Prologue

359 15 1
                                    


Nagising nalang ako dahil sa mga huni ng mga ibon. Pagmulat ko nang aking magagandang mga mata ay tumambad sa akin ang napakagandang kagubatan. Maraming puno na may hitik na mga bunga at mga kay gagandang mga bulaklak. Andami ding mga ibon at paru-paro sa paligid

Makalipas ng ilang minuto napagpasyahan kong maglakad-lakad muna nang may naaninag akong isang tulay papunta sa kabilang gubat  na may napakalaki at napaka gandang palasyo at nasisiguro ko na nandoon at naghihintay nang aking prince charming.

Tatawid na sana ako nang makita ko kung gaano kataas ang aking kinaroroonan na yung tipong pag nahulog ka ay mabibiyak at magpipiraso ang katawan mo, tapos yung tulay na tatawidan mo ay parang luma at marupok na

"Kaya mo to april, tandaan mo nakasalalay ang love life mo dito"

Nang makakuha na akong ng lakas ng loob ay tumawid na ako at hindi tumigin sa baba

"Wag titingin, wag titingin, wag titingin... Wag titingi- waaaahhhhh!!!!!! " bigla nalang kasing humangin nang napakalakas gumalaw tuloy ung tulay, napakapit nalang ako sa tali at nagpatuloy sa paglalakad

Malapit na akong makatawid sa kabilang bahagi nang may bigla nalang akong naramdam sa mga paa ko, dahan dagan kong tinignan iyon at namutla nalang ako nang makita ko iyon isa pala itong palaka.

"P..pala-ka.... " tila kinakabahan at kinakapos ang aking hininga, dahan dahan ko iyong inalis sa paa ko

"Nice froggy wag na wag mo akong lalapitan pls... " ok alam kong weird ako mahilig ako sa mga prince charming pero ayoko sa palaka kasi sa mga fairy tales ang mga palaka pag hinalikan magiging prince sila diba pero ibang usapan to iisipin ko palang na hahalikan ko sila ay nasusuka na ako pano ba naman malamig sila madulas at nakakatakot tignan. Well kung kasing cute sana ni kerokeropi ay baka pwede pa pero yung real frogs hindi talaga kaya ng powers ko yan mga bessss!!!!

Dahan dahan akong naglakad hanggang sa naiwan na yung palaka duon buti nalang talaga magpapatuloy na sana ako nang may maramdaman nanaman ako

"Wag mong sasabihing.... " sinilip ko ang aking paa at tumambad sa akin ang mga palaka, take note hah MGA PALAKA, andami nila kanina isa lang pero ngayun 6 o 7 na sila, hindi ako makagalaw dahil nandoon silang lahat sa paa ko hanggang sa parami na sila ng parami

"San ba kayo nang gagaling mga bwiset na palaka kayo!!!! " at sabay tumakbo ako kaasar andami naman pwedeng hayop diyan bakit palaka pa?!

Tamakbo ako hanggang makarating sa dulo wala na nga akong paki elam kahit pagewang gewang na yung tulay eh buti naabot ko yung kabila bahagi

"Hayyy... Akala ko mamatay na ako dun ah" napahawak na lang ako sa kahoy kung saan nakatali ang tulay

"Kakapagod yun ahh buti nalang di ako nahulo----g waaaaaaaahhhhh!!!!!!!!!" Bigla nalang naputol yung kahoy na hawak ko pati yung lupang tinatayuan ko

"Waaaaaahhhhhh!!!!  Bakit ba ang malas ko?!! Gusto ko lang naman mameet si prince charming ehhhh!!!! " sigaw ko habang nakahawak sa lupa, malapit na talaga mahuhulog na ako paano ba naman ang bigat bigat ko na pero hindi naman ako tumataba,  kaya siguro nabiyak yung lupang tinatayuan ko kailangan ko na nang diet

"Tulong!!! Tulangan niyo ako!!! " nang marinig ko ang isang yabag ng mga paa nang isang kabayo napalingon ako sa taas at tumambad sa akin ang napakagwapong prinsipe

"Prince charming ikaw ba yan? "

"Oo ako ito mahal kong prinsesa april" sabay ngiti yung tipong makalaglag panty pero this time baka ako naman ang mahulog sa bangin at mamatay

"Ahh prince charming tutunganga kalang ba diyan? "

"Oh sorry... "At binuhat niya ako hanggang makaalis na ako don

Her Wicked PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon