AN: Sana po magustuhan ninyo ito.. first attemp so pagpasensyahan nyo na po ang aking mga pagkakamali or kung may hindi man kayo nagustuhan.. Anyway yung picture sa side ay si Kris and broken hearted next chapte post ko ang picture ng other cast.. Enjoy reading..
=================================PROLOGUE================================
"Trick or treat po!"
Nilakihan ni Kris ang kagat sa chocolate bar na nilalantakan nya nang marining nya ang sigaw ng mga bata mula sa labas ng bahay nila. Pagbukas nya ng gate ay bigla syang sumigaw ng nang malaks dahilan para mapasigaw rin sa gulat ang mga bata.
"Kris!"
Napa-aray nalang sya ng paluin sya ng kanyang ina.
"Bakit tinakot mo yong mga bata?" sita nito sa kanya.
Hinimas-himas nya ang nasaktang braso."Bakit, ma? Halloween naman, ah"
Namaywang ito. "Ang sabihin mo, nagkakaganyan ka dahil nagbreak kayo ng boyfriend mo." Dumako ang tingin nito sa hawak niyang tsokolate at sa paligid kung saan nagkalat ang balat ng mga tsokolateng kinain nya. Malakas na bumuntong hininga ito. "Ano pa ibibigay ko sa mga batang pupunta rito mamayang gabi, eh, inubos mo na ang mga tsokolate?"
"Tatakutin ko nalang ulit ang mga bubwit na yun." Napaigtad siya ng kurutin siya nito sa tagiliran.
"Aray naman, ma!"
"Dapat lang sayo yan. Por que bigo ka sa pag-ibig, pati yung kaligayahan ng mga bata, idadamay mo. Beinte anyos ka na, isip-bata ka pa rin. Hala, bumili ka ng tsokolate ngayon."
"Ayoko--" pinandilatan siya nito. Pumihit siya at naglakad palabas ng bakuran nila. "Asar naman, eh!"
At dahil badtrip sya nang hapon na iyon, tinatakot nya ang mga batang nakakasalubong niya. Halloween Party ng kanilang subdivision kaya halos lahat ng nakakasalubong nya ay naka costume. Galante kasing magpapremyo ang mga homeowners' president kaya maging sya ay naka costume din.
She was wearing a simple white tube dress with blood stains on it. Hinayaan niyang nakasabog ang mahaba at itim nyang buhok. Nagpolbo sya ng makapal at viola! Isa na syang white lady. Pero sana pal nag-a la Frankenstein na lang sya. Masamang masama ang loob nya kaya gusto niyang mandamay ng ibang tao sa pamamagitan ng pananakot.
Kahihiwalay lang nila ni Marc. Best friend nya ito pero dahil sa isang pustahan ay napilitan silang maging magkasintahan. Inudyukan sila ng mga kaibigan nilang subukan maging magkasintahan sa loob ng isang linggo. Masayang-masaya na sana siya dahil natapos ang linggong iyon nang hindi nila napag-uusapan ang paghihiwalay. They acted like a real couple for a month without him knowing that she was really in love with him.
Pero nitong huling isang lingo, napansin niyang nananamlay ito sa relasyon nila at tahimik na lang ito kapag kasama siya. Naisip niyang daanin sa biro ang katanungang bumabagabag sa kanya.
"Hoy, Marc, ayaw mo na bang gawin ang dare?"
"Pano kung ayaw ko na?"
Nang oras na iyon, alam na nyang hindi na ito masaya sa relasyon nila. At dahil ito ang pinakamamahal nyang bestfriend, pinalaya nya ito ng hindi niya ipinapakitang nasasaktan siya. Alam kasi niyang masasaktan din ito kapag nalaman nito ang tunay niyang nararamdaman. So she cheerfully broke up with him.
Sinipa niya ang batong nakaharang sa harap niya nang napadaan sya sa playground ng subdivision nila. Paglagpas niyon ay convenience store na pupuntahan niya.
Tumingala sya sa madilim nang kalangitan. "Ayokong maging bestfriend mo habang buhay! Naman, eh! See me as woman, Marc! Nya--a!"Hinihingal siya pagkatapos niyang sumigaw nang malakas. Mabuti nalang at nag-iisa lang siya roon. Kahit paano ay nakahinga sya ng maluwag. Paalis na sya nang mahagip ng tingin nya ang isang lalaking nakaupo sa swing. He was wearing a white long sleeve polo, and he was holding a knife? Saka bakit parang nakatapat ang dulo ng kutsilyong iyon sa dibdib nito?
BINABASA MO ANG
Loving my Love Doctor
RomanceNasa gitna ng isang madugong love triangle si Kris. Bumalik ang ex-girlfriend ng current boyfriend niya. At ang walanghiyang lalaki, hindi makapagdesisyon kung sino ang pipiliin! Isa lang ang naisip niyang takbuhan upang hingan ng advice--si James...