CHAPTER 1

36 0 0
                                    

Keith's POV

"Anak! Gumising kana! Mahuhuli ka na naman sa klase!" sigaw ni mama kaya dahil dun agad kung iminulat ang mga mata ko at kinuha ang tuwalya ko para maligo. Oh my god! Late na ako! Bumaba na ako sa kwarto galing sa ikalawang palapag.. Nakita ko naman si Aling Queenie walang iba ang nanay ko na naghahanda ng almusal ang bunso ko naman na kapatid na lalaki naka handa na at ready na pumasok sa school. Oppzz?! Lalaki ba talaga? HAHAHAH.Ano ba naman yan! Di man lang ako ginising ng baklang panget na yun!

Di na ako bumati kay Aling Queenie niyo ng magandang umaga! Ano naman kasi maganda sa umaga kung late na naman ako? Kumain na ako ng umagahan at pagkatapos ay sabay na kaming pumasok ni Andrea ay este Andrei

"Keith anak! Bantayan mo yang kapatid mo! Nako pag may nangyaring masama diyan ikaw ang malalagot saakin!" paalala ng Aling Queenie niyo!

"Opo Ma!" sabi ko at nagpaalam na kami ng bakla na to.

Tiningnan ko naman si Andrei.. Pinanlakihan ko siya ng mata..

"Huwag kang maging burambado sa pag aaral na bakla ka kundi mababaldado ka" paalala ko.

"Hay nako Ate Keith di mo na kailangang sabihin saakin yan. Remember First honor ako sa klase" sabi niya at nag model pa

"Sus! Wag ka ngang feeling diyan bakla! Di ka First tandaan mo yan!" sabi ko naman sakanya. Feeling first ganun?

"Walanjo! Ate kung pangit moment ko yun!" angal niya

"Magmomoment ka na nga lang di pakapani~paniwala!" sabi ko.

"Halika na nga pasok na tayo sa kotse!" sabi ko at nauna na sakanya hinabol naman niya ako at tinaasan ng kilay. Baklang to ang taray masyado dinaig pa ako

"Ate sino kaya saatin ang feeling?" mataray niyang tanong pinandilatan ko naman siya ng mata "Tandaan mo wala tayong kotse. Bike lang ang meron tayo" natatawa na niyang sabi dahilan para kilitiin ko siya sa tagiliran..

Pagkatapos ng kulitan namin ng baklang kapatid ko ay naghiwalay na kami dahil pumasok na kaming room namin.. Pagdating ko sa tapat ng pinto naka sarado ito.. Jusqpo.. Kailangan ko na yatang tawagin lahat ng santo at magdasal ng sampung Our Father.. Jusmeyo marimar.. Ako na naman yata ang magiging artist of the day dito..

Dahan~dahan kung binuksan ang pinto naririnig ko na din ang boses ng teacher namin.. Isinilip ko ang ulo ko at nakita kung nakatalikod si Ma'am Fernandez. Sa wakas makakaligtas ako. Tiningnan ko ang upuan ko malapit dito sa pintuan. Dahan~dahan akong pumasok para di mahalata ni Ma'am na late ako lahat ng kaklase ko nakatingin na saakin para bang natatakot na sila..

Nang makarating ako sa upuan ko uupo na sana ako ng tawagin ni Ma'am ang apilyido ko dahilan para masindak ako!

"Ms. Garcia!" tawag niya. Akala ko ba naman nakaligtas na ako. Tsk tsk

"Y-yes ma'am?" nautal kung sagot.Tumingin ako sakanya. Nakatingin siya saakin ng masama. Jusmeyo marimar para bang palaging may regla tong si Ma'am dahil palaging mainit ang ulo

"Ano na naman bang kababalaghan ang ginawa mo at late ka na naman?!" sigaw niya. Hobby niya yata ang ipahiya ako dito sa mga kaklase ko. Tsaka ano daw kababalaghan?! Si ma'am naman ano na naman bang nasa isip niya? Ay siguro kaya mainit ulo dahil nabitin siya sa ginawa ng kanila ng asawa niya.hihi.. Oo tama yan Keith nabitin lang yan..HAHAHAH

"MS. GARCIA!!" galit ng sigaw ni ma'am dahilan para matauhan ako. Oo nga pala tinatanong niya ako. Pati ba naman sarili ko pinapahiya ko na?

"S-sorry po. N-na late lang naman po ako dahil d po ako kaagad nagising" pag amin ko at yumuko ng biglang sumagi sa isip ko kaya tumingin ulit ako sakanya ng nakangiti na "Promise po di na po ako mala-late.. Hihi" sabi ko with peace sign pa.. Raratratin na naman sana ako ng bunganga niya ng may magsalita

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now