4:00 A.M

57 3 2
                                        

🎶🎵 We could sail across the seven seas take you from away from the mysteries that reminds you of the loneliness in your heart 🎶🎵

Napatingin ako sa kisame habang nakikinig sa kanta ng New Empire. Muntik na akong mapakanta ng malakas pero naalala ko na hindi pala ako nag-iisa sa kwarto; kasama ko ang pinsan ko. Kinuha ko ang notebook at sinulat ko ang isang quote na nabasa ko sa twitter kanina.

Ano bang magandang gawin? Manuod kaya ako ng korean drama o 'di kaya magstr-stream na lang ako sa mga music video ng GOT7? Teka, nagugutom ako.

Napatingin sa pinsan ko dahil bumangon siya bigla, "Abby, anong oras na?" tanong ni Alice, pinsan ko. Sasagot na sana ako kaso bigla siyang nagsalita, "Nevermind. 4:30 na siguro. Sige, gora na me para di ako malate."

"Mag-ingat ka, Al. Uwi ka nang maaga ha?" sabi ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

***

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad kaagad ang nakakasilaw na luwinag mula sa bintana. Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla kong nakita si Tito na may hawak na bote ng alak at galit na galit ang mukha.

"Alice! Abegail! Wala na namang pagkain?" dinig kong sigaw ni Tito na sinundan nang napakalakas na tunog na parang may nahulog mula sa mesa.

Nilock ko ang pinto. Humiga ako ulit sa higaan ko habang tinatakpan ang magkabilang tenga ko. Tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko at nanginginig na ako pero sinubukan ko pa ring tawagan si Alice.

"A-Alice tulungan m-mo ako. U-umuwi ka n-na."

"Abegail! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto! Malilintikan ka talaga sa akin paglabas mo diyan!" sigaw ni Tito at sinusubukang buksan ang pinto.

"Tay! Tama na 'yan!" dinig kong sigaw mula sa labas. Si Alice. Nandiyan na si Alice.

"Pakialam mo ba? Ikaw kinakausap ko? Si Abegail ang kinakausap ko. Huwag kang pakialamera!" sigaw ni Tito at narinig ko ang sigaw ni Alice. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Alice na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Niyakap ko siya at tumingin ako kay Tito.

"Tito, anak mo si Alice! Bakit mo siya sinasaktan?"

"Hoy, Abegail! Hindi mo pamamahay 'to! Huwag kang magpakunwaring prinsesa!" sigaw ni Tito at lalapitan niya na sana ako upang saktan pero hinawakan siya ni Alice sa kamay.

"Tumakbo ka na, Abby!" sigaw ni Alice. Napatingin ako sa kanya. Ayaw ko siyang iwan dito, "Abby, takbo!"

Tumakbo ako papalabas nang bahay ni Tito. Tumakbo ako hanggang sa napagod ako at tumigil ang pag-iyak ko. Agad akong pumara ng jeep. Alam ko na kung saan ako pupunta.

***

Nilagay ko ang earphones ko sa aking tenga at panakinggan ko ang mga kanta sa GOT7 playlist ko. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob ng bahay.

Hinga nang malalim, Abby. Huwag kang umiyak. Huwag.

Ngunit nang nakita ko ang picture frame pagpasok ko nang bahay, napaupo ako sa sahig at umiyak nang umiyak. Bumabalik lahat ng mga alaala. Ayaw kong bumalik sa bahay na ito pero kapag wala akong mapupuntahan, ito kaagad ang unang pumapasok sa isip ko. Kahit anong mangyari, hahanap-hanapin ko pa rin ito. Siguro dito na lang muna ako magpapalipas ng gabi.

"Tao po? Sana po matahimik na ang kaluluwa niyo. Kung ano man po ang nangyari noong buhay po kayo, sana po magbigyan na ng hustisya at hindi niyo na po gagambalain ang magandang tulog namin."

Pinunusan ko ang mga luha ko at tumayo ako kaagad nang may narinig akong boses. Napaatras ako dahil parang papalapit sa akin kung sino mang tao ang nandito ngayon. Hindi ko namalayan na may vase sa likuran ko kaya nang umatras ako nahulog ito at nabasag.

4:00 A.M. (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon