Intro: Hi :) napagpasyahan kong dagdagan pa to nang isang chapter. Dito ko naman ikekwento kung pano yung pang araw araw namin na buhay. :) sana may magbasa pa nito. Kung mkainspire man eh di masaya :)
Sabi nya kasi bat diko daw ikwento rin yun. Napag isip isip ko bakit nga ba hindi. Kaya eto na. Diko na to naedit sotry sa typos :) Para sayo to babe ko icg2215 :) eto yung ginagawa ko habang otw ka pauwi sainyo nang biglaan kasi dumating si papa mo, na sabi ko la ako ginagawa. Nalulungkot kasi ako dito.
-------------------------------------------------Well magkasama kami sa apartment,dahil nga estudyante pa sya at ako ay working na ganito ung routine :) aga kasi yung duty ko 7am gising ako lagi nang 5am to prepare magluluto pa kasi magpaplantsa at kakain syempre kelangan nang lakas sa work :) pag nagluluto ako dinadamay ko n sya kasi tamad yan magluto para sakanya talaga yung mga tipong kung wla ako dto sa school na yan kakain.
Pagkakagising ko I never fail to hug or kiss or mas madalas both then I'll say I love you kahit ang reply nya lang ay hmmmnn or hahawak lang sya sa kamay ko or ihuhug nya rin ako or kung naaalimpungatan sya nag iiloveyou back sya and kiss rin before I go downstairs to prepare for work :) sya naman sa kwarto parin kasi antok pa sya late na kasi kami natutulog palagi kasi hirap sya matulog pag gabi. Nocturnal sya na tao haha. Ako naman kahit antok na antok na ko kelangan ko syang sabayan kasi un nalang un time namin sa isa't isa eh ksi maghapon ako sa work.
Minsan nga mag aaya yan manood kami nang movie sa laptop nya bago palang kme magsimula nyan sasabihin nya na 'wag mo ko tutulugan be ha magtatampo talaga ako' hahaha ako naman takot kasi lam nyo bang ang hiraappppp nya suyuin pag nagalit hahah pero mahal ko eh :) kaya kahit antok na antok na pinipilit kong imulat ang chinita kong mata haha kasi kung hindi aabutin nanaman ako nang siyam siyam sa pagsuyo sakanya. Pero minsan talaga diko kaya kaya npapapikit ako syempre pagod rin sa work tpos sa umaga aga ko pa kelangan gumising. Naiintindihan nya naman yun pero dpa rin nya maiwasan magtampo kasi nga naman maghapon rin naman kami di magkasama.Nung unang month ko dito hirap ako magadjust kasi lam nyo un iba ung language. Tagalog kasi ako dito ilonggo hehe. Lalo na nung nag aapply palang ako dito ay nako laking pagsubok kasi paonti onti palang naman sa language nila yun ntututunan ko buti nalang sinasamahan nya ko lagi sa mga apply ko umaabsent pa sya sa classes nya nun para masamahan ako at maalalayan pag dko naintindihan yun sinasabi sakin,atleast ngayon kahit papano okay na, di man ako makapgsalita nang deretso nang hiligaynon atleast nkakaintindi kelangan sa work ko kasi syempre mga pasyente dito Ilonggo :) Sakanya pa nga ko humiram nang mga gagamitin sa interview na dress eh haha or sa barkada nya na kilala rin naman ako.
7am-3pm yung duty ko off lang nang thurs and fri, siya naman TTH nya 7am- 7pm class nya tapos MW nya okay lang di maaga class, friday la sya class kaya un na yung pinakabonding day namin or date kung lalabas kami. Kada malapit na ko umuwi nako nagmamadali na ko nyan eksakto 3pm alis na ko haha. Tapos bibilhan ko pa sya nang kahit anong pasalubong :) kasi nga po tamad sya magluto pag lunch kasi di na naabot yung niluto ko nang umaga kadalasan ayaw nya na magluto sa tanghali sa school nlang sya kumakain or hhntyin nalang nya ko umuwi. Gustong gusto ko naman na inaasikaso sya eh. Every sat naman sya umuuwi sakanila then balik naman pagkaSunday afternoon meron din naman time na di sya nauwi kasi may kelangan sila puntahan sa school etc.
Pero lam nyo yun oa na kung oa pero kahit isang gabi lang yun na diko sya makakatabi matulog naiiyak talaga ako everytime na uuwi sya kahit na 7 months na na ganun yung routine namin ganun parin e nbawas nabawasan na nga lang nang onti pag iyak ko pag umuuwi sya pero sad parin :(
Yun yung mahirap na part dun eh. Di kasi kami legal sakanila pero sa tingin nya kung aamin naman sya matatanggap naman sya kasi open minded naman family nya. Friends nya lang nakakaalam bout samin ska un isa nya rin pinsan n close nya.Sa part ko naman nanay ko lang nakakaalam nang tungkol samin saka close friends ko and yung isa kong cousin sa part nang papa ko.
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind (GxG) True Story
Kısa HikayeHi there :) girl to girl love story po ito so kung di po kayo comfortable magbasa nang ganitong genre look for another story nalang po :) thank you.