She loves me. She loves me not.
She loves me. She loves me not.
She loves me. She loves me not.
She loves me. She loves me not.
She loves me.
Yes! She loves me. Mahal niya ako. Hays. Kung sana totoo nalang.
"Anwie? Anwie? Anwieeeeeeeee!???? Oi! Ano bang ginagawa mo jan? Tumutunganga ka na naman. Kung ginagawa mo nalang kaya yung mga homework mo at ng hindi ka araw pinapagalitan ni Sir Connie. Pasaway ka talagang bata." Parang nanay na sita ni Adz sa akin na napapailing pa.
"Hay naku, Milada Zima. Pabayaan mo na nga lang iyang si Anwill de Marquo na mapagalitaan. Tutal siya naman ang mapapagalitaan at hindi ikaw." Pang-aasar na nakangisi pang sabi ni Benito sa akin na inambahan ko lang ng suntok. Aba't itong kakambal ni Adz, napakatabil talaga ng dila at anu-anong pinagsasabi.
"Isa ka pa jan, Benito! Ano tapos na ba yung 3-pages essay na pinagawa ni tita Jesver sayo? Lagot ka na naman nila daddy sa mga kabalastugan mo. Bibilhan ka na nga sana nila ng hinihingi mung sasakyan kaya lang...wala eh. Mababa pa raw grades mo." Natatawang sita naman ni Adz na ikanatawa ko rin dahil sa pagbusangot ng mukha ni Ben.
Kahit pala magkakambal sila ay hindi masyadong halata siguro marahil fraternal twins sila atsaka mas kamukha kasi ni Adz ang daddy nila at yung buhok naman niya namana sa tita Ajen nila na kapatid ng papa nila habang si Benito naman ay kamukha ang mommy nila na sobrang ganda at bait na kabaligtaran ng anak nito na ubod ng kulit at sungit.
"Oh anong ganap dito mga men? Di pa ba kayo kakain? Gutom na gutom na kasi ako." Singit naman ng boyish na si Chiara (Ki-a-ra ang pronunciation niyan) habang may hawak hawak pang tennis racket sa kabilang kamay na marahil ay galing pang training.
"Di pa kami kumakain kasi hinihintay namin kayo at ang matapos sa mga homework ang dalawang ito. Atsaka magpalit ka na nga muna ng damit Ki. Galing ka pa namang training at siguradong pinagpawisan ka kaya hala sige! Magbihis ka muna at ng hindi ka magkasakit diyan." Mahina ngunit madiing sabi ni Adz na ikinakamot nalang ng ulo ni Ki na lihim kung ikinangiti.
"Kuya oh. Si ate Adz. Pinapagalitan na naman ako." Baling ni Ki sa akin na ikinangiti ko nalang.
"Hay naku Ki. Parang di ka na nasanay jan sa ate Adz mo. Atsaka magpalit ka na muna tutal wala pa naman yung iba. Huwag ng makulet ah at sumunod nalang?" Mahinahong kumbinse ko dahil kung may katigasan ako ng ulo ay siyang sing tigas ng bato naman ang sa kanya. Napakahirap mapaintindi at mapasunod at mapatahimik.
"Sige na nga lang. Basta hintayin niyo ako ah? Kundi lagot kayo sa akin." Nakabusangot na saad nito at inaambahan pa sila ng suntok na ikinatawa na lang nilang lahat.
"Sige na. Sige na. Oo na. Punta ka na don." Taboy ko sa kanya atsaka muling itinutok ang mata sa homework na nasa harapan ko.
"Yow wassup? Kamusta?" Walang emosyon na bati ni Fresa as usual habang nakasabit ang gitara nito sa likuran.
"Mga pinsan, kamusta??" Adorjan suddenly greet us na hindi namin napansing dumating. Nagpapakakabute na naman ang isang 'to.
"Sorry pero hindi ka namin pinsan ni Anwill kaya wag kang feeling close." Walang kaamor-amor na ganting bati ni Fresa atsaka umupo sa kaliwang bahagi ng inuupuan ko na tabi na ang bintana which is her favourite spot.
"Bakit kayo ba ni Anwill ang sinabi kung pinsan ko..." May idadagdag pa sana siyang sasabihin ng senyasan ko si Adz na patagilin na ito na agad namang nakuha atsaka ginawa.
"Fruit, may problema ba?" Malumanay na kausap ko sa kanya na ginantihan lang ng isang iling which means yes. Hays. Kailan ba ito hindi nagkaproblema.
"I understand. You can write again doon sa diary na binigay ko sayo, okay? You can either write what you feel or through composing a song, hmm?" Patuloy ko atsaka naman niya ako nginitian ng tipid at tumango na sign na naiintindihan niya.
"Hello Philippines! Hello World!!!!" Maligalig na pagbati naman ng nag-iisang si Marcello the great na siyang gusto niyang itawag namin sa kanya. Though kahit totoo naman iyon dahil he's great at everything he do but never naming aaminin iyon nuh at baka lumaki pa ulo nito.
"Sssshhhh! Tumahimik ka nga jan Marcello! Nakakarindi na iyang sigaw mo kanina pa. Kung ipinapatawag ko kaya yung kapatid mung si..." That's Doreen na nakakibit balikat pang dumating. But sino nga iyong tatawagin niya...loading...buffering....loading complete!
"WAG! PLEASE LANG DOREEN CONSTANCIA RIVERO! MAAWA KA NAMAN SA AMIN. GUSTO PA NAMING MABUHAY NG MATAGAL!" Sabay sabay na saad naming lahat pati na ni Marcello na ayaw na ayaw talagang makasalamuha at makaengkwentro ang sariling kapatid dahil sa isang napakapait na karanasan.
Ngunit as usual, walang pakialam si Fresa gaya ni Doreen na napapatawa nalang.
"Okay. Okay chill. Di ko tatawagin ang bubwit na iyon. Huwag niyo nga lanh akong matawag tawag na Constancia." Nandidiring pahayag niya na ikinangiwi pa niya. Nababantuta daw siya kasi napakaluma.
"Pangalan mo pa naman yun ah?" Pilit pa ni Marcello na as usual ay inaasar na naman ito.
"Ay ganun. Sige nga matawagan nalang si..."
Bago pa niya matapos ang pinplanong pagtawag ay inagaw na ni Marcello ang telepono atsaka umupo katabi ng pinsan niyang sina Adorjan, Adz at Benito na nasa harapan namin habang umupo naman si Doreen sa huling upuan na katabi si Chiara na siyang katabi ko at nasa kaliwang bahagi ko naman si Fresa na naka-earphones na naman as usual.
"Hay naku! Magsitigil na nga kayong dalawa jan. Atsaka Doreen. Huwag na huwag as in huwag mo na ngang matawag yung kapatid nitong si Marcello." Para na namang nanay na sita ng mahal ko pero sshh lang kayo. Ahihihi.
'Ang kyut kyut niya talaga.'
"Kuya. Alam kunh cute si Ate Adz pero iyang pagkakasabi mo ang laswa." Sabay sabay na napalingon sa amin ang silang lima na ikinatawa ko na lamang ng pilit na hindi alam ang gagawin.
"Ikaw talaga Fresa. Ang talas talas talaga ng radar na nasasagap. Diba favourite mo yung nasa menu ngayon...ano nga iyon..." Pangsusuhol ko sa kanya na alam kung kakagatin niya.
"Fettucine. Favourite ko. Sorry ka na lang pero ginawan na ako niyan kanina nila mama." At napamentally slap nalang ako sa katigasan at kakuletan ng pinsan ko.
"Oi? Ano meron dito? Nga pala may dala akong ice cream at pizza." Nakangiti at hyper na hyper na bati ni Chiara na hindi ko alam kung saan na naman nagsusuot.
"At bakit may papizza at pa-ice cream ka? May nangyare bang hindi namin nalalaman?" Pang-uusisa ng ever great usisera na si Juvenile na hindi na naman namin napansin na kalahi ata ni Marcello the kabute. Oo di na the great nakakakabag kasi yung tindi ng hangin na dulot ng bagyong Marcello.
"Wala. Ay este nanganak na yung alaga kung si Penelope kaya magcelebrate tayo." Nakangiting palusot niya pero last month pa yun ah. Tapos ngayon niya lang naisipang icelebrate.
Hmm. May something fishy dito. Ngunit bago pa namin magisa ng tuluyan ang lakwatsera kung kapatid when suddenly, may isang presko at feeling close na lalake ang biglang lumapit sa mahal ko at hinalikan pa ito sa cheeks.
But before any one of us could recover ay maisang malutong na mura at suntok ang bumasag kaninang napakaingay na cafeteria na unfortunately ay nasaksihan ng Guidance Counselor.
"MILADA ZIMA! TO THE OFFICE, NOW!"
BINABASA MO ANG
Piece by Piece (ON HOLD)
General FictionAll I ever want is for her to be happy...but I end up breaking my heart... piece by piece...instead - Stranger