"I need to talked to your guardian Ms. Perez" pagdidikta ng principal sakin pero hindi rin mapagkakaila ang pag garalgal ng boses nya dahil sa takot...takot sakinTumayo ako at lalabas na sana ng magsalita sya ulit
"You don't need to go to your next subject" dirediretso nyang sabi
Hindi na ako lumingon at dirediretsong lumabas, umupo na lang ako sa bench sa likod ng nursery room, walang tao dito kundi ako lang...alam ko na ieexpelled nila ako katulad na lang sa mga nakaraan kong schools, pero ngayon na lang ulit ako muntik makapatay, di sila nagsumbong sa police dahil sa takot nilang madamay ang pangalan ng eskwelahan kaya minabuti nilang isakanila na lang ang problema, ayaw din nilang malaman ng iba ang nangyari sa loob dahil paniguradong malaking gulo ito
Nagbuntong hininga ako at tinawagan si lola para ipaalam na pinapatawag sya ng Principal, tumayo ako at naghintay malapit sa guard house ng pagdating nya
"Lola" bigkas ko ng makalapit sya sakin, di ko napigilan ang mga luha ko at yumakap agad sa kanya, hinimas himas nya ang likod ko
"Anong nangyari?" Tanong nya sakin at hinarap ako sa knya
"M-muntik p-po akong makapatay" mahinang sabi ko, walang sinabi si lola sa sinabi ko at hinawakan nya lang ang kamay ko at hinila ako papunta sa Principal's office
"Dyan ka lang" utos nya sakin at tinuro ang upuan malapit sa pintuan ng Principal office, umupo ako dun at hinintay syang makalabas galing sa loob
Nang lumabas sya ay agad ko syang sinalubong "Lola ano sabi? Ieexpelled ba nila ako? Ipapatransfer?" Pagtatanong ko dito ngunit tinignan nya ako at umiling
"Hindi ka na papasok sa school Riz" sabi nito at umuna na sa paglakad, hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nya
"Pero lola kailangan kong mag-aral yun lang nakakatulong sakin para maranasan ko naman kahit papaano na normal ako" sabi ko sa kanya at pinipilit kong icontrol ang sarili ko
"Hindi yun makakatulong sayo, sa ngayon umuwi muna tayo at magpahinga" sabi nya ng walang kaemosyon emosyon,hindi na lang ako umangal at sumunod sa kanya
Nang makauwi kami ay magsasalita pa lang sana ako ngunit tinalikuran ako ni lola at pumasok sa sarili niyang kwarto
Naikuyom ko ang palad ko sa inis at napabuntong hininga para pigilan ang sarili...inisip ko na lang na para sakin din ung sinabi ni lola na wag na akong mag aral, kailan nga ba ako naging normal dba?
Lalabas sana ako para magpahangin nang makita ko sa loob ng bag ni lola ang isang bilog na may design na maliit na mga gintong bilog na nakapaligid mula dito at may glass din ito sa gitna
Napaisip ako na baka isa itong jewerly box pero bakit naman magkakaganito si lola? Sinubukan kong buksan ito
"Riz!!" Sigaw ng lola ko kaya agad kong nabitawan ung jewerly box dahil sa gulat
BINABASA MO ANG
Psycho
FantasyThey all call me psychopath They are all afraid of me I almost killed someone Please help me!! I always locked myself in the dark I need to be alone For them to be safe Why do I need to endure this pain? Is it my fault to be different? I know to mys...