Lahat ng mata nila ay may bahid ng takot sa tuwing dadaan ako...Maging ako ay takot sa sarili ko hindi ko alam kung ano nga ba ang kaya ko pang gawin?
Napayuko ako at nagmadaling makaalis sa hallway...hindi ko namalayan na may nabangga na pala akong estudyante, dali dali akong lumayo sa kanya ngunit hinila niya ako at biglang sinampal na ikinagulat ko at ng mga nasa paligid
"Ang tagal tagal ko ng gustong gawin toh sayo eh! Bakit ba kinakatakutan ka ha?! Sino ka ba?! May gang ka ba?! Isa kang terorista?! Ano sagot!" Sigaw nya sakin habang pinipilit nya akong patinginin sa mga mata nya
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya ngunit mas hinigpitan nya pa ito na dahilan ng pagkabaon ng kuko niya sa mga pisngi ko
"SINABI NG TUMINGIN KA EH!" Sigaw nya sakin at sabay hila sa buhok ko para maiangat nya ang ulo ko
Pinikit ko ang mata ko para hindi ito tumama sa mga mata nya at dahil sa ginawa ko ay mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa buhok ko na idinaing ko naman dahil sa sakit
Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman ang mga kamay ko na tinatanggal ang mga kamay nya...nakaramdam ako ng kaba sa maaring susunod na mangyari kaya sinubukan kong tigilan ang sarili ko ngunit di ko ito magawa at parang may sarili itong utak
Sunod na nangyari ay tumingin ako sa mga mata nya at bigla na lang pumasok sa isip ko na sinasakal ko sya hanggang sa malagutan ito ng hininga
Nakita ng dalawang mata ko ang pag-angat nya sa ere..nagsisigawan at nagkagulo ang mga estudyante samin dahil sa nangyari, tumakbo din ang mga guro papunta sa direksyon ko
"BEA!!"sigaw ng isang babaeng guro sa pangalan ng sinasakal ko at ramdam na ramdam ko ang pagalala at takot niya sa nangyayari
Napatingin ako sa tinawag niyang bea at dun ko napagtanto na di na sya makahinga kaya bigla akong natauhan sa nagawa ko..nang katawan ko kaya agad akong pumikit at tumakbo...muntik na naman akong makapatay
BINABASA MO ANG
Psycho
FantasyThey all call me psychopath They are all afraid of me I almost killed someone Please help me!! I always locked myself in the dark I need to be alone For them to be safe Why do I need to endure this pain? Is it my fault to be different? I know to mys...