Chapter 2: he likes me, he likes me not?

58 1 0
                                    

***Kris POV***

"Wow! iba to ah." komento ni kris nang makapasok sila sa restaurant na kakainan daw nila.

Nagtext ito kanina. Kung hindi raw siya busy ililibre siya nito ng dinner. Tiyempo namang hanggang 4 pm lang ang school na pag-aari niya. Nagmamay-ari sya ng school for special needs para sa mga special kids..

Agad siya nagreply kay Marc na libreng-libre siya para ilibre nito. Kaya kanina dinaanan sya nito sa school. Ang inaasahan nya ay malayong restaurant dahil na rin sa status nito sa buhay dahil bilang isang sikat na modelo kailangan lagi nito magtago. Sa isang kainan na parang lumamng bahay na bato ang pinagdalhan nito sa kanya. Sa palagay niya ay mas bagay para sa isang romantic dinner ang lugar na pinuntahan nila. Kaya nga nagkomento agad siya na kakaiba ito.

"You like it?" tanong nito.

"Like na like," sagot niya. "Pero bakit dito?"

"Nakapunta na kasi ako dito dati. Konti lang ang tao at safe ang kaguwapuhan ko. And naisip ko na pag nakita mo ito magugustuhan mo ito sigurado."

Napangiti naman sya sa sinabi nito. MUkhan natandaan nito na hilig niya ang bahay na luma na katulad nun. Na-touch sya na naalala nito iyon at nag-exert ito ng effort na dalhin siya roon.

"Naku naman im touched."biro niya.

"Well its the least i can do after all the things youve done for me. Ang laki naman talaga ng naitulong mo sa akin."anito sa kanya

"Anu ka ba friends tayo diba? And friendship help each other,"sabi niya. Pero sa kabila ng sinabi niya nakaramdam sya ng kakaibang tuwa. What he did seemed push their friendship to another level. Pwedeng over reacting lang siya pero ganun talaga ang pakiramdam niya. He's starting to see the right person for him..

"Pagbigyan mo na ko sa kagustuhan kong magpasalamat sayo,."anito.

"Oh sure ako pa."wika niya.

The place is really great and the food was delicious. Kombinasyon ng filipino and spanish dishes ang inihanda ng restaurant, bagay na bagay sa ambience ng lugar.

Tila bagay din na si Marc ang kasama niya roon.

How yummy.

"Does this mean okay kana?As in naka recover kana?" mabuti nalang at nagawa niyang kaswal ang tinig niya kahit pakiramdam niya ay medyo kinakapos siya ng hininga.

"Im well on my way there,"sagot nito.

"Mabuti naman pala. Sayang ka naman kung magmumukmuk ka.I meant it when i said some other woman would jump at the chance to have you as her boyfriend." nakayukong sabi niya.Isa na ako roon.Dagdag niya sa isip niya.

Nang humaba ang katahimikan sa pagitan nila ay saka lang niya natukoy kung ano ang nasabi niya. May posibilidad na mabigyan nito iyon ng ibang pakahulugan.

"Tumingin ka sa paligid. Hayun si chika babe number one. Mukhang kinikilatis ka. And over there, theres chika babes number two. Pasimple lang siya pero naduduling na siya sa pagkukunwaring pagtingin sa painting na nasa likuran natin gayong ikaw naman talaga ang binibistahan niya." agad na bawi niya.

"Im not looking for other woman,"sabi naman nito.

Pakiramdam niya sandaling tumigil ang pag-inog ng mundo niya.What on earth did he mean by that? Sa tama pa naman ng liwanag na nagmumula sa ilawang mistulang lampara na nasa harap nila ay tila may naaninag siyang kakaibang igting sa anyo nito habang nakatingin ito sa kanya. Dahil doon ay bumilis kaysa sa normal ang tibok ng puso niya.

Then he reached for her hand across the table.Muntik na siyang mapatili nang maramdaman niya ang init na lumukob sa kamay niya. Parang may kuryente ang palad nito.

"Sa ngayon ay mas maganda ipahinga ko muna siguro ang puso ko," sabi nito.

Ah, Ganon naman pala eh. Napaka feelingera ko naman kasi.Napanatag pero tila medyo na-disapoint din ang kalooban niyang natinag sa maling pakahulugan niya sa sinabi nito.

"Thats good idea. At sa susunod, dapat siguro kaliskisan mo munang mabuti ang babaeng pag-iinteresan uli ng puso mo at ng hindi ka nagkakaganyan.."

"Oo nga eh. Hayaan mo next time ay pipiliin ko mabuti ang magiging girlfriend ko. Dapat ay iyong garantisadong di ako iiwan."

Ako di kita iiwan never kita iniwan kahit ano mangyari nasa tabi mo lang ako.

****Marc POV***

Hindi binanggit ni Marc kay Kris na si Trixy ang huling babaeng isinama niya sa restaurant na iyon. Kaya niya dinala roon si Kris ay para i-exorise ang mga hindi magagandang alaala. He was hell-bent on moving on. Aminado siyang may pagkakataong nalulungkot at nadedepress pa rin sya, pero tanggap na niya na bahagi lang iyon ng proseso ng paghilom ng sugat.

Kris helped him a lot with that. Totoo rin ang sinabi niya kanina na noong una siyang pumunta sa kainang iyon ay naisip niya na tiyak na matutuwa ito kapag nakita nito iyon. Alam niyang mahilig ito sa mga bahay na bato.At ayon sa kwento ng may-ari ng restaurant na nakausap niya noon, ancestral house ng angkan nito ang bahay na iyon. Ibig sabihin. original na bahay na bato iyon.

 Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay isinama na niya si Kris doon. Nakakatuwa ang reaksiyon nito. Mukhang aliw na aliw nga ito. Naging napakapasensyosa nito sa kanya nitong nagdaang mga linggo. Aminado siya na naging bugnutin  siya at mahirap kausap. Ang mga kaibigan niya lalaki ay nangingilag sa kanya. Pero si Kris ay pinagtiyagaan syang kulit kulitin para mapilitan siyang maging bahagi uli ng mundo ng mga buhay. Kaya ngayon na kahit papano ay naka bango na sya ay karapat dapat lang na ilibre niya ito ng kahit hapunan man lang. Dinamayan din naman niya ito noong ito ang depressed pero di hamak na mas marami ang pagpapasensya ang ginawa nito kaysa noong siya ang tumutulong dito na naka move on.

Napatitig sya kay Kris ngayon lang niya napagtanto na ang ganda pala ng kaibigan niya. Nakapagtatakang hindi man lang niya napansin noon iyon. Maybe it has something to do with the lighting of the restaurant. Bagay ito sa lugar na iyon. The soft lighting softened her features, making her look sweet and delicate.

Sweet and delicate? Muntik na sya mapabunghalit ng tawa. Malayo roon si Kris. Kaya nga nito patupiin ang maton ng tondo kapag nagtaray ito. Kaya natiyak niyang dahil lang sa lighting ng restaurant kaya nagmistula itong sweet and delicate sa paningin niya.

"Dessert?" tanong niya rito bago pa kung ano ang maging tingin niya rito.

"Uhm, sige ano bang meron dito?"

Napangiti siya. Iyon ang isa pang gusto niya rito. Lagi itong game. Hindi ito nag-iinarte at wala iyong kiyeme..

"Kris you make me happy. I like you very much. Even way before, I was already attracted to you. Can we try it again? Can you help me totaly forget her?"

"Marc.."

"Kris will you go out with me?"

Tango lang ang naisagot nito..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving my Love DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon