SBTW Chapter 2

48 0 0
                                    

CHAPTER 2

 "May isang agreement ang bayan natin sa bayan nila na pagnabreak ay magkakaroon ng isang gulo."

"Totoo po?"

Napatingin ako sa gilid ko. Echuserang babae, nagniningning ang mata. Akala ko hindi interesado. Paano ba, kanina pang kain ng kain, nonstop, para bang walang tao sa paligid. =_=

"Oo."

"Ano pong kasunduan yun?"

"Pasensya na.  Hindi ko masabi."

"Aaahhh... bakit naman?" T_T

at talagang ganyan siya makapagreact ha.

"Orders from the principal."

nananahimik na ako dito. Hindi ba't ako ang nagtanong? Bakit siya na ngayon ang kausap?

kumain na lang ako.

"Sige na po.  Baka kung masabi niyo hindi na pupunta si Lianne doon."

muntik na akong mabilaokan, "Aba! at sino nagsabi sa iyo?"

" Tumahimik ka nga, hindi ikaw ang kinakausap." 

Iyon ang eksena kagabi. Pilit ng pilit si Lily kay ma'am Ivy. Ang kulit talaga. Simula na narinig niya ang kasunduan kay ma'am hindi maisara ang bunganga. Kulang na lang itahi ang bibig niya para matikom.  Sa huli, sigh in defeat ang drama ng bruha. Hindi niya talaga napilit si ma'am.  At dahil doon, naging curious din ako kung ano ang kasunduang hinding hindi maipagkalat ni ma'am.  It's either something big or natatakot lang siya na baka siya na ang sususnod na biktima ni Ma'am Gargrandias. =_=

"Ui Lianne, ano kayang kasunduan ang sinasabi ni ma'am."  sabi niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Ang kulit mo! Kanina ka pa.  Hindi ko nga alam!"

Simula nang gumising kami yan na lang ang laman ng bibig ni Lily.  Talaga lang ha.  Ganyan siya ka interesado.

"Bakit ba interesado ka masyado?"

"Aba! Ikaw ang pinag uusapan dito no!"

"Anong ako?"

"'Kung hindi dahil sa kasunduan na yun, eh di ka naging curious kung ano man ang laman lagpas sa bounderies at hindi tayo naground!"

"Ganun?"

"Oo no!"

"Hay ang ingay ingay umagang umaga pa lang."

Napatingin kaming dalawa sa mga umepal.

"Anong kailangan mo Reese?" sabi ni Lily.

"Ang ingay niyo. Itikom niyo nga ang mga bibig niyo."

Si Reese, short for Therese, ang pinakapopular na babae dito sa eskwelahan.  Anak kasi ng isang sikat na researcher at stakeholder ng school. Plus ang ganda niya 'daw'. Ang kinis ng katawan, ganda ng mata, at may mahabang itim na buhok.  Pero hallway naman 'to ah. Anong paki niya kung ang ingay inagy namin?  Hindi naman siya ang pinag-uusapan ah.

"Hoy! Kaya nga binigyan tayo ng mga bibig diba?!"

"Oo nga. Pero huwag mo namang abusuhin dear."

Hinila ko si Lily.

"Lil, ang ingay mo naman talaga.  Huwag mo na lang pansinin." i whispered.

"Grrr.. Paki niya."

"Dali na Lil."  at hinila ko na siya palayo.

"Wait."  tumigil kami. Ano na naman ang kailangan nito?

""Lianndra Crystalyn Turende."

Napalingon ako.  Paano niya nalaman pangalan ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunset Beyond the WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon