016

619 20 14
                                    

A/n: an tanga ko naipublish ko to kasabay nung chapter 15, meghad!

Nayeon's POV

Magagabi na at naiwan ako ngayon dito sa hotel dahil na rin sa hindi na ko pinasama pa ni Jungyeon sa biglaang promotion.

At narito ako ngayon nagdadasal na sana walang mabangit ang DJ about sa kumakalat ng fake news na ikakasira namin.

Hiniram ko yung laptop niya na dati 'di niya pinahihiram sakin. May laptop din naman ako kaso lowbat at nagchacharge.

Inupen ko lang ang laptop niya kaso may password. Hindi ko alam pero kusang nagtype ang kamay ko, nagulat naman ako ng tama yung tinype ko.

Langya ang manyak talaga nun! Panu ba naman kase nayeon'scleavage ang password niya. Huwag na kayong magtanung kong pano pumasok yun sa isip ko kasi maski ako hindi ko din alam ang sagot.

Napangiti naman ako at nawala pagkabwesit sakaniya ng makita ko ang wallpaper ng laptop niya. (A/n: Yung pic sa taas.)

Kaya pala hindi niya pinapahiram sakin tung laptop na to dahil sa wallpaper niya...

Inupen ko lang account namin ng makita ko ang mga instagram namin na dumoble ang mga messages.

Inupen ko ang isa dun at ang tanung ay kung totoo ba daw yung picture at article.

Sinunod ko naman yung isang message at galit na galit sakin yung isang army. Sabi niya ibreak ko na daw si Jungkook. Miss paano e walang kami at kapatid lang turing ko dun!

Sunod naman yung isa pang message, galing sa supportive na once. Kinicheer ako dahil siguro ay aware sa sa mga hate na dinadanas ko ngayon at sinabi pa niyang susupportahan niya ako, kami sa alahat ng bagay.

Nireplyan ko lang siya ng Thank you at huwag magpapaniwala sa fake news, kasi yun naman ang totoo. Walang ni isa katiting sa article na yun ay totoo maliban sa hindi edited na picture. Pero di ko sinabing totoo yung pic, baka mapagalitan ako ng management.

Sunod kong binuksan ang twitter namin na mas lalo kong ikinagulat at ikintakot. Punong puno yung feed, notification, at home namin ng mga retweet patungkol dun sa kumakalat ng article.

At ngayon nagsilitawan amg mga kuha ni dispatch; Inaalalayan ako ni isang lalakeng nakamask at bunet, lalakeng naka mask at bunet inilagay ang kamay ko sa bisig niya, at huli. Kanang kamay ko nakalink sa braso niya papasok ng club with matching caption na Nation's Girl Group,TWICE' Im Nayeon with a mysterios guy?his friend? Manager? Or maybe her boyfriend, the popular member of boygroup BTS's Jungkook.

Lalong nanginginig ang kamay at mata ko. There's no way na hindi niya na to makikita, Magpapaliwanag ako sakaniya pero hangang ngayon hindi ko padin alam ang sasabihin ko at kung pano ko ipapaliwanag sakankya na mali nag pagkaintindi nila sa picture.

Agad kong dinampot ang cellphond ko gamit nag nanginginig kong kamay at hinap ang pangalan niya sa contact ko tsaka siya tinawagan.

"Hello? Nabong-"

"Jeo-jeongyeon, ba-balik k-ka na sa-sa hotel, please!"

Alam kong naramdaman niya ang nginig sa boses ko.

"On my way."

Maglilimang minuto na akong nanginginig dito sa takot at baka mamaya lang ay mag collaspe na ko.

Bago pa ako tuluyang magcollaspe dito sa sobrang pagaalala ay nakaramdam ako ng pagbukas ng pinto.

Jungyeon's POV

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Nayeon na nanginginig na nakaupo sa kama habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

Bago pa ako tuluyang lumapit sakaniya ay nilock ko lang muna ang pinto at ibinaling uli ang tingin ko sakaniya. Nakita kong isinara niya ang laptop ko at pilit na nguniti sa harap ko.

I N S E N S I TI V E  | 2YeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon