third person's point of view
"nandito nga kami sa café, nakaupo kami malapit sa may pinto." sabi ni barbara sa kausap niya sa telepono at binaba na ito.
"bakit sinasabi niyang poser ka? ibang picture ba ang sinend mo sa kanya, b?" tanong naman ni barbara sa babaeng nakaupo sa harapan niya.
"i don't know, barbara. isesend ko sayo ang conversation namin para makita mo." sabay ngiti nito.
nang mareceive na ni barbara ang message ni [y/n] napakunot siya ng noo, "teka, ikaw naman ito eh. bakit ganun nalang siya makareact? kung papipiliin ako kung sinong mas weird sainyo, sa lagay na to, siguro siya." sabay tawa niya ng bahagya kaya napatawa din ang kasama niyang babae.
nagtatawanan lang sila na parang mga normal na tao nang biglang may magsalita sa harap nila. "barbara." nakatalikod sa kanya si [y/n] kaya hindi pa nito nakikita ang mukha niya pero kitang kita niya ang buhok niyang kulot na kulot.
"zild!" nang sabihin ito ni barbara unti unting napatingin sa likod niya si [y/n] at nakita niya ang maamong mukha ni zild.
nagulat si zild kaya hindi siya nakagalaw sa kanyang pwesto dahil sa nakita niya, tama nga sila, she's not a poser. pero bakit sobrang kamukha niya?
"hello zild, i'm so happy to meet you. mas gwapo ka pala sa personal." sabay ngiti nito nang makaupo sa tabi niya si zild.
hanggang ngayon hindi parin maalis ang tingin niya kay [y/n]. "may problema ba, zild?"
"h-hindi ka nga poser. i'm sorry, m-mali ako." uutal utal na sabi ni zild pero sinuklian lang siya ni [y/n] ng matamis na ngiti.
"i'm so glad na nakita na kita, hindi kana din galit sa akin. may mas sasaya pa ba sa araw na to?" sabi ni [y/n] habang nakangiti.
dumating na ang order nilang kape pero nagtaka si zild kung bakit dalawa lang ang kape, "sorry, akala ko pinag order niyo na ako. i guess, you're still mad at me." sabi ni zild at akmang tatayo na pero pinigilan siya ni barbara.
"sayo yung isa, tag isa tayo dyan." napakunot naman ng noo si zild sa sinabe ni barbara.
"paano si [y/n]?" umiling naman si [y/n] nang marinig ang pangalan niya. "ibibili na kita."
hinawakan ni [y/n] ang kamay ni zild dahilan para mapatigil ito sa pagtayo. "i'm okay. hindi ako pwedeng uminom ng kape, masisira ako." sabay ngiti niya.
"huh, sira?" pagtataka ni zild.
"a-ah mahilig kasi si [y/n] sa juice, hindi siya nagkakape. yun ang ibig sabihin niya." tumango tango naman si zild sa sinabi ni barbara.
patapos na sila sa kanilang inumin ng biglang bumulong si [y/n] kay barbara. "ha? omg! tara na, tara!" panic ni barbara ng marinig niya ang sinabi ni [y/n].
"teka anong nangyayare? may problema ba? ihahatid ko na kayo, nandun lang yung kotse--"
"nako, zild wag na! emergency sorry, thank you sa time!" sabay hila ni barbara kay [y/n] palabas ng café.
bago pa makalabas ng café sila barbara, kumindat si [y/n] kay zild at tuluyan nang sumara ang dalawang mapupungay na mata ni [y/n].
ang weird niya talaga.
BINABASA MO ANG
plaything | zild benitez
Short Storyplaything ; a person treated as amusing but unimportant by someone else. started: may 12 2018 by blasthetic zild x you