Dear Summer,
Salamat sa mga sulat na pinadala mo. Pasensiya na kung hindi kita magawang sulatan dahil kababalik ko pa lamang ngayon sa Pilipinas.
Lumipat kasi kami agad sa Espanya nang hindi man lang nagpapadala sa iyo ng sulat.
5 years had passed at alam kong marami na ang nangyari sa buhay mo. Maraming pagbabago sa buhay mo at gano'n na rin sa buhay ko.
5 years had passed. Alam kong may mga taong naging kaibigan mo. Mga taong mas better sa akin.
Pasensiya na dahil alam kong araw-araw kitang sinasaktan at pinag-aalala sa mga tanong kung okay pa ba ako. Kung nababasa ko ang mga sulat na pinapadala mo linggo-linggo at kung bakit hindi ko ito magawang reply-an.
Sana okay kayo diyan.
Sana ay diyan pa rin kayo nakatira.
Sincerely Yours,
Your Bestfriend.Basa ko habang nakayuko. Pinipigilan ang pagbaba ng luha ko.
Last week ko pa ito pinadala at bumalik lang sa akin ang sulat. Wala na raw kasi itong address na binigay ko.
Oo nga pala. Limang taon na ang lumipas. Malamang ay lumipat na rin sila ng bahay nang hindi man lang nagpapaalam.
Gano'n din naman ang ginawa ko noon. Ganito pala ang pakiramdam non. Ang pakiramdam na naramdaman ni Summer noon.
Umuwi ako dito sa Pilinas dahil, gusto kong sorpresahin si Summer. 23th birthday niya kasi ngayon.
Naalala ko pa noon, ang birthday ko ay ang pag-alis ko. Nangako ako sa kaniya noon na pupunta kami sa paborito niyang beach. Pero, iniwan ko siya basta-basta rito. Binigyan ko siya ng regalo. Aso na Shih Tzu. Alam kong mas sasaya siya kapag ako ang dumating pero, ayokong makitang umiyak siya sa harapan ko. I don't want to see my love crying in front of me and begging me to stay.
Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko at nagsimula nang magmaneho.
Agad akong huminto nang may natanaw akong park.
Dito ko siya unang nakita noon. Kasama ang nanay at tatay niya. Nag-iisang anak lang kasi siya dahil sa hirap ng buhay nila. Naaalala ko pa noon na anibersayo pala ng mga magulang niya kaya ang inipon niyang pera ay nilaan niya para sa mga magulang niya.
Ang bait niya talagang anak.
Muli kong pinaandar ang sasakyan. Nalulungkot lang ako tuwing naaalala ko itong lugar na ito.
Muli nanaman akong napahinto. Bumaba ako ng kotse at tumanaw sa ganda ng tanawin na ito. Itong beach na ito. Maraming kaganapan ang nangyari dito.
Summer. Maybe her name represents this beach. At saktong-sakto na summer ngayon at maraming tao. Summer rin ang pangalan ng beach resort na ito.
Dito kami unang nagkakilala. First year high school kami noon. Nangongolekta kasi siya ng mga shells noon. Mahilig din kasi ako sa pagkokolekta nang mga bagay. Mahilig ako sa mga remembrance ng mga lugar na pinupuntahan ko.
At nangongolekta rin siya noon. Umiiyak siya noon na parang bata at nagsusumbong pa sa magulang niya dahil nawala ang mga nakuha niya.
Nasa iisang kubo lang kami dahil marami ang tao at pang dalawahang pamilya naman daw ito.
Nililinis ko kasi ang mga shells na nakuha ko kanina. Lumapit siya sa akin at inagaw ang shell na hawak ko.
"Akin 'to!" Pasigaw na sabi niya habang nagpupunas nang luha.
"Miss, that's mine."
Naalala kong bigla at tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Pumasok akong muli sa loob ng sasakyan at kinuha ang bote na naglalaman ng mga shells. Ito yung mga kinuha ko noong araw na 'yon.
Pinaandar kong muli ang sasakyan ko. Kanina pa kasi ako hinihintay nila Summer kasama ang parents ko.
After 5 years, makikita kong muli si Summer. I missed her so much. Araw-araw ko silang nilalagay sa mga panalangin ko.
Dumampi ang malamig na hangin sa aking mukha. Napangiti ako dahil dito.
Nang makarating na ako sa pupuntahan ko ay kinuha ko ang mga puting rosas na alam kong paborito niya. Pati ang bote na naglalaman ng mga shells at ang picture frame na may picture naming dalawa noong huling araw kaming nagkita.
Pinatay ko ang makina ng kotse at bumaba na. Agad kong nakita sila Mama kaya nagtungo ako dito.
Agad na tumulo ang mga luha ko.
I'm so sorry, Summer. I'm really sorry.
Nandito ako ngayon sa sementeryo. Summer's birthday.
"Lola, siya po ba ang tatay ko?" Narinig kong tanong ng isang bata. Agad akong napatingin dito at nagulat ako. Kamukhang-kamukha niya si Summer.
"Oo, apo. Siya ang tatay mo." Sinabi ni Tita at tinuro niya ako. Ako may anak?
Lumapit siya sa akin at agad na niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at bumalik sa tabi ng Lola niya.
Nilagay ko sa pagitan ni Summer at ni Sam ang bulaklak. Sabay pala silang namatay.
May sulat akong nabasa galing sa kaniya na kaya niya pinangalanang Sam ang aso na binigay ko sa kaniya ay dahil, gusto niya daw itong ituring na anak namin.
Hinawakan ko ang lapida ni Summer. Tumayo na ako at tumingin sa langit.
Lumapit ako sa magulang ni Summer. Nagsimula na itong magkwento.
"Alam mo ba, Sam? Walang araw na hinahanap ka ng anak ko. Habang nagbubuntis siya, walang araw siyang hindi umiiyak. Araw-araw siyang nagsusulat at pinapadala niya ito tuwing linggo sa inyo." Huminto si Tita at tumingin sa langit.
"Mahal na mahal ka ng anak ko." Pumatak ang luha niya at agad niya rin ito pinunasan.
"Namatay siya matapos niyang iluwal ang anak niyo. Alam ko na nagtatakha ka kung bakit kayo nagkaroon ng anak. Sinabi sa amin ni Summer na noong bago ang araw na umalis kayo ng pamilya mo ay nagkita kayo. At doon na nangyari iyon."
"Ito ang kabuuan nang ginawa niyo. Si Samantha. Mahal na mahal ka talaga ng anak ko at ipinangalanan niya pa siya sa'yo.." Sabi ni Tita. Lumapit sa akin si Samantha. May binigay siyang seashell na lalong nagpa-iyak sa akin. Ito yung inagaw sa akin noon ni Summer.
"Tito, Tita, can I borrow Sam today? Pupunta lang po kami sa Summer Beach Resort." Pagpapaalam ko at tumayo na. Binuhat ko si Sam at pumunta na sa ssakyan ko.
NANG makarating kami dito sa beach resort ay umupo ako sa shore at kinandong si Sam.
"Sam, dito kami unang nagkakilala ng mommy mo." I said habang nakatingin sa paglubog ng araw.
"Talaga, daddy?" Tumingin siya sa akin kaya tumango ako.
Ngayon sana ako magpo-propose sa'yo, Summer.
Some people loves summer because, they have the time to go outing with their loved ones. While some people don't.
I remember every summer I spent with you. I remember how we watched the sunset. And now, I am watching the sunset with our daughter.
I will always love the Summer because of you.
Ang araw ay parang ako. Lulubog, mawawala at mapapalitan ng buwan, ng kalungkutan, kadiliman, pero babalik din ito. Babalik nang may mga ngiti sa labi.
You taught me how to love someone like what you did.
I remember all the memories we had. But I promise, I will never forget you. You will be forever in my heart.
You are my summer, my sunset, forever and ever, Summer.
BINABASA MO ANG
Remembering Summer (Published)
Historia CortaI remember every summer I spent with you. I remember how we watched the sunset. And now, I am watching the sunset with our daughter. I will always love the Summer because of you. Ang araw ay parang ako. Lulubog, mawawala at mapapalitan ng buwan, n...