...two... (✔)

16 4 8
                                    

All I ever want is for her to be happy... But I end up breaking my heart piece by piece. - Stranger

***

"Mahal kita, Adz. Mahal na mahal talaga kita. Higit pa sa inaakala mo." Mataman ko siyang pinakatitigan na dahilan upang mapaangat ang tingin niya mula sa binabasang libro. "You're joking, right?"

"No, Adz. Seryoso ako."

Matapos kung sabihin iyon ay di na muling napatingin sa akin si Adz at ibinalik na lamang ang atensyon sa binabasang libro. "Let's just finish our homework. Atsaka tayo umuwi."

"Mahal na mahal kita, Adz."

"I heard you. But you know..."

Napabuntonghiningang isinarado ko ang binabasang libro atsaka siya malungkot na pinakatitigan, "I know. Siya pa rin pala hanggang ngayon."

"I'm sorry." Nakatungong saad niya habang pilit na pinipigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata niya ng maalala ang dahilan kung bakit siya labis na nasasaktan. Kung bakit kasi...

Dahan-dahan akong napatayo sa kinauupuan atsaka siya mabilis na nilapitan at binigyan ng magaang yakap dahilan upang di na niya mapigilan ang matinding pighati sa puso niya. Ramdam ko ang unti-unting pagkabasa ng tshirt na suot-suot ko habang walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha kasabay ng labis na pagkadurog ng puso ko.

Bakit kasi hindi nalang ako...

Piece by Piece (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon