Hello !!
Ayo po sa lahat nang aking nabasa maganda naman po lahat nang inyong suggestion pero kailangan pong pimili nang THE BEST,Kase kailangan po nating manalo sa 1st task so ito po ung suggestion ko :
Ang Title po ay "Si BM"
Bakit ??? Malalaman niyo po kung bakit si BM ang title pag tapos niyo na pong basahin:)
Tuwing papasok ako sa aming classroom nandoon na siya.Siya ang maagang pumapasok sa amin.Napaka tahimik niya kahit minsan hindi ko pa narinig ang kanyang boses.Nakakapagtaka talaga siya hindi siya umaalis sa kaniyang kinauupuan.At kahit isang kaklase ko walang lumalapit sa kaniya.Maputi,Matangkad at Maganda naman siya,pero kahit isang boys man lang walang nag-aabala sa kaniya.Hindi ako mapakali kaya naglakas loob akong lapitan siya at kausapin."HI !! Ako nga pala si Jake,Ikaw anong pangalan mo".Hinintay kong sumagot siya pero kahit tumingin man lang sa akin ay hindi niya nagawa.Biglang nagtawanan ang mga classmate ko.Hindi ko sila maintindihan bakait nila ako pinagtatawanan pero hindi ko sila pinansin."Makisama ka sa amin"yan ang huli kong sinabi sa kaniya at bumalik na ako sa aking kinauupuan.Palagi ko siyang nakikitang ganon,wlang kibo at laging nakatingin sa harapan.Curious talaga ako sa kaniya kaya lumapit ulit ako sa kaniya paglabas nang aming instructor."ano bang pangalan mo?Gusto sana kitang maging kaibigan pero paano mangyayari yun kung hindi ka naman nagsasalita"Nagulat ako nang tumingin siya sa akin at nagsalita."Ako si Bianca Marie!! Bakit kapa lumalapit sa akin pinagtatawanan ka lang nila".Yan ang maiksing sagot niya sa akin.Siya pala si Bianca Marie.Nang dumating ang aming sunod na prof.napansin ko sa mukha niya na parang galit siya at nanggigil.Hindi ko siya inusisa bumalik nalang ako sa aking upuan,at napansin ko ang mga classmate ko na nagbubulungan at patingin-tingin sa akin.Hinahayaan ko nalang sila.
Kinabukasan pag pasok ko sa gate nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan."Hindi na ako papasok,.Pumunta ka mamayang 5 sa likod nang school sa may puno nang mangga may sasabihin ako sayo".Yan ang sabi niya sa akin.Hindi na ako nakapag salita dahil mabilis siyang umalis.Pagpasok ko sa loob nang aming classroom nilapitan ako nang isa kong kaklase."Oh bakit ka tahimik?? Asan nayung kausap mo?" sumagot ako "Hindi na siya papasok".Umalis siya at may kasaman bungisngis..Nagtawanan na naman sila.Ayoko silang patulan kaya minabuti ko nalang na magbasa.Makalipas ang ilang oras nag-uwian na .Pumunta na ako sa likod nang aming school sa may mangga.Pagdating ko dun walng katao-tao.Nagpalinga-linga ako.At nakita ko siya sa may malapit sa mangga.Nakatayo at nakatalikod.Nakasuot siya nang bistidang Puti na mahaba hanggang paa."KA-Kanina ka pa ba dito?"May halong takot ang aking pagtatanong.Hindi ko alam kung bakit.At katulad nang dati parang hindi na naman niya ako naririnig.Ang tahimik nang paligid.Pakiramdam ko parang may kakaibang magyayari .Natatakot ako at kinakabahan.Lalapitan ko na sana siya nang bigla nalang siyang lumutang at humarap sa akin.Napalunok ako ,gusto kong tumakbo sa aking nakita pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa.Habang papalapit siya sa akin nanginginig at pinagpapawisan na ako.At nang nasa mismong harapan ko na tumaas na ang aking mga balhibo.Akala ko may gagawin siyang hindi maganda pero wala siyang ginawa sa akin."Hindi kita sasaktan,wala akong gagawin sayo.Pakiusap tulungan mo ako"Hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi niya.Tulala lang ako habang nakatingin sa kaniya."Totoo ang nakikita mo,2 years na akong patay.Namatay ako dahil pinatay ako nang isa niyong Prof.Ginahasa niya ako at pinagsasaksak.Kaya ka pinagtatawanan nang mga classmate mo dahil akala nila wala kang kausap.Ikaw lang ang nakakakita sa akin.Nagmamaka-awa ako sayo tulungan mo ako.NAkalibing ang aking bangkay sa may punong iyon..Pakiusap tulungan mo ako.Bigyan mo nang hustisya ang pagkamatay ko"" At bigla nalang siyang naglaho.Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi at sa mga nasaksihan ko.Parang panaginip lang ang lahat.Ngayon naintindihan ko na kung bakit ganoon nalang ang mga classmate ko sa akin.
Sinubukan kong sabihin sa aming Principal ang mga sinabi ni Bianca, noong una hindi nila ako pinaniniwalaan pero nung huli naniwa din sila.Pinaimbistigan ang likod nang aming paaralan.Itinuro ko sa kanila kung saan siya nakalibing at nakita ang kaniyang suot na ID at umamin na din ang aming Prof sa panggagahasang ginawa niya dahilan nang kaniyang pagkakakulong.Pagkatapos nang mga pangyayari ay hindi na nagpakita si Bianca.Siguro nakuha na niya ang hustisyang matagal na niyang gusto.Masaya ako dahil nakatulong ako sa kaniya.Kung nasan man siya ngayon siguro masaya na siya.Sa ngayon manantiling ala-ala nalang lahat nang nangyari .
--------------------------------------------------
Bali papahabain nalang po sana kapag ito ang napili.Pero okay lang po sa akin kung hindi ito ang gusto nang karamihan..
PASENSIYA po kung masyadong mahaba ang aking suggestion:))
HOPE YOU LIKE IT !!