CHAPTER 1

11 0 0
                                    

"Chelsea,Anak! Gising na diyan baka mahuhuli ka sa klase.Anong oras na oh!" Sigaw ni mader sabay katok sa pinto.

Hays! Ang lakas nang boses ni mader, naalimpungatan tuloy ako! Kaya minulat ko ang aking mga mata kung mataas na ba sikat na araw, sa pagmulat ko ay nabigla ako kasi alas 7:00 am na pala. Naku! Late na talaga ako!

Dali-dali akong pumunta sa Comfort Room para manghilamos lang kasi kung maliligo pa ako ay talagang late ang bagsak ko. Kaya pinupunasan ko nalang ang mukha ko sabagay may pabango naman ako. Di ako mahalata na di naliligo kasi binasa ko ang buhok ko.

Dali-dali rin akong kumain,mga tatlong kutsara lang ayos na! At pagkatapos ko ay nag-teethbrush, tapos labas agad, para maghihintay ng tricycle medyo malayo-layo kasi ang school galing sa bahay namin. Sa di inaasahan ay napadaan itong si Braylon Budoy! Meron kasi siyang motor kaya madali lang siyang makasakay. Late na rin siya, dalawa na kami.

"Hoy! Pangit! Halika na sakay na dito, late na tayo oh!" Sabi niya sa akin.

"Wow! Pangit talaga ha? Di ba uso ang salamin sa inyo?" Taray ko sa kanya.

"Hahaha! Joke lang! Halika na, sakay na dito, mali-late tayo nito"

Kaya sumakay nalang ako sa budoy na yon, kung hindi palang ako mali-late hindi talaga ako sasakay sa kanya. Akalain mo kung sinong gwapo! Haha! Siguro di uso ang salamin sa kanila haha! Budoy ang tawag ko sa kaniya, dahil kapag tinutukso niya ako ginagaya niya si Gerald Anderson doon sa pelikulang budoy! Haha! Instead na magagalit ka, matatawa ka nalang.

"Chelsea? Hawak ka ng mahigpit ha? Lakasan ko ang pagda-drive kasi late na talaga tayo" ani niya sa akin.

Aba! Gumagawa talaga toh ng paraan si Braylon para makahawak ako sa kanyang beywang, pero bakit ako hahawak sa kanya no? Meron namang akong mahahawakan sa likod. Che di mo ko mauto Braylon! Pero nilakasan pa niya ang speed ng motor kaya napahawak ako sa kanyang beywang! Ahh! Nakakainis talaga tong Braylon nato! Mautak talaga! Naiisahan na naman niya ako.

Nakaabot na rin kami sa school at talagang kami nalang ang studyante na nasa labas, dahil classmate kami ay sabay na rin kami papasok! Pero iniwan niya ako bigla, tumakbo siya patungong classroom sabay tawa.

"Hoy! Braylon hintayin mo ko!" Sigaw ko sa kanya saba takbo.

"Bleeehhh! Haha!" Tukso niya sabay tawa.

Tumakbo ako nang malakas baka sakaling maabotan ko siya kasi nakakahiya kung ako lang ang papasok mag-isa. Sa kakatakbo ko ay bigla akong nadapa, nakakita pa tong si Braylon. Arrrgh! Nakakahiya! Siguradong tutuksuin na naman ako mamaya. Nakita ko siyang tumatawa galing sa pagkadapa ko at unti-unti akong bumabangon dahil sa sakit na aking nakuha mula sa pagkadapa ko.

Nakita ko siyang lumalapit sa akin habang tumatawa. Mamaya ka lang sa akin Braylon! Lagot ka sakin mamaya! Di mo ako tinutulungan!
Umupo muna ako sa tabi nang aming garden, sobrang sakit talaga ng tuhod ko! Gusto ko sanang umiiyak sa sakit kaso nakakhiya kasi nandiyan yong budoy na yon.

"Ano? Chelsea,nahuli mo ba?haha" tanong niya sa akin habang tumatawa.

"Che! Kung wala kang maitutulong,pumasok kana! Iwan mo muna ako!" Sabi ko sa kanya sabay taray.

"Halaka! Chelsea? May sugat ka oh?" Seryso niyang sabi.

"Eh! Ano ngayon? Wala kanang pake dyan! Umalis kana! Mali-late kana oh!"

"Di pwede, di kita iiwan,dadalhin kita sa clinic, di ko kayang iwan ka ditong mag-isa.Paano kung maano ka dyan? Wala na akong tutuksuin pa"

Natahimik ako bigla kasi akalain mo na dadalhin daw niya ako sa clinic.Ano kaya ang pumasok sa isip nitong budoy nato? Bigla-bigla pa ay binuhat niya ako patungong clinic, kaya napanganga ako kasi nakakahiya, marami ng nakakita sa ginagawa niya. "Hoy!Braylon! Bitawan mo ko,kaya ko na to" bulong ko sa kanya.

CATCH ME IF I FALLWhere stories live. Discover now