Eto na yung pinakakinatatakutan ko ang araw nang pag alis ko...
The night before we acted normal yung para bang ang haba pa nang time namin. Lumabas kami for the last time, tinititigan ko lang sya habang naglalaro sya yung nasa isip ko lang nun sobrang lungkot ko talaga kasi last time ko na sya makakasama dun halos naging tambayan na talaga namin ang wof (world of fun) stress relieve na namin yung paglalaro dun. Lam nyo ba yung isda isda dun? Yun yung madalas naming laruin hehe saka yung tataya ka tapos toke mapapanalunan mo nauubusan na nga yun nang allowance kakalaro dun haha. Nag eenjoy naman kami pinakabonding time narin namin un pag nsa mall. So yun balik tayo sa kwento, tinititigan ko lang sya habang naglalaro. Nakakalungkot kasi eto na talaga yun. Tapos bumaba na kami sa grocery bumili ako nang babaunin ko pati gamot, tapos may nakita nanaman kaming nakasale na chocolates alam nya kasing muka akong chocolates haha. Binili nya yun para sakin pabaon nya daw sakin. Masaya ako sobra kasi kahit na wala narin syang hawak binili nya parin yun para sakin. After nun umuwi na kami nag ayos nang gamit. Nung di na kaya nagpahinga na kami hapon pa naman flight ko eh so may time pa sa umaga pati rin kasi yung buong kwarto inayos narin namin ksi uuwi narin sya mag fifinals narin naman kasi sila so la na klase exams nalang pede na sya maguwian. Nagpahinga na kami dina sya nagpahilot nasnay na kasi un pampatulog nya na yung massage ko hirap nga kasi sya matulog pero that night dina sya nagpahilot alam nya naman kasi pagod na pagod narin ako sabi nya pa ay kung kelan last night na dina ko makakapagpahilot hehe. Pero niyakap nya nalang ako at nagsimula na akong umiyak. Umiyak ako nang ilang minuto pati sya umiyak narin kasi nga aalis na ako pagkabukas pero sinubukan naming maging matatag tumigil na kami sa pag iyak at nag usap nang maayos sabi nya "magpakatatag tayo ha, kaya natin ulit to"
ako umiiyak lang "pag nag away tayo nang magkalayo na tayo palamigin mo lang ulo ko pero wag mo hahayaan na bumitaw talaga ako" at umoO naman ako at sinabi kong I love you hintayin mo ko ha magkakasama rin ulit tayo. Sabi nya oo, tapos para mapatawa nya ko kahit konti sabi nya di kita hihiwalayan basta promise mo pag andun kana sa abroad papadalhan mo ko nang allowance ha? saka cp haha. At yun natawa na ko. Sabi ko oo na haha. Tapos natulog na kami.Eto na. Eto na talaga. Gising kami tapos breakfast nagmamadali na kasi may mga dipa kami natapos iempake na gamit nya. Ihahatid nya pa ko sa airport tapos uwi nain sya sakanila. 4:50 pm yung flight ko paManila. So yun nag ayos na kami ulit nung mga bandang 1:30 na naligo na kami, nagsabay na kami haha malelate na ko eh. Hoy ligo lang talaga ginawa namin haha kayo ha. Pero nalulungkot nako nang sobra nun parang gusto ko patigilin yung oras naiiyak nnaman ako pero pinigilan ko ayaw nya kasing puro nalang kami iyak sa nga natitirang oras namin. Tapos yun na nag ayos at nagbihis na kami. Before lumabas nang apartment we kissed at hinug ko sya nang mahigpit for the last time naiyak nanaman ako naghug lang kami tpos pinapatahan nya ko then umalis na kami.Deretso na kami SM dun kasi skayan papunta airport hanggang dun nya nalang ako mahahatid kasi short nadin allowance nya. Naglalakad na kami papasok nang SM, nsa isip ko la na kami time magpicture for the last time. Kaya ang ginawa ko pinauna ko sya maglakad di nya alam pinicturean ko sya nang nakatalikod sya habang naglalakad tapos un na sumabay na ko nang pglalakad. Dun nadin kami kumain sa Mcdo mejo madami tao nagmamadali ndin kami kumain kasi malelate nako after kumain ayun na hinatid nya nako sa van papunta sa airport the we said goodbyes gusto ko syang yakapin at halikan for the last time pero di namin magawa kasi di naman kami nag PPDA. Tapos sumakay narin sya nang jeep tiningnan ko p sya tapos inayos ko na yung pag uunli ko sa sim ko para may pantxt ako sakanya kung nsan na ko. After ko maayos tiningnan ko ulit yung jeep na sinakyan nya, nakaalis na pala nalungkot ako nang sobra. Dun na nag sink in sakin na huling beses na pala talaga yun. Pero nag woworry nadin ako kasi malelate nako bumaba ako nang van kasi dipa rin puno need ko na makarating nang airport kahit by 4:15 pm nagtaxi nalang ako pero mejo mahaba ung pila pero un na ung pinakamabilis na way para makarating ako so yun nag taxi nako. Tinext ko nalang sya na nagtaxi na ko. Tapos un nakarating na ko nang airport dali dali ako pumasok kasi nga mag boboarding time na. Kala ko late ako buti hindi bwisit nga eh kasi nagmadali pako delayed naman pala yung plane na sasakyan ko. So mga 1 hour pa ko naghintay sa airport habang nandun ako dun na nag sink in lahat lahat sakin, wala akong pakealam kung may nakakakita sakin umiiyak talaga ako dun tapos katxt ko sya sabi ko "gusto kong bumalik gusto kong pumunta kung nsan ka man ngayon" 😭 paulit ulit ko yan sinabi skanya. Umiyak ako nang umiyak halos mamugto na mata ko. Tapos sabi nya tawag ako, tnanong nya ano oras na alis ko tapos un pinipigilan ko na umiyak pero humihikbi parin ako habang kausap sya. Sabi nya kainin mo yang baon mo , mag ingat ka sa byahe kalma lang sya habang kinakausap ako. Tapos nag end na yung call namin kasi malapit na sya bumaba. Naiiyak parin ako gusto ko sya puntahan gustong gusto pero hindi na pwede. 😭
Then oras na nang boarding nakasakay nako sa plane nag ayos lang ako nang gamit ko tpos umupo na nakinig nalang ako nang music wala nako sa mood. Pinakinggan ko nalang yung themesong namin Ikaw at ako ni Tj Monterde. Mejo natagalan pa bago umalis yung airplane nagsisimula nanaman mabuo ang luha sa mata ko chinat ko sya naiiyak nnaman ako mejo busy na sya ulit pagdating nya sa bahay nila eh pero inuupdate nya padin ako. Paulit ulit nya sinasabi na mag ingat ako. Iyak ako nang iyak sa plane wala ako pakelam sa katabi ko kung makita nya pero pinupunasan ko lamg luha ko. Ang sakit, ang hirap malayo sakanya ulit.
Hanggang sa lumipad na ang eroplano sinubukan ko nalang mtulog after an hour nakalapag na kami sa Manila. Nagmamadali na ko bumaba kasi gabi na ko makakrating ang layo pa nang Batangas. Tinawagan ko sya para iupdate na nkababa na ko nang plane.Dali dali akong lumabas at naghintay nang jeep papuntang MRT.
Fastforward..
Sakay nako nang bus papuntang Batangas nang magtext sya nang sobrang haba dina dya busy non, nakahiga nalang sya. Dun pa lang nag sink in skanya ang lahat.
Sabi nya "Iloveyou bok
Imissyou so much
nalulungkot kasi alam kong d kita makikita at makakasama
anlaking adjustment ngayong araw palang
tinitignan ko lang mga pics mo dito sa phone ko
gusto kitang bawain dyan kasi alam ko na mahihirapan ka ng makabalik dito
kung pde lang ibalik yung oras wala akong magawa ngayon kundi umiyak lalo't naaalala kita dito sa kwarto ko
ngayon pa lang ramdam ko na
sobrang namimiss na kita at gustong gusto kitang yakapin ngayon
kapag naaalala yung mga places na pinupuntahan natin lalo akong malulungkot
TANGINA TALAGA SOBRANG MISS KITA NGAYON gusto ko ng hug mo bok. Hihintayin kitang bumalik dito.
At yun boom pagkabasa ko nito tumulo nanaman luha ko ang sakit sakit wala akong magawa. Miss na miss ko narin sya kagad. Tinawagan nya ko nag iiyakan kami, ang sakit marinig sa kabilamg linya na umiiyak sya sa sobrang pagkamiss nya sakin. Dun ko lamg ulit naramdaman na mahal na mahal nya parin pala talaga ako. Iyak ako nang iyak sa bus habang kausap sya tapos binaba ko na sabi ko matutulog muna ako. At yun nagpahinga muna ako. Hanggang sa nakarating nako samin ala una na nang umaga nakitulog nalang kami ni mama kina tita kasi malayo pa amin. Nag goodnight nako sakanya alam ko hirap sya matulog kasi ngayon nalang ulit kami nagkalayo. Ang hirap sobra.Lalo na nung mga sumunod na araw 2 weeks din siguro akong araw araw umiiyak kasi miss na miss ko sya nasanay na kasi ako na sya ang una at huli kong nkikita pagkagising ko at bago matulog ang hirap mag adjust.
Ngayon puro text,call at chat nalang way of communication namin pero ang hirap lagi rin syang busy dun. Kaya mejo nakakatampo pero iniintindi ko na lang kesa mag away kami e magkalayo na nga kami.
Lumipas ang mga araw nakakalungkot parin talaga dipa rin ako masanay na di ko sya nakikita, tanging internet at kdrama ang nasandigan ko para di ako msyadong malungkot.
Sa ngayon nag start na yung summer classes nya ako naman naghanap na muna nang work dto samin pansamantala, naipasa ko na ung exam naghihintay nalang ako nang email mula sa employer.Hanggang dito nalang muna. Habang sinusulat ko tong story na to naiiyak ako naaalala ko nnaman sya. 😢
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind (GxG) True Story
Short StoryHi there :) girl to girl love story po ito so kung di po kayo comfortable magbasa nang ganitong genre look for another story nalang po :) thank you.