2

8.8K 165 4
                                    

CHAPTER 2: MMWA

YUNIKA's P.O.V

Napasimangot ako ng makita ang textbook na sasagutan ko sa harapan ko. Naiinis ako dahil nagalit sakin si Mrs. Sanchez dahil sa ginawa kong pagtili kanina at kamalas malasan pa ay math subject yon at di ako nakinig sa lecture nya!

Ba’t kasi ganun magpakilig si Wieran eh, kaasar! Napatingin ako sa mga kaklase kong nagtayuan na para magsi-uwi na.

"Ms. Matador? Tapos ka na ba?" tanong ni ma'am sakin kaya nangilid na ang luha ko saka umiling.

"Then wag kang uuwi hanggat di mo natatapos ‘yang pinapasagutan ko!" sabi ni ma'am saka lumabas ng room.

Hinila ko agad sa braso sila Lucan at Rigo para pabalikin sa seat nila.

"U-uy tulungan nyo ko! D-di naman kasi ako matalino sa math eh." mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanila.

Nakita kong sabay silang napakamot ng ulo.

"Pasensya kana Unique ah di rin kami matalino sa math... may kailangan pa kong puntahan kaya una na ‘ko." sabi ni Rigo saka lumabas ng room.

Napalingon naman akong nakasimangot kay Lucan.

"Lucan..." paghingi ko ng tulong sa kanya at nakita kong bumuntong-hininga sya saka sumimangot.

"Mas lalong wala akong alam sa Algebra." sabi ni Lucan saka ginulo ang buhok ko.

"Una na ko ah?" nakangiting sabi nito saka lumabas ng room.

Para akong batang ngumawa saka sinipa ang table ko saka yumuko sa table ko saka umiyak.
Nakakainis! Paano ako makakauwi nito?

"Ehem!" napatingin ako sa taong tumikhim at nang tumingala ako ay nakita ko na kunot-noong nakatingin sakin si Wieran.

"Hindi mo matatapos ‘yan kung iiyak ka ng iiyak diyan." seryosong sabi nya kaya naramdaman ko ang sobrang kaba.

"W-wieran!" sabi ko saka akmang hahawakan sya sa braso nya ng medyo lumayo sya sakin dahilan para mas lalo kong sumimangot.

"Wag ka sumimangot lalo kang pumapangit, tsk!" sabi nya pa kaya yumuko na ako ng tuluyan pero nagulat ako ng makita ko siyang lumapit sa table ko saka nilapag ang text book nya.

"May sagot nako diyan baka makatulong, at huwag ka puro kopya try mo din pag-aralan para may matutunan ka," sabi nya kaya ang pagkasimangot ko ay napalitan ng ngiti.

"Waaah! Maraming salamat, Wieran!" bibong pagkasabi ko sa kanya saka nagsimula nang magsagot pero nagulat nalang ako ng may maramdaman akong kamay sa ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko at bago pa ako makatingala ay agad na umalis si Wieran.

"KYAAAAHHHHH!" tili ko saka nagtatalon sa kilig.

***

WIERAN's P.O.V

"What the hell son?! Ano bang ginagawa mo alam mo ba na pwede mong ikamatay yung ginawa mo?!" sabi ni Dad kaya naman napayuko ako habang hawak ang oxygen mask na nasa bibig ko.

"Alam mo naman ang nangyayari sayo pag dumidikit ka sa babae di’ba?! Ba’t mo pa din ginawa!" dugtong pa ni Dad sa paninermon sakin.

Nang maging maayos na ang paghinga ko ay agad kong ininom ang tablet na nasa harap ko saka ko tumingin kay dad.

"I-I'm sorry, Dad..." hinging paumanhin ko sa kanya.

"Wag na sanang maulit to Wieran!" sabi ni Dad saka ako tinalikuran.

Napatingin ako sa kamay ko ng mawala na ang pamumutla nun, parang umakyat ang dugo sa katawan ko kaya namutla ang kamay kong pinanghawak ko sa ulo ni Yunika. Napangiti ako ng bahagya pero biglang may sumagi sa isip ko.

—FLASHBACK—

*Bang!*

Napatakip ako ng tenga ko habang umiiyak! Nakita ko kasi ang Mommy ko na may hawak na baril at pinutok yon sa kisame kaya sobrang kabado ako ng mga oras na yon!

"Walang hiya ang ama mo! Hindi kana dapat nabuhay kaya papatayin na kita!" sabi ni Mommy saka tinutok sakin ang baril.

"M-mommy tama na po!" pagmamakaawa ko habang nanginginig sa takot!

"Wilhenda, tama na ‘yan! Ano bang ginagawa mo?!" sabi ni Daddy saka inagaw kay Mommy ang baril! Nag-agawan sila habang takot na takot akong umiiyak.

Hanggang sa narinig ko ang malakas na pagputok ng baril dahilan para mapatingin ako sa mga magulang kong nasa harapan ko at kasabay nun ang pagbulagta nang ina ko sa sahig.

"D-Dadddy!" humahagulgol akong napayakap kay Daddy dahil sa takot at pareho na kaming umiiyak.

***

Walong taong gulang ako nung mamatay ang Mommy ko at nakatayo ako sa harap nang kabaong nya ng lapitan ako ni Tita. Hinawakan nya ako sa braso pero parang nakita ko sa kanya si Mommy na gusto akong patayin at parang nanlilisik ang mata nya kaya bigla akong nagpanic at nagsisigaw! Naghabol ako ng hininga kasabay ang pamumutla ng buong katawan ko!

"D-daddy!" hirap na tawag ko sa ama ko na tumakbong lumapit sakin.

And that was the day that I found out that I have a phobia at hindi nagtagal ay naging allergy na nang dahil sa trauma ko sa nanay ko ay naging allergic na ko sa mga babaeng nasa paligid ko kaya para akong nakakulong sa dilim dahil ni minsan ay di ko naranasang magkagusto sa mga babae dahil takot na takot ako.

—END OF FLASHBACK—

“Okay lang! Sanay naman akong mareject sa mga naging crush ko! Si Wieran talaga ang type ko, so it means sa inyong tatlo sya ang crush ko!”

Napangiti ako ng bahagya ng maalala ko ang unang beses na pagkikita namin ni Yunika at sinabi nya saming tatlo ‘yun.

Sa dalawang magpinsan ay wala siyang natipuhan dahil ako ang nagustuhan nya.
Madami rin namang nagkakagusto sakin dahil Top 1 ako sa klase palagi pero sa tuwing magtatangkang lumapit sakin ang mga babae ay ako ang kusang lumalayo.

Si Akesiah lang ang nakakausap ko dahil alam din nya ang tungkol sa sakit ko dahil naging kaklase namin sya simula elementary nila Rigo at Lucan.

Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako natuwa sa isang babae at si Yunika yon.

---

My Mr. Woman Allergic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon