Minho
Balak kong bumisita kay Jisung ngayon, Nagbakasyon kasi sya ngayon dun sa mga pinsan nya e, sabay ang layo pa nun. Kaya eto ako ngayon pupuntahan sya, namiss ko din yung abnong yun e. Maayos naman ang byahe kaso nga lang merong isang bagay na nagbigay pansin saakin, may nakita akong cellphone na nakalapag. Ow. Siguro may nakaiwan kawawa naman. Pinulot ko ito. Gusto ko sanang maibalik kung sino man ang nagmamay-ari nitong cellphone na 'to kaso nga lang huli na ata ako e, nakababa na ata yung may ari neto. Kaya ang ginawa ko tinabi ko nalang at inilagay sa bag ko.
Nang makarating na ako sa pupuntahan ko. Binati ko si Jisung at ikwinento sa kanya tungkol dun sa phone na nakuha ko kanina sa bus.
At dahil isa akong makulit na bata, sinubukan kong galawin yung phone, buti naman at walang password kaya tuluyan kong nabuksan. Hahaha.
Ewan pero ang trip kong unang tingnan ay yung memo e. Di ko alam kung bakit pero parang ipinadpad nalang ako ng daliri ko dito.
Wow. May diary sya. Mga nandun lang naman ay yung mga School stuffs nya, reports, mga kailangang imemorya siguro yun? Nagscroll lang ako sabay may nakita akong " Ang Gusto ko sa isang lalaki" napatawa nalang ako ng di oras, pipindutin ko sana yung ng bigla akong nacurious nanaman sa nakita ko dun sa susunod na folder
"Reasons to date me" Huh? Ano daw??
"Jisung check mo lang hahaha sira ulo ang may ari ng phone na 'to hahaha" napatawa na rin si Jisung sa nakita nya. Masyadong sabik magkalove life si ateng. Binasa ko na yung reasons to date me chuchuchu nya.
*REASONS TO DATE ME*
Hello! My name is Baek Sunny. I am just a 16 year old girl with a immature and childish personality so theres no reason for you to get bored so basically i am here to give you 10 reasons on why you should date me. YES MGA MOMSHIES! 10 REASONS TO DATE ME so lets start with:
1. Loyalty: hard to believe right? Lolol it may sound so clichè pero i will promise na ikaw lang ang lalandiin ko. Trust me.
2. I will make you happy :as i can Yas bish i will. I will do everything mapasaya ka lang kahit magmukha pa akong monggoloid at mukhang hangal sa harap mo basta mapatawa ka lamang okay na okay na ako. Susupportahan kita sa lahat ng gusto mo, pangarap mo o kung ano man yan kung saan ka sasaya.
3. Romantic: i will always make you feel that you are loved and you are important. Mag eeffort ako at mag sasakripisyo ako ng oras para sayo i will do everything for you. Always remember that hindi ka abala saakin, and that will never happen.
4. Jealousy: i am the type of girl na sobrang selosa. May makita lang na may kasama or kachat na ibang girls big deal na agad. I know lots of boys i think doesn't want na sobrang selosa ang girlfriend nila diba? Pero i will try my best to avoid this kind of feeling para iwas away na rin. I understand. :)
5. Faith: i will always be honest to you. Hinding hindi ako magsisinungaling or magtatakwil sayo at paninindigan ko yan. Promise.
6. Respect: this one is the most important for me. Respect. Yes. May respeto ako sayo at sana ganun ka din. Dahil pag mahal mo nga ang isang tao rerespetuhin mo ito.
7. Time: handa akong ibigay sayo lahat ng oras ko. Kaya kong replyan ang messages mo habang nag huhugas ng pinggan, kaya kong ichat ka habang nasa banyo ako, kaya kitang tawagan habang nag lalaba ako at habang buhay pa ako, sana sa bawat minuto ng oras na tayo magkasama pa sana'y maiparamdam mo saakin ang tunay na pagmamahal gaya ng ipinaparamdam ko sayo.
8. Support : i am not the type of girls na pinagbabawalan ang boyfriend nila na maglaro especially pag gamer ang jowabels. it's okay lang naman as long as hindi mo ako nakakalimutan at alam kong masaya ka sa ginagawa mo, i have trust and thats the most important thing.
9. Trust: isa sa pinakamahalaga sa lahat. Para mas maging matibay ang ating relasyon dahil kung wala kang tiwala sa iyong taong minamahal one thing i know for sure na punong puno ng maling akala at ito rin ang possible na reason kung bakit kayo maghihiwalay.
10. Love: lastly hindi pwedeng hindi mawawala ito. I promise you that i will love you forever. Ang corni man pakinggan pero ipapangako ko sayo na kahit anong mangyari handa akong gawin ang lahat para sayo. Hinding hindi kita iiwan pangako yan at hinding hindi kita sasaktan. I will fight for our love."Hahahaha anong kalokohan 'to?" Ewan pero natatawa ako sa binabasa ko. Parang abno lang.
"Bababe ang nagsulat pre halatang halata naman eh"
"Bobo! Babae naman talaga at basa mo na sa unang sentence!" Hinampas ko sya sa ulo. Hindi din nag iisip e. Sira ulo.
Tinningnan ko mga pictures nya. Maganda sya. Simple lang, di ganun kaputi pero wow. Basta di ko ma-explain. Basta maganda sya. Kaso nga lang, parang may sira sa ulo ang babaeng ito e. Parang isip bata?
"GANDANG BABAE MAY SIRA NGA LANG SA ULO! HAHAHAHAHHAHAHA!!!" humagalpak nanaman ng tawa si Jisung pati ako ay natawa na rin.
"Tigil na nga natin 'to. Itatabi ko na at baka sakaling mabalik ko rin ito sa may ari."
------------
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa bahay at nagpahinga. Humiga na ako ng biglang nagvibrate yung phone ko.
From: Hyunjin
Tol tara dun sa cafe na tinatambayan natin. Daming chixx dun! Tara bukas kasama si Felix. Hintayin ka namin ha?
Tssk. Bahala kayo dyan. Hindi ako pupunta. Kinuha ko ulit sa bag ko yung cellphone ni Sunny. Hahaha. Yun naman siguro pangalan nya diba?
Muling binalikan ko yung memo at binasa yung diary nya. Hahahaha. Belat. Hindi mo kasi nilalagyan ng password yung cellphone mo. Yan tuloy bwahaha.
April 20, 2018
FridayDear Diary,
Last day of school na ngayon, kaya sinusulit na naming magkakaklase ang araw na ito kasi magkaka watak watak na kami. Nakakalungkot lang kasi ito na. Huling araw at next school year na ulit kami magkikita kit . Tsaka nakakalungkot din dahil hindi ko na makikita si crush. :< umamin kaya ako after moving up? Hmmm. Pag iisipan ko. Sige hanngang dito nalang. Byeeeeeee!
Dapat umamin ka na tutal malandi ka naman. Hahaha! Peace yow.
Nagpatuloy tuloy lang ako sa sa pagbabasa ng diary hanngang sa mabasa ko na lahat. Sorry Sunny. Belat. Hahaha!!!
------
Dalawang months na ang nakalipas at nasaakin parin ang cellphone nung Sunny. Kilalang kilala ko na nga ata ang personality nya e. May 100 Facts about me kasi na nakasulat dun sa memo nya kaya alam na alam ko yung mga likes at dislikes nya. Tsaka yung mukha nya kilalang kilala ko na dahil kadalasan bumibisita ako sa gallery nya kaya nakikita ko mga pictures nya. Kadalasan mga selfie e.
First day of school ngayon at sabi raw ni Changbin may bago raw kaming kaklase. Babae daw. Kaya ito namang sila Hyunjin tuwang tuwa. Alam na. Umupo ako sa pinaka likod ayaw ko sa unahan kitang kita ko ang pagmumukha ng mga teacher at baka pag recitation baka matawag ako lagi. Mahirap na. Lols. Tsaka kaming magkakabarkada laging nandito ang pwesto para goals.
"May bago tayong kaklase sana chixx" -felix
"Baka mainlove saakin yun pag nakita ako" -seungmin
"Ulol! Baka saakin! Malolove at first sight yun. Sa itsura ko ba namang 'to" -hyunjin
Kakapal ng mukha. Sarap isubsob ang mga mukha sa kubeta.
Tumahimik na sila nang dumating na si maam. Magsisimula na ang klase.
"Welcome back! I will be your adviser for this school year and before that i want you to meet your new classmate! Please come in" pumasok na yung transferee at nagpakilala.
"Hello i'm Baek Sunny! Nice to meet you!"
BINABASA MO ANG
Reasons to date me • Lee Know
Cerita PendekMy name is Baek Sunny and i will be giving you 10 reasons on why you should date me.