. 1

20 3 2
                                        

"Girls look, si Prince ohh, waah!"

"Kyaah,Prince! We love you!"


'Aish! Nakakarindi! Kaylan ba sila titigil! Prince sa umaga! Prince sa tanghali! Prince sa uwian! Siguro pag sa pagkain umay-umay na ako!' Yan lagi ang maktol ni Alyson tuwing naririnig ang mga nakakarinding tili ng mga studyante sa kanilang paaralan.


"Tignan niyo ohh, si Marie nakasunod kay Prince. Siguro break na sila."

"Diba 5 days ago lang noong naging sila?"

"Ganun nman talaga eh,,Walang tumatagal kay Prince!! kaya nga nabansagang 'The King of the Playboys' ehh."

Hayyst,mga chismosa talaga ohh.Walang magawa sa buhay!!.Kahit ayaw makinig ni Alyson sa mga chismis ng mga tao sa paligid niya ay wala siyang magawa dahil sadyang malakas ang kanyang pandinig at malakas magbulungan ang mga chismosa.




Naglakad si Alyson papuntang library upang hindi na madistorbo at hindi na makarinig tungkol sa babaerong Prince daw na yun. Nakita niyang makakasalubong niya ang lalaking pinag-uusapan nila at nakasunod dito ang babaeng nagngangalang Marie daw. Pero wala siyang pakialam basta't makarating lang siya sa pupuntahan ng matahimik naman ang buhay niya.



"Prince! Prince! Teka lang nman ohh!" Ano ba nman yan! Alam niyang nasa hallway siya,sigaw pa siya ng sigaw.alam niyang may nagka-klase pa ehh!!.yung babae kasing si Marie, sigaw ng sigaw, tinatawag yung Prince na yun.



" Prince teka lang, hindi pwede toh! " Na-iirita na si Alyson sa kaingayan ng babaeng sumisigaw kanina pa kaya mas binilisan niya ang pagpalakad.





Malapit na silang magkasalubong Prince ,siguro 4 meters lang. Nagulat si Alyson ng makitang nakatingin sakanya si Prince. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa ibang tingin sakanya ni Prince. Para siyang nakuryente.


'Tsk, siguro yan ang strategy ng mga babaero,' sa isip ni Alyson.





" Prince, mag-usap muna tayo!" Marie.



Mabilis ang pangyayari. Hindi malaman ni Alyson kung bakit siya nasa ganoong position. Nagulat siya nang hilain siya ni Prince at magkadikit ang kanilang katawan. Itutulak na niya sana siya, pero bigla niya itong hinalikan. Hindi ako makagalaw, nakakalunod at hindi niya madiscribe ang kanyang nararamdaman. Parang nanghina na ang tuhod niya. Buti nalang at nakasupurta ang nakapulupot na braso ni Prince sa kanyang maliit na baywang. Hindi parin siya nakaget-over nang inihiwalay ni Prince ang labi niya dito.





"So ano Marie? Siguro naman alam mo na ang dahilan kung bakit kita hiniwalayan? Look at my girlfriend, beautiful, sexy, perfect than you. Siguro naman titigil ka na kahahabol saakin. May bago na akong girlfriend, alis na!" Pagtaboy ni Prince kay Marie. Gosh anong nangyayari? Anong girlfriend pinagsasabi ng mokong na toh? Parang napipi si Alyson sa mga pangyayari at hindi makapagreact.




" P-pero Prince, mag fa-5days palang tayo!!wala pa tayong 1week!" Teary eyes na yung babae.



"Yan naman ang hiniling mo diba? Kaya alis na! Shoo!! Shoo!!" Pinagtatawanan ng mga taong nakapaligid sakanila si Marie na umiiyak paalis.


'Ang sama ng lalaking toh!!parang aso lang yung kinaka-usap.' Nasabi ni Alyson sa sarili.




Umabay saakin si Prince. Buti nalang at nakaget over na ako sa lahat na nangyari. Hinila ko si Prince sa garden ng school. Kunti lang ang studyanteng pumupunta dito dahil mas trip nilang magtambay sa canteen or sa rooftop.



" Bakit mo ako hinila dito bhaby? Gusto mo ba ng round 2 kiss?hahaha. Gusto ko din nman ehh. " Tumawa pa ito habang sinasabi niya yun na parang wala lang sakanya ang nangyari kanina
. Bwesit talaga siya!





" How dare you! Kung sa tingin mo ay katulad ako ng mga babaeng naka relasyon mo ay nagkakamali ka . First kiss ko yun, tapos isang Playboy lang ang makakakuha. I hate you,  I hate you tapos sa harap pa ng maraming tao! " Sabay pinagpapalo niya si Prince.  Subrang naiinis siya dito.




"Pfft. Ok lang yun. First kiss lang naman ang nawala sayo, hindi yung pinaka ingat-ingatan mo." Pinipigilan pa nitong tumawa, Kaya mas nainis siya dito. Iniingatan din naman niya ang lips niya para sa taong rerespeto sakanya at mamahalin siya ng tapat. Tapos sa lalaking to pa mapupunta na hindi niya alam kung ilang beses na ba itong nakahalik ng kalahi ni Eve.




"How dare you ulit! Iniingatan ko din ang lips ko noh! Atsaka alam mo bang dahil sa ginawa mo ay magugulo ang buhay ko?"-bulyaw niya dito.




" bakit nman bhaby? Ano bang ginawa ko?" Nakangiti naman si Prince at inosente pa siyang tumingin kay Alyson na gusto lang talagang iniinis.




"Sinabi mo lang naman na girlfriend mo ako! Marami ng aaway saakin!" Kung makatingin nga ang mga babae Kanina ka Alyson ay parang pinapatay na siya ng mga tingin nila. At alam niyang pagchi-chismisan siya ng mga tao at magugulo Ang buhay niyang tahimik.





"Wala ka ng magagawa bhaby, yun na ang alam ng nakakarami" Tapos tumawa pa ang loko. Nang-iinis talaga.



"Wag mo akong matawag tawag na bhaby!" Pinaghahampas ito ni Alyson.





" A-aray ko! T-tama---ARAY!tumigil ka, kung hindi hahalikan kita " pananakot ni Prince kay Alyson Kaya tumigil ng wala sa oras ang babae dahil  alam niyang pwedeng totohanin yung ito ng lalaki.




" I hate you! I hate you! " Nag walk out si Alyson. Hindi pa siya nakakalayo nang sumigaw yung mokong.





" I love you too bhaby ko! My only girlfriend. Hahaha" Sigaw niya, kaya napatingin yung ibang tao dito sa garden. Buti nalang at kunti lang tao dito. Kung hindi babalik na si Alyson doon at sapokin ang lalaking yun.




Uwian na kaya uuwi na ako.
Anyway, I'm Alyson Vine Caster.Grade 11 na. And that guy is Prince Azer Xaymer a.k.a. King of the Playboys in the campus.

----
Mymay

the king of the playboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon