473 56 6
                                    

Dear Seulgi,

Naaalala mo pa ba nung pinagluto mo ako dati nung tayong dalawa lang ang naiwan sa dorm dahil sinama nung dalawang maknae si Wendy sa mall?

Yun yung panahon na sinubukan mong ipagluto ako kahit na nagkanda-paso paso ka na at kahit na hindi ka sigurado.

Tapos sinabi ko pa sa'yo na hindi masarap ang pagkakaluto mo?

Pasensya na kung nagsinungaling ako.

Iyon ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko. Walang halong biro. Mas masarap pa nga sa niluluto ko.

At nung sinabi ko sa'yo na wag na wag mong ipagluluto ang ibang tao dahil baka sumakit lang ang tyan nila?

Ang totoo nyan, gusto ko kasi ako lang ang makakatikim ng mga niluluto mo.

Kung alam mo lang.

Love,
Joohyun.

Ten » seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon