Sunny
Dahil summer na nga ngayon nagbabalak akong mag travel alone. Ang saya kaya nun? yung ikaw lang. Makakalimot ka ng mga problema mo, ang sarap lang sa pakiramdam. Nandito ako ngayon sa bus station at nag-aabang ng masasakyan. Sinaksak ko na sa tenga ko ang earphones ko at nagpatugtog. Hindi din nag-tagal at nakakita din ako ng pwedeng masakyan. Bago ako pumasok sa bus ay itinanggal ko na ang earphones na nakasaksak sa phone ko at nang matapos iyon ay nag hanap na ako ng magandang uupuan. Pumunta ako sa medyo pinaka dulo at umupo malapit sa may bintana. Nang mapuno na ang tao ay nagsimula ng umandar ang bus.
Sa sobrang inip ko natulog na muna ako saglit tutal malayo pa naman ang pupuntahan e. Nang magising ako naramdaman kong malapit na ako sa bababaan ko. Mga ilang oras na rin ako nakatulog. Nakababa na ako at muling kukunin sana ang phone ko sa bag ko kaso WHAT THE HECK?! hindi ko sya makapa. Nag karoon ako ng mini heart attack that time. Nagpatuloy ako sa paghahanap sa bag ko pati bulsa ko kinapa ko na rin pero wala padin. Shit. Hindi pwedeng mawala yung phone ko dahil maraming mahahalagang bagay ang nandoon mga secrets ko din nakalagay dun tsaka yung diary ko. Nagsimula na akong mag-panic. Hindi pwede 'to. Hinding hindi pwede.
Sa sitwasyon ko ngayon ay hinding hindi ko na talaga mapigilang mapamura. I was suppose to have a great summer adventure today and this shit happens. Wow. Just Wow. What a day. Mga ilang minuto ay napaisip ako bigla...
Hindi kaya naiwan ko sa bus? Kung naiwan ko man iyon sa bus at kung sino man ang nakapulot ng phone ko, sana naman ibalik manlang saakin at sana hindi nya galawin iyon kasi walang password yung phone ko and one thing i know for sure baka mabasa nya yung diary ko pati yung.. yung.. ah basta! madaming hindi pwedeng mabasa dun sa memo sa phone ko kasi halos puro kalokohan ang nilalaman nun. Kinalma ko muna ang sarili ko at para doon sa makauha man ng phone ko, please pakibalik naman. Ipapapatay talaga kita sa aso namin pag di mo yan binalik. Joke lang hehe.
Uuwi na ako, tutal ano pa nga ba ang silbi ko dito?nakakawalang gana at nawawala yung phone ko. It makes me so worried. Napaka malas ko ngayong araw na'to. Akala ko pa mandin makakapagrelax ako ngayong araw kaso hindi e, burara kasi ako e. Asar.Pero bago ako dumiretso kila Chelsea nalang muna ako tatambay saglit at wala pa ako sa mood umuwi sa bahay. Tsaka marami pa akong ichichika sa kanya no.
Nang mapadpad na ako sa kila Chelsea. Dumiretso na ako papasok dito. Hindi na uso ang katok katok sa panahon ngayon. Nang makapasok na ako ay nakita ko syang nakadapa sa sofa habang tumutulo na ang uhog nya. Ew! Nanunuod nanaman to ng korean drama tamo.
"Anong iniiyak iyak mo dyan? Tumigil ka nga hindi bagay sayo" sigaw ko sa kanya. "E ano naman?!? wag ka ngang epal tsaka sinong may sabi sayong pwede kang pumasok dito ng basta basta?!" sigaw nya pabalik saakin habang pinupunasan ang kanyang mga mata na mugtong mugto na. Sanay na sanay na ako sa mga eksenang ganito lagi naman kaming magkaaway neto pero syempre love na love ko parin to hehe.
"Sino bang tanga na hindi nilolock yung pinto ha?!" Inirapan nalang nya ako at muling ipinagpatuloy ang panunuod nya.
"Chelsea?"
"Hmm??"
"Yung phone ko..."
"Oh?anong gagawin ko?" Walang gana nyang tanong
"Gaga! Nawawala cellphone ko!" Bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata at napatayo sa kinauupuan nya. Wow ha parang sya yung nawalan ng cp. "HALA?!?! OH AYAN TATANGATANGA KA NANAMAN NAPAKA BURARA MO KASI PAANO KUNG MAY MAKAKUHA NUN? TAPOS MAKITA YUNG MGA KALOKOHAN MONG NAKALAGAY DUN SA MEMO?! AY BOBO! ISANG KANG DAKILANG TANGA!"
Tsss. OA. Masyadong over acting naman 'tong babaeng ito. Dinaig pa ang nanay ko e, mas mabilis pa palang mag rap 'to. Lol.
"Kalma chelsea, kalma kalma." Muli ko itong pinaupo at tinanong nya ako "Pero bakit? Paano"
"Ganito kasi yan." Pag sisimula ko "Balak ko kasing mag explore ngayon outside of the world haha"
"Ano?! Ni hindi mo manlang ako sinabihan na aalis ka? Dapat sinama mo ako. Alam mo ang selfish mo talaga kahit kel--"
"Bitch! Pwede bang patapusin mo muna ako?" Abno pala 'to e. Kita nya namang nagkwekwento ako. "Okay continue" sabi nya sabay ngiti nang malapad. I rolled my eyes at her as i started to tell her everything.
Nang matapos ko na syang makwentuhan bigla syang nag tanong "Anong gagawin mo pag may nakakuha nga nun sabay nabasa yung.. alam mo na hihi" ano nga ba ang gagwin ko? Tss. Bahala na si doraemon. Edi kung mabasa edi mabasa wala akong pake!
Pero sa toto lang..Sa sitwasyon ko ngayon ay gusto ko ng magpakain sa lupa. Shit. Shit talaga.
________________
Okay, ang lame.
BINABASA MO ANG
Reasons to date me • Lee Know
Short StoryMy name is Baek Sunny and i will be giving you 10 reasons on why you should date me.