Chapter 2

26 0 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa library naghahanap ng libro na maaaring basahin.. Tumitingin tingin lang ako sa mga libro ng matuon ang buong atensyon ko sa parang diary na nakahalo sa mga libro. Teka bakit naman may diary dito?.. Kunot noo ko itong tiningnan may naka sulat na pangalan sa sa cover nitong diary..

"ZANE ANASTASIA AMELIA ASHREIN MONTECILLO" basa ko sa nakaukit na pangalan sa cover

Diko alam kung bakit parang bigla nalang may pumasok sa isip ko tungkol sa MONTECILLO

Montecillo ay ang isa sa pinakamayamang pamilya sa San Nicolas na pinamumunuan ng Gobernador Alonso.

Ang Padre de pamilya ng pamilya Montecillo ay si Don Diego Montecillo at ang kanyang asawa ay si Doña Natasha Montecillo.. May apat silang anak na si Zeus Prometheus ang panganay na anak,Athena Freya ang pangalawang anak, Zane Anastasia Amelia Ashrein ang pangatlo at nagbigay buhay sakanilang pamilya, at si Icy Maiden ang bunsong kapatid nila Zane..

Yan ang pumasok sa isip ko. Teka bakit alam ko ito? Eh wala naman akong nababasa tungkol dito ha? At yung pangatlong anak? Ang haba ng pangalan niya.. Zane? Diba ibig sabihin niyan is God is Gracious at ang amelia means defender? Eh ano naman ang ibig sabihin ng ANASTASIA at ASHREIN?..

Bahala na nga.. Binuklat ko ang diary pero bakit parang walang laman? Lahat blangko

"Bakit walang nkasulat?"tanong ko sa sarili ko

Agad naman akong napatalon sa gulat ng may sumagot sa likod ko "Dahil hindi pa nagsisimula ang lahat"

Tumingin naman ako doon sa sumagot at nakita kung mga nasa 50's palang siya..

"Manang naman! Ginugulat mo naman ako" sabi ko sakanya

Imbes ng humingi siya ng tawad ngumiti siya saakin "Sa wakas malapit ng masimulan ang matagal ko ng hinihintay" sabi niya habang nakatingin saakin na nakangiti..

Tiningnan ko naman ang diary at tumingin kay Manang "Manang sayo ho ba to?" tanong ko na mas lalong nagpalapad sa mga ngiti niya Bakit ang creepy?

"Hindi iyan saakin ija dahil may taong nagmamay ari na nyan" paliwanag niya at napatango naman ako.."Sa wakas tapos na ang ilang taong paghihintay para tapusin ang isang kwento at Ito na ang simula ng lahat" nakangiting sabi niya at tumingin sa diary agad naman akong kinabahan sa sinabi ni manang ..Tapusin ang isang kwento? Tas Simula ng lahat?

"Manang ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko sakanya

Tumingin naman siya ng diretso sa mga mata ko "Simula upang tapusin ang kwento ng isang tao" sabi niya dahilan para mas lalo akong kabahan.

Simula upang tapusin ang kwento ng isang tao

Simula upang tapusin ang kwento ng isang tao

Yan ang patuloy na nag eecho sa utak ko..

Buong hapon akong lutang dahil sa sinabi ng manang na yun.. Yung diary naman ibinalik ko ulit sa Library. Bakit ko naman kukunin yun? Hindi naman saakin yun at isa pa wala namang nakasulat doon..

Nang maka uwi na kami ni Andrei sa bahay agad naman akong nagmano at pumunta ng kwarto.. Tinawag naman ako ni mama para kumain kaso busog pa ako kaya pinabayaan na niya lang ako.. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata ng may pumasok na naman sa utak ko..

May isang babaeng naka suot ng gown habang naka ngiti sa isang lalaki na ang lalaking yun ay ang groom.. Naglalakad siya papuntang altar habang may mga ngiti sa labi.. Habang papalapit siya ng papalapit nakikita ko kung paano umagos ang luha ng babae kahit na blurred ito..

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now