"Hahahaha! Budoy! Budoy!" Tukso ko sa kanya.
"Pangit! Pangit! Haha! Joke lang!" Tukso niya rin sa akin.
"Hee! Ikaw? Akala mo kung sinong gwapo" sabay taray ko sa kanya.
"Sorry na! Cute! Haha!"
"Haha! Cute ako?" Sabi ko sa kanya.
"Joke lang, ikaw talaga di mabiro! Haha!" Sabi niya sabay takbo.
Kaya hinabol ko siya dahil gusto ko siyang sapakin pero ang bilis niyang tumakbo parang kabayo lang haha! Pero akalain niyo tuwing tinutukso niya ako ay parang kinikilig ako. Di kasi kami magkalapit nun dahil kapag magkasama kami ay di mawawala ang tukso namin sa bawat isa.
Hanggang sa nag college na kami ay nandoon parin ang tukso namin. Di ko alam kung bakit sinundan parin niya akong hanggang sa nag-college. Pero di namin binibigyan ng motibo kapag tinutukso namin ang bawat isa, habol dito, habol doon,sapakan dito,sapakan doon.
Pero di nagtagal ay parang may nabubuo nang pagmamahalan, di ko alam ko ba't napapa-inlove na ako sa kanya.Iwan ko rin sa kanya kung na-inlove rin ba siya sa akin, mahirap naman kung aamin ako sa aking nararamdaman kung walang naman pala siyang feelings para sa akin diba? Para lang akong tanga na nagmamahal sa isang tao pero di ikaw ang mahal? Anshaaakit diba?
Pauwi na ako, pero di ko nakita ang lalaking palaging nagtutukso sa akin bakit kaya? Saan kaya siya nagpunta? Nakita ko siya kanina lang pero ba't nawala agad? Di kaya umuwi na siya?
Kaya umuwi nalang ako di ko na siya hinintay,bukas ko nalang siyang tatanungin ko ba't wala siya kanina.Nakarating narin ako sa bahay at pumasok agad ako sa aking kwarto para gumawa agad ng assignment para free na ako mamaya at matext ko na rin yung lalaking budoy!haha! Kinuha ko ang bag ko para kunin ang notebook ko pero may napansin akong isang papel at agad ko tong kinuha. May nakasulat pa "CATCH ME IF I FALL, your secret admirer"
Nagtaka ako kung bakit nasa bag ko ang sulat na ito, di kaya nagkamali lang siya sa paglagay nito sa aking bag? Di kaya kagagawan naman ito ni Braylon? Kaya dali-dali kong kinuha ang aking cellphone para tawagan siya!
"Hello?"
YOU ARE READING
CATCH ME IF I FALL
Подростковая литератураSiya ay napapa-Inlove sa isang lalaki na kung saan mula high school pa sila ay tinutukso na nila ang bawat isa. Hanggang sa nag-college sila ay dating gawi parin,tukso dito at tukso roon hanggang sa umaabot na nagkakadevelopan sila. Sasaluin kaya ni...