa terminal ng bus na hindi naman kalayuan sa eskuwelahan ni Carlos ay agad na inalalayan ni Ana ang anak pababa ng nasabing sasakyan

Habang sila'y naglalakad ay may lalaking nakabunggo kay Ana. May kalakasan ang pagka-bunggo nito na siya namang dahilan upang ma-out of balance si Ana at mapa-upo. Lumakad palayo ang lalaki na animo ba'y walang nangyari.

"Hoy! Siraulo kang mama ka ah! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Istorbo ka! Ang laki mong abala! May trabaho akong hinahabol, yung anak ko papasok sa esk--" pagko- kompronta ni Ana sa lalaki

Natigilan ang pagputak ni Ana nang bumalik muli ang lalaki. Inalalayan sya niyong tumayo sa pagkakaupo sa kalsada at dali daling bumunot ng pera ang lalaki mula sa kanyang bulsa ng pantalon.

"Here, take it. I'm sorry kung nag-cause man ako ng malaking abala sa inyo, Miss. Pasensya na talaga! I'm just in a hurry. I'll go then." paghi-hingi ng pasensya ng lalaki kay Ana at Carlos bago ito tuluyang umalis

Tumigil din ng ilang segundo ang mundo ni Ana. Naging slow motion ang lahat na tila ba sila'y nasa isang K-Drama at silang dalawa ang bida.

"Ang gwapo gwapo niya, anak. Ang sarap niya tumitig. Sa palagay ko nga'y na-buntis ako ng dahil doon. Magpa-check kaya ako sa obgyne ko mamaya?" wala sa sariling sambit ni Ana na tila ba'y nalunod sa titig ng lalaking nakabunggo sa kaniya

"Ma! Late na po ako!!! Bahala ka nga po diyan!" inis na sigaw ni Carlos sa Nanay nya na tila ba lutang pa din

"Oo na, anak. Ito na si Mommy, wag ka na magalit. Pero... grabehhhh ang sherep ni Koyah!" wala sa sariling sabi ni Ana na para bang nasa pa ding dimensyon.

Nang maihatid na nya ang anak sa eskuwelahan ay dali dali na itong sumakay ng jeep papasok sa kaniyang trabaho na may kalayuan ng bahagya.

Inspirado at may ngiti sa labing pumasok si Ana sa trabaho.
–––––––––––

HOTEL

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

11:11Where stories live. Discover now