Pimples

10 1 0
                                    


Paikot-ikot si Dang sakanyang higaan, hindi mapakali habang sapo-sapo ang kanyang mukha. Alas dos na ng madaling araw tulog na ang boardmate niya at siya na lang ang natitirang gising, hindi siya makatulog kahit ipikit niya ang mata niya. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip may pagsusulit pa sila bukas at hindi pa siya nakakapagreview. Masyado ng naghahalo halo ang emosyon niya sumasabay pa ang magulo niyang utak.

*toot* *toot*

Napatingin siya sa cellphone na nasa tabi lang niya, nanginginig na kinuha niya ito at tinignan.

Fb notifications:

Jake Castillo and 10 others commented on your profile picture.

"Anong mukha yan? Pinipig?"

"Waw Marlou na marlou ah."

"Tanggalang yan kadiri!"

Napaiyak na lamang siya sa mga komentong nababasa niya, hindi na niya matanggap ang sarili niya, nagsisi siyang ba't pa siya nagpalit ng display photo alam naman niyang puro kapintasan ang sarili niya. Naghahalo halo na ang emosyon niya. Naiinis, nagagalit, nalulungkot, naiistress at kung ano pa.

Tumayo siya sa higaan at pumunta sa cr. Pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin, hinawakan ang mukhang lubak-lubak. Puno ng tigwayat na malalaki at kung mamalasin pa'y tinubuan pa siya ng mga pigsa sa mukha. Ang ilan pa dito'y nagnanana. Napangiwi na lamang siya ng mapagtantong may lakas pa siya ng loob na pumasok. Nakakakilabot na nakakadiri ang itsura niya.

"Tsk" Dali daling kinuha niya ang blade na nakita niya sa lalagyan ng mga gamit at tinignan ang talim nito. Agad niyang pinadaan ang talim nito sa palad niya at ng makitang mabilis na nahiwa ito may pumasok sa isip niya.

"Baka makatulong 'tong mawala ang mga peste sa mukha ko." Habang tinitignan ang duguan palad.

Mabilis niyang pinadaan sa mukha ang talim ng blade, kitang-kita sa salamin kung paano magsisiritan ang mga dugo sa mukha, ultimo nana sa pigsa'y  'di nakalagpas.

-Wakas-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random Thoughts Where stories live. Discover now