chapter 1: Helping him to move on

70 0 0
                                    

AN: ok heto na ang start ng story ni Kris. Sana magustuhan nyo po ang story ko.. by the way the picture on the side is Marc ang emoterong brokenhearted na sikretong minamahal ni Kris..

=========================================================================

"Hay naku, ano na naman bang drama yan?" Nakasimangot na sinubukan abutin ni Kris ang bote ng beer na hawak ni Marc. Hindi nga lang siya nagtagumpay dahil iniiwas nito iyon.

Kanina ay nag-text sa kanya ang mommy nito na si Tita Celine. Baka raw pwede niyang silipin ang binata dahil tila nagmumukmok na naman daw ito.Ulirang kaibigan ang papel niya sa buhay ni Marc kaya agad siyang pumayag. Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay nadatnan niyang nasa balkon ang lalaki sa ikalawang palapag ng bahay. Sa harap nito ang ay may tatlong bote ng beer na wala ng laman. Napangalahati na nito ang pang-apat.

"Uy, nandito ka pala,"anito. Nagsesenti nga yata ito dahil hayun at hindi man lang nito napansin ang pagdating niya.

"Wala ako rito. Guniguni mo lang ako." Inismiran niya ito. "At bakit nagdadrama-drama ka na naman dyan, aber? Maayos ka na noong huling nagkita tayo ah."

Totoo ang sinabi niya. The last time they saw each other, he was starting to look good again. Hindi na ito nangangalumata at nagkakulay na ang mga labi nito na dati ay parang binabad sa suka. Side effect ang mga iyon sa pagluluksa ng puso nitong sawi.

Trixy--his girlfriend of almost three years--broke up with him so suddenly over a month ago. Ang dahilang binigay nito ay gusto lang nitong sandaling makalaya, makahinga. Gusto raw nito ng space. Pero ang hinala diumano ni Marc ay may nakita si Trixy na mas natipuhan nito kaysa rito, tuloy ay dobleng dagok ang tinamo nito. Nawalan ito ng nobya, nasaktan pa ang ego nito.

"May guniguni bang makulit?" ganti nito. "And FYI, hindi ako nagdadrama."

"Hindi ka pala nagdadrama, eh ano iyan?" inginuso niya ang kamay nitong may hawak na bote.

"Oh this? I was just feeling melancholy."

"Melancholy? Ang arte mo!" Pabagsak na umupo siya sa tabi nito."Ano ba ang problema?

 Walang problema."nakangiting bumaling ito sa kanya.

Sa itinagal-tagal ng pagkakakilala nila ay kabisado na niya ang likaw ng bituka nito."Ba't pati ako, eh, kailangan mo paglihiman? Friends tayo, diba?"aniya.

Humugot ito ng malalim na hininga.

"What happened ba? Napanood mo na naman si Trixy?"

Tumango ito.

"Namimiss mo sya?"

Tumango na naman ito.

"Ugok!" Binatukan niya ito.

"Aray!" reklamo nito, saka hinimas pa ang bahaging nasapol niya."Akala ko ba, dumaramay ka? Binubugbog mo lang ako eh."

"Dahil karapat dapat kang bugbugin. Pasalamat ka nga, malayo tayo sa pader. Dahil kung malapit lang tayo ay baka inuntog ko na ang ulo mo roon."

"Ang lupit mo naman. Akala ko pa naman, kaibigan kita."

"Kaibigan mo nga ako kaya hindi ako mangingiming sabihin sayo na ang arte mo na, ang tanga mo pa."

"Outch naman talaga,"angal nito.

"Kung hindi ka ba naman tanga, ka-emote-emote ba ang isang babaeng kagaya ni Trixy? Ipinagpalit ka nya sa career nya as far as im concerned, that's her loss, not yours, Iyang guwapo't macho mong yan, pinakawalan pa niya? Aba, total loss iyon para sa kanya, diba?

Loving my Love DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon