"Sinuswerte ka nga naman." sambit ko na makarinig ako ng tunog ng sirens. Shet.
Itinabi ko ang sasakyan ko sa gilid. Bumaba naman ang isang matipong lalaki na nakasuot ng police uniform.
Tumigil sya sa tabi ng kotse kaya ibinaba ko ang bintana.
"Alam mo ba kung bakit kita pinapatigil?" seryosong sabi nya. Napakagat ako ng labi.
"Pasensya na, mabilis ang patakbo ko." sabi ko. Napangiwi ako na napataas ang kilay nya.
"Titickitan kita." naman oh.
"Sorry pero nagmamadali kasi ako."
"Wala akong pake." kinuha nya ang notebook sa gilid nya.
"Buntis ang asawa ko." napatigil sya sa ginagawa nya.
"Are you drunk?" lumapit pa sya sakin para amuyin ako kung nakainom ba ako.
"Of course not! ang aga pa para uminom." sabi ko sa kanya.
"Pano mabubuntis ang lalaki?" naiiling na sabi nya na lumayo sakin at balak na magsulat sa notebook na hawak nya.
"Lesbian ako, asawa ko ay isang babae." sabi ko sa kanya. "At manganganak sya ngayon kaya nagmamadali ako." dagdag ko pa. Sana lumusot ka!
Pinagmasdan muna nya ako bago lumapit sakin at sinabing..
"Saang hospital?" I'm dead.
Lumapit ako sa information. Nakasunod naman yung policeman sakin. Seryoso talaga syang susundan nya ako dito at titignan kung totoo ba na may asawa ko at lalo na manganganak? Patay talaga ako nito!
"Goodmorning, how can I help ma'am?" nakangiting bati pa sakin ng babae.
"Ahm..may tanong ko lang kung may babae dito na manganganak ng walang asawa?" mahinang sabi ko dahil baka marinig ako ng policeman.
Nawala naman ang ngiti ng babae at napalitan ng pagtataka ang mukha.
"Madami.." takang tanong nya.
"Good. Thank you." nakangiting sabi ko at naglakad patungo sa ER. Sakto naman na may babaeng nakasakay sa wheel chair na inilabas sa ER, kasunod non ang nurse na may dalang baby.
Sa ibang direction pumunta yung nurse na may dalang baby habang sa iba din naman sa babae. Baka dadalhin na sa Nursery room yung baby habang dadalhin naman sa isang room yung babae.
Natauhan ako na maalala ko ang balak ko kaya sundan ko yung babae. Tama nga ang hinala ko na dadalhin sya sa isang room. Hintay ko munang lumabas yung mga nurse tsaka ako pumasok.
Napanganga pa ako na makita ang itsura nya. Hindi ko kasi masyado naanigan ang mukha nya kanina kaya nagulat ako na ang ganda pala nya.
"Hi." nakangiting bati ko nang matauhan. Nanghihina man pero kita sa mukha nya ang pagtataka. "Uhmm.." napatingin ako sa pintuan. Nakasilip yung policeman. Hindi talaga ako tinantanan.
Lumapit ako sa babae.
"Sorry ngayon lang ako dumating." niyakap ko sya na ikinagulat nya pero mabuti na lang ay hindi nya ako tinulak. "Pasensya na pero tulungan mo ako makaiwas sa pagticket sakin ng police. Umacting ka lang na mag asawa tayo, promise gagawin ko lahat ng gusto mo pagkatapos nito." sabi ko sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag nung yakapin nya ako. Napangiti ako. Lumayo ako sa kanya pero umupo ako sa gilid nya.
"Hindi mo nakita ang baby natin." pagsasakay nya. Thank god ang bait nya.
"Makikita ko din naman sya mamaya. Kamusta ka?" tanong ko sa kanya at hinawi ang buhok nya na tumabing sa mukha nya. Napatitig ako sa mukha nya.
Ang kinis ng mukha nya. Walang bahid ng pimple o ano man. Ang ganda din ng pakaayos ng kilay nya. Ang hahaba din ng mga pilik mata nya at sobrang ganda ng mga mata nya na kulay brown. Ang tangos ng ilong nya at ang pinkish lips nya.
BINABASA MO ANG
How to get out of a speeding ticket (One Shot Story)
RomanceGusto ko lang naman makaiwas sa pagticket sakin ng police officer.