Avery's POV
"You were looking at me like you wanted to stay when I saw you yesterday.." pagsabay ko sa kanta.
Pero biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang maganda kong Mommy.
"Nak, handa ka na bang makita yung relatives natin and yung friends mo? After 10 years andito ka na ulit sa Ph" sabi ng Mommy ko sakin habang inaayos yung hair ko ng stylist, ang excited niya ha. Mas excited pa nga ata toh sakin eh.
"Yeah" tipid kong sagot. Actually, di ako ganun kaexcited since 6 years old palang naman ako nun. And kahit nung nasa LA ako, wala rin kaming communication ng friends ko except for my bestfriend. Di rin naman ako ganun ka close sa relatives ko, except sa mga kapatid ko at sa kaclose kong mga pinsan which is 2 lang hehe.*knock* *knock*
"Sino naman kaya yan? Bawal pa nga makita ang anak ko eh" Sabi ng mommy ko. Napairap nalang ako, welcome party toh para saakin, nakakahiya nga eh. Kahapon lang ako dumating tas eto agad, ang pa special ko naman masyado.
Pagbukas ng pinto ay tumambad ang babaeng naka off shoulders dress at nakakulot ang buhok with make up ofc..she's pretty, cute and di rin ganun ka tangkad.
"Averyyyy!!" sigaw niya at tumalon talon pa kahit nakaheels, hay parang baliw talaga to sa personal, di lang pala sa vc."Kalma lang tayo dyan ate gurl.." sabi ko habang natatawa. Namiss ko tong childhood bestfriend ko..
she's ALESSANDRA VASQUEZ, Bff ko since birth. Family friends din kami.Bestfriends ang mga tatay namin since high school kaya hanggang sa lumaki kami ay bestfriends din kami.Tumayo ako dahil tapos na din namang ayusin buhok ko at nagyakapan kami..
"Namiss kita huhu" sabi niya
"Ako din naman..dati sa video call lang tayo nagkikita..tas ngayon magkikita na din tayo palagi finally" sabi ko naman at nagmoment moment na naman kami hays. Ang tagal na kasi naming nag-antay na magkita ulit.
"Oh mamaya na yan, baka magsimula na yung party." sabi naman ni Mommy at mukhang excited. Tumango nalang kami at lumabas na ng room.Kenneth's POV
"Ken, kanina ka pa nakaupo dyan, di mo man lang binabati yung relatives natin or kahit yung mga friends mo man lang" sabi ng Mommy kong si Lara Xzilandvorn. Di ko nalang siya sinagot at nagpatuloy ulit sa paggamit ng phone ko. I hate parties, di ako anti social pero pag wala ako sa mood, wala.
Welcome party daw kasi ngayon ng pinsan kong si Avery Jade X. James.Matagal na kaming di nagkita kaya I am looking forward for her return here."Kuya, tawag ka nila kuya Chester" sabi naman ng kapatid kong si Elisse Lauren Xzilandvorn.
"Bakit?"
"Ewan ko sakanila, puntahan mo nalang sila dun sa kabilang table" sabi niya at nagkibit-balikat lang.
"K"Lumakad ako papunta sa table nina Chester, kapatid siya ni Avery, sila ni Derick.
"Oh mehn! Andyan ka pala" pang aasar ni Chester. Madalas akong asarin ng mga pinsan ko dahil sa katahimikan ko, sanay na ko sakanila.
"Lul" sagot ko naman.
"Daming chix dito mehn" sabi naman ni Dexter, pinsan din namin yan.Chix? Eh halos kamag-anak namin ang nandito, family friends na kilala ko yung iba and yung ibang unknown people. I don't care.
"Chix ka dyan? Eh halos lahat schoolmates natin. Tch, no thrill." sabi ni Andrew.
"Hoy may mga taga-ibang schools mehn! Malayo nga lang sa atin. Bulag ka talaga." sabi ni Dexter. Di nalang siya pinansin ni Andrew. Wala akong schoolmate dito, that's good.
"Onga pero hinihintay ko talaga yung paglabas ni Avery eh" sabi naman ni Chase na isa din sa mga pinsan namin. We all looked at him, tch.
"Hoy baka nakakalimutan mong magpinsan kayo nun" sabi naman ni Chester.
"Hala sinasamaan ka ng tingin ng kuya oh" pang aasar ni Andrew. He's talking about Derick.Just like me, he's so done with these guys.
"Luh naaattract lang naman eh..di na sige sorry na" sabi naman ni Chase at tinaas pa ang dalawang kamay bilang sign ng surrender.
"Pero dami talagang chix" sabi ni Dexter sabay kindat sa kapatid kong papunta sa table na toh.
"Aba kuya Dexter kanina ka pa ah. Ew kala mo ba ang gwapo mo" pang aasar ni Elisse. Napangiti nalang ako, that's my sister.
"Mana ka talaga sa kuya mo" sabi naman ni Dexter at nag-cross arms. Kid.
"Kuya balik na tayo sa table natin.." bulong ni Elisse sakin
"Okay na ko dito" sagot ko
"Ehh, sige na please? Wala akong makausap dun. " sabi niya at hinila ang braso ko.
"Pasama ka kina Precious.." Precious Alonzo, one of our cousins and one of the 'silent' type in this family.
"Alam mo namang wala akong kaclose na relatives natin bukod kay ate Avery" sabi niya kaya wala akong choice kundi tumayo at sumama sakanya. Hays bait kong kuyaz
