~ 4

0 0 0
                                    

KEA'S POV
Nang makabalik na sina Nikka bad trip silang lahat,ano namannnn kayang nangyare?dapat talaga sumama na lang ako naging third wheel pa ako sa mag best friend na to.

Sobrang tahimik talaga nilang tatlo.
Magsasalita na sana ako ng tumayo si kuya nikko na katabi ngayon ni nikka.

*CJ* *Hannah* *Me* *abi* *nikka* *kuya nikko*

Hindi sya nagpaalam samin agad agad na lang syang naglakad palayo samin,ano kayang drama nun?

Maya maya tumayo narin si abi at Walang sabi sabi at umalis na sya pumunta rin sya sa dinaanan ni kuya nikko.

Hays nakakalokaaa nahahagard ung feslak ko juskooo -___-
May feeling talaga ako na may gusto sila sa isat isa:(((
ABI'S POV
Ano bang problema nung lalaking yun?
Oo si Zayn
Nakakainis talaga

Eto ako ngayon sinusundan sya
Hindi ako makakilos kanina kasi kasama namin si Nikka.

Gusto namin ni nikko ang isa't isa
Pero kaming dalawa palang nakakaalam.
Nung umalis kasi ako here papuntang california nagtatawagan kami Pero Hindi alam ng barkada ewan ko ba.

Umupo si Nikko sa may bench dun
At bago pa ako makalapit sa kanya may lumapit na agad sakanya na Isang babae.
Di hamak na maganda at sexy sya kesa sakin.
Akala ko Hindi nya papansinin yung babae Pero todo ngiti pa sya
So ayan pala ginagawa nya pag wala ako.

EDI MAGSAMA SILA!

May pasabi-sabi pa syang mahal nya ako tapos pag wala pala ako nakikipaglandian sya.

Bumalik na lang ako sa pwesto namin nila Nikka
Excited pa naman akong umuwi dito para sa kanya tapos ngayon ko nga dapat sya sasagutin.
Yes nanliligaw sya sakin
Pero ngayon nagdadalawang isip ako if sasagutin ko pa ba sya.

Naguguluhan ako Di ko alam feeling ko pinaglalaruan lang ako ni Zayn.

"Huy abi!kanina pa kita kinakausap anyare sayo?"tanong sakin ni Nikka
Lahat sila nakatingin na sakin
At andito narin pala ang magaling na si Nikko

"Ahh wala"maikling sabi ko at ngumiti

"Alam mo gutom lang yan"natatawang sabi ni kea

Siguro kailangan ko ng mag diet...

Pero teka teka bat ka mag di-diet?

Siguro pinagpalit na ako ni Zayn dun sa maganda at sexy na kausap nya kanina...
Hayss gusto Kong kumain ng sweets

Teka kala ko ba mag di-diet ka?

Pass muna next time na lang

HAHAHAHA nababaliw na talaga ako
Ang sakit sakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko nung nakita ko si nikko na may kasamang ibang babae...

"Tara kain na lang tayo sa restaurant"sabi ni Nikka

Pumunta na kami sa restaurant nila
Nauunang naglalakad sila Nikka at kea sumunod sila CJ at Hannah na kanina pang masaya sana ganyan kami hays.
At kaming dalawa ni Nikko Zayn ang nahuhuli sa lakad

Habang naglalakad kami naramdaman Kong may humawak ng kamay ko agad ko itong tinanggal.

"Gail" sya lang tumatawag saakin nang Gail
Si Zayn
Hindi ako nagsalita
"Sorry nga pala kanina"

"San?" Hindi ako tumitingin sa kanya

"Nagselos lang ako"

"San?"

"Dun sa nakabangga sayo na POGI"
Edi binangga mo na lang din sana ako

"Ahh"

"Gail sorry na talaga" sabi nya Sabay hawak sa kamay ko

I'm In Love With Him Accidentally❤️[Editing)Where stories live. Discover now